Isang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari ang hindi inaasahan ni Xanthe. Ang halikan siya ng lalaking kinababaliwan ng kanyang cliente. Ngunit kahit anong gawin niya Hindi pa rin siya makalimutan ang gabing yun. Isang linggo na rin siyang hindi pinapalabas ng mansyon ni Ms. Fushia. Kahit ang pagsusulat niya ng love letter ay hindi na rin pinapagawa sa kanya. Nalaman din niya mula mismo kay Ms. Fushia ang nangyari noong gabing yun. Kung saan hiyang-hiya siya sa first encounter nilang dalawa ni Westley. Sa ngayon ay continues parin ang session nito para pumayat na ito ng tuluyan at kailangan din nitong nagpatangal ng mga excess skin na nabawas sa kanya.
Pagbababa niya galing sa kanyang kuwarto ay naabutan niya sa sala ang may edad na babaeng laging bisita ni Ms. Fushia.
“Akala ko ayaw mo nang ituloy ang gayuma? Bakit ngayon hinihiling mo ulit na gayumahin ang lalaking yun?” Ani ng may edad na babaeng sa pagkakaalam niya ay marunong manghula, mangamot at gumamit ng mga dasal.
“Nakita na niya ako, Nakita ko sa mukha niya ang pandidiri dahil sa itsura ko. Sa tingin ko, kahit pumayat pa ako. Hindi niya ako magugustuhan.” Ani ni Ms. Fushia.
Naglatag ito ng mga special na baraha sa kanyang harapan. Habang si Xanthe naman ay nakatayo sa likuran ni Ms. Fushia. Pinakuha siya nito ng tatlong baraha at iniharap ang Isa.
“Babae.”
“Babae?” kunot noo na sambit ni Ms. Fushia sa narinig niyang sinambit nito.
“Oo, may babae nang minamahal ang lalaking iniibig mo.”
Napaisip si Xanthe sa sinabi nito.
“Nasa baraha din ba ang sagot kung sinong babae ang magiging hadlang sa pagmamahalan namin?”
Pumikit ito at hinawakan ang kanyang isang kamay. Pagkatapos ay binuksan ang isang baraha.
“Isang babae na kababaliwan ng lalaking iyong iniibig, hindi ko makita ang kanyang mukha ngunit malalim ang pag-ibig nito para sa babae.”
“Tama na! Ayoko nang marinig yan!”
Bumitaw siya dito.
“Ms. Fushia, ayaw mo bang makita kung ano ang ikatlong baraha?” seryosong tanong nito.
Napabuntong hininga si Ms. Fushia ngunit sa huli ay pumayag itong basahin ang huling baraha. At pumikit ang manghuhula.
“Pighati…” sambit nito
“Pighati?” ulit ni Ms. Fushia.
Napahawak ito sa kanyang ulo.
“Ang pagmamahalang nilang dalawa ay magbabangon ng galit sa isa’t-isa. Hangang sa Isa na lamang ang matira.” makahulugan na sabi ng manghuhula.
“Hindi ko naintindihan, eh kami? Wala ba kaming pag-asa? Hindi ba siya ang makakatuluyan ko? Kahit sinong humadlang sa aming dalawa aalisin ko sa landas niya–”
“Ms. Fushia, ikinalulungkot ko ngunit hindi mo kailanman mararanasan ang mahalin ng lalaking iniibig mo.”
“Hindi!!! Hindi totoo yan!!! Umalis ka na!!! Ang mahal ng bayad ko sayo tapos hindi ka naman pala totoong magaling manghula!!!” Singh@l ni Ms. Fushia sa kanya.
“Xan! Ihatid mo na siya sa labas! At huwag na siyang babalik pa!” mabigat ang mga paa na umalis si Ms. Fushia at umakyat sa kanyang kuwarto.
Habang sinamahan naman ni Xanthe ang manghuhula sa papunta sa parking lot.
