"Kanina ka pa namin hinahanap, anong nangyari sa’yo?” usisa ni Thirdy nang maabutan siya nito sa Terrace ng guest room.
“Do you think, kaya mong talunin mula dito hangang baba?”
Sumilip si Thirdy sa ibaba at sunod-sunod na umiling.
“Bro, sa taas nito. Hindi naman ako mamatay. Kaya lang, paniguradong hospital ang bagsak ko, swerte na lang kung makalakad pa ako.” Ani ni Thirdy sa kanya.
Lumingon siya kay Westley at napansin niya ang namumula nitong noo.
“What happened to you?” Usisa ni Thirdy.
“That thief woman, she’s her. Pero natakasan niya ulit ako.”
“Ano? Ikaw? Matatakasan? Malabong mangyari yun. Baka naman pinatakas mo? Maniniwala pa ako.”
“Because she cracked my precious egg.” sambit ni Westley na ikinabuga ng iniinom na alak ni Thirdy mula sa hawak nitong bote.
“She did that?!” bulalas ni Thirdy na seryosong ikinatango ni Westley.
“I need to get check my testicles, I'm worried, baka karmahin ako sa pagsabi kay Angel na ba0g ako.”
“'Holy cow! Bro? Bakit naman yun pa ang dinahilan mo kay Angel? Paano kung maniwala yun? Paano kung ipagkalat niyang ba0g ka nga?”
“I don't care, mabuti na rin yun para tantanan na ako ng mga babaeng yun.” paliwanag ni Westley.
“Bro!!! Nandito lang pala kayo. Meron akong ipapakilala sa’yo. Siguradong magugustuhan mo.”
May hinila itong babae na naka red bikini, at long hair. Nilapitan niya ito ngunit nilagpasan lang niya ito at hindi man lang tinapunan ng tingin.
“Westley!” Tawag sa kanya ni Brandon ngunit nagpatuloy lang siya sa paglakad kaya hinabol na siya nito.
“Ano bang problema mo? Pati ako pinapahiya mo. Paano ka magkaka-girlfriend kung lahat ng magagandang babae tatangihan mo? Hindi mo ba alam kung sino si Maricar?”
“I’m not interested, kung gusto mo siya. Ikaw ang makipagdate.” seryosong sabi ni Westley.
“Ang sungit pala ng kaibigan mo, pero ganyan ang tipo ko. Yung hindi madaling makuha.” Nakangiting sabi ng babaeng kasama ni Brandon.
Nabaling ang tingin sa kanya ni Westley kaya mas lalong lumaki ang ngiti nito sa labi.
“Too bad, may girlfriend na ako.” Sagot ni Westley na ikina-awang ng labi ng dalawa.
Napairap si Maricar at nauna pa itong umalis.
“Ang sabi mo kay Angel, baog ka para tigilan ka na niya. Ngayon sasabihin mong may girlfriend ka na para umiwas kay Maricar. Baka naman sa susunod sasabihin mo ng bakla ka kaya ayaw mo sa babae?” Litanya ni Thirdy sa kaibigan.
“Westley, maiksi lang ang buhay. Anong plano mo diyan sa malaking kargada mo? Gusto mo bang kalawangin na yan? Oh antayin mong maging senior ka bago mo gamitin yan? Lantutay na yan hindi na yan tatayo. Lagpas ka na sa kalendaryo pero hindi mo pa rin nagagamit yan.” litanya ni Brandon sa kanya.
“What do you think of me? Inosente sa ganung bagay? Alam mo naman ang pinakaayaw ko Brandon yung babaeng tinatapon ang sarili sa lalaki–”
“Yun na nga eh–kaya hindi ka makahanap dahil sa standard mo. Wala nang santa ngayon Bro! Lalo na kung isang kagaya mo na isang titig at ngiti pa lamang no woman can resist.”
“Meron.” giit ni Westley.
“Meron? Bakit hindi mo ipakilala sa amin?” Ani ni Thirdy.
“Malapit na, malapit ko na siyang makilala.” Naglalarong ngiti ang sumilay sa labi ni westley. Kahit pa anong iwas at tago ng babaeng yun sa kanya. Kapag na-corner niya ito ulit hindi na niya ito pakakawalan pa.
Kinabukasan ay sinamahan ni Thirdy si Westley sa isang Urologist upang masiguro nito na hindi naapektuhan Ang kanyang egglot sa babaeng tumuhod nito.
“Sige, pakibaba ng pants mo.” Utos sa kanya ng babaeng doctor.
“Why?” Kunot noo na tanong ni Westley.
“Titignan ko yung testicl3s mo, huwag ka nang mahiya sanay na akong makakita ng ganyan.” Ani pa ng doctor sa kanya. Nilingon niya si Thirdy sa likuran niya.
“Wala bang lalaking doctor? Ikaw na lang kaya magcheck up sa akin?” nagdadalawang isip na Sabi ni Westley. Maganda ang babae na nasa harapan niya at sa tingin niya ay dalaga pa ito kaya hindi niya maiwasan ang mahiya.
“Bro, surgeon ako hindi urologist. Ilabas mo na yang pototoy mo, para masuri ni Doc. Alva.” Ani ni Thirdy.
“Pagkatapos mong maghubad ay humiga ka sa bed para mas comfortable ka.” Ani pa ni Doc habang nasa loob siya ng clinic nito.
Napabuntong hininga si Westley. Kung hindi dahil sa pagtuhod ng babaeng yun sa kanyang egglot ay hindi sana siya malalagay sa ganitong sitwasyon.
Walang nagawa si Westley kundi sundin ang doctor. Naghvbad siya sa harapan nito at sinara ng assistant nito ang kurtina upang mas maging pribado Ang pagche-check up ng doctor.
“Masakit ba?”
Tumango siya.
“Bearable naman.” Ani ni Westley. Nagulat siya nang hawakan ng babae ang kanyang bayag.
“Anong ginagawa mo?” Pigil niya sa kamay nito.
“Hindi ko mache-check yan ng maayos kapag hindi ko hinawakan.”
“Ipahawak mo na kasi–”
“Shut up!” angil ni Westley narinig pa niya ang impit na tawa ng kaibigan niya.
Pumikit si Westley at kinalma ang sarili.
“Wala naman siyang sugat outside. But you have swollen testicles. May I know what happened to you?”
“Gagaling pa ba ito? Ilang buwan? Possible ba na maging ba0g na ako?” sunod-sunod na tanong ni Westley.
“Relax, mawawala din ang pain. Bibigyan kita ng gamot para sa pamamaga ng Eggs mo. Sa ngayon iwasan mo muna ang s*x. Baka mas lalong mamaga.”
“Doc, don't worry single at virgin pa ang kaibigan ko–”
“Thirdy!” saway ni Westley. Kung abot lang niya ito baka nahablot na niya ito.
“Ganun ba? Kaya pala nahihiya ka. But I'm a doctor and we do it professionally kaya don't worry” nakangiting Sabi ni Doc. Alva.
Nag-init ang tenga ni Westley sa narinig. Hanggang sa paglabas nila sa clinic ay tulala si Westley sa nangyari sa kanya.
“Hoy! Anong nangyari sa'yo? Na-estatwa ka na.”
“I felt violated.”
Natawa si Thirdy sa sinabi niya.
Bumalik lang siya sa wisyo nang tumunog ang phone niya. Tumigil sila sa paglakad palabas ng clinic.
“What?”
“Boss, Sabi ni Miss Angel wala daw siyang maalala na nagkaroon siya ng bisitang babae sa discription mo. Kahit ang CCTV wala rin kaming nakita.” Imporma nito sa kanya.
“Really? Okay, send me the raw copy of the CTTV from 8pm to 1am” utos ni Westley.
“Yess boss!” sagot ni Arwin.
Pagkatapos patay!n ang call ay sabay na silang sumakay sa car.
“Bakit ba pinag-aaksayahan mo ng oras ang paghahanap sa babaeng yun? Huwag mong sabihin na tinamaan na yang pihikan mong puso sa babaeng nagnakaw ng brep mo?”
Usisa ni Thirdy sa kaibigan.
“I don't know, may isang babae pang gumugulo sa isip ko. Si Moonlight na hindi ko pa rin alam ang pagkakakilalanlan hangang ngayon at patuloy na nagpapabaliw sa akin.” naguguluhan na sabi ni Westley.
“Kung pareho mo silang hindi matagpuan, what if iisa lang sila ng katauhan?”
Napabaling ang tingin niya kay Thirdy.
“Malabo yan, si Moonlight. Dinadaan niya ako sa imbento at makatang tula sa kanyang sulat. Samantalang ang babaeng magnanakaw na yun. Mailap siya sa akin at inunt00g niya ako
Nang halikan ko siya.”
“Really? So siya pala ang dahilan ng bukol mo? Hmmm…pero sa tingin mo? Sino ang gusto mo sa dalawa na makilala?” usisa ni Thirdy.
Napasinghap si Westly, sino nga ba ang gusto niyang makilala? Yung nagnakaw ng brep niya at babaeng nahalikan niya? Or yung babaeng sa sulat pa lamang nanabik na siya na makilala?
“Saka na ako magde-decide, kapag nakilala ko na si Axanthe Velazquez a.k.a MOONLIGHT. Kapag nagpadala siya ng sulat ay aalamin ko agad kung saan siya nagtatago. Kapag natapos na Ang problema ni Drake Kay Eliazar. Saka ako kikilos para mahanap ang dalawang babaeng gumugulo sa aking isip."