“Pasensya na po kayo kay Ms. Fushia. Frustrated lang siya sa sinabi niyo.” Ani ni Xanthe sa kanya.
Bumaling ang manghuhula at natigilan habang sinusuri ang maganda niyang mukha.
“Maari ko ang makita ang palad mo?” Ani ng manghuhula sa kanya.
“Pasensya na pero hindi kasi ako naniniwala sa—”
Kinuha ng manghuhula ang kamay niya at hinawakan na ikinagulat ni Xanthe.
Napapikit ito at pagkatapos ay dumilat. Nag-angat ito ng tingin sa kanyang mukha.
“Hija, ang tunay mong katauhan ang magdadala sayo at sa mga mahal mo sa buhay ng panganib. Ano man ang mangyari magtiwala ka sa lalaking mamahalin mo. Dahil marami ang mapanlinglang, kapag nagpadala ka sa bugso ng iyong damdamin. Buhay ng lalaking mahal mo ang magiging kapalit.”
Naramdaman ni Xanthe ang kilabot sa sinabi nito sa kanya. Ngunit malabong mangyari ang sinasabi nito dahil wala naman siyang lalaking iniibig at kilala niya ang kanyang sarili.
“Ganun po ba? Salamat po sa libre hula. Mag-iingat po kayo.” nakangiting paalam ni Xanthe sa kanya. Pero nang akmang tatalikuran na niya ito ay muling hinila ang kanyang braso kaya nilingon niya ito.
“Huwag mo siyang mahalin, yun lang ang tanging paraan upang hindi kayo masaktan, makinig ka sa akin, Genesis.” wika nito na ikinatigil niya.
"Genesis?" bulong ng isip ni Xanthe. Pagkatapos ay binitawan na siya nito at pumasok sa kanyang kotse.
Suminghap si Xanthe at bumuntong hininga. Pakiramdam niya may ipinasan ang manghuhula na yun sa kanyang balikat.
“Anong Sabi ng fake fortune teller na yun? Bakit ang tagal ka niyang kinausap?” nagtatakang tanong ni Ms. Fushia pag-akyat niya sana sa kuwarto ay nasalubong niya ito.
“Nagbilin lang siya na huwag kayong susuko sa pagmamahal niyo. Dahil tayo naman ang my hawak ng kapalaran natin at nandyan lang sila upang maging gabay.”
“Ganun ba?”
Hinawakan ni Ms. Fushia ang dalawa niyang kamay.
“Xan, salamat. Malaki ang naging tulong mo sa akin. Kaya gagawin ko ang ipinangako ko. Sasamahan pa kitang makauwi sa probinsya nang sa ganun ay madala na natin sa doctor ang bunso mong kapatid.” nakangiting Sabi ni Miss Fushia sa kanya.
“Eh paano si Westley? Isang linggo na tayong walang ginagawa. Susukuan mo na ba siya?” Usisa ni Xanthe.
“Hindi, magpapalamig muna tayo ng isang buwan. Puwede kang tumangap ng klyente Kay Mr. Lima. Ngunit gusto ko na dito ka pa rin uuwi. Mas kaya kitang protektahan dito.” Ani ni Miss Fushia sa kanya.
Kahit paano ay nasasanay na rin siya sa ugali nitong paminsan-minsan ay may toyo. Ngunit madalas naman ay mabait ito sa kanya.
Kinagabihan ay hindi siya madalaw ng antok. Naalala niya kasi ang sinabi ng manghuhula kanina. Kahit saang parte ng hula ng babaeng yun ay walang tumama sa kanya. Ngunit ang hula niya tungkol kay Miss Fushia at Kay Westley ang nasa kanyang isip.
“Isang babae na kababaliwan ng lalaking iyong iniibig, hindi ko makita ang kanyang mukha ngunit malalim ang pag-ibig nito para sa babae.” Ani ng matandang manghuhula.
Napasinghap si Xanthe at dumungaw sa veranda. Niyakap niya ang kanyang sarili dahil naramdaman niya Ang malamig na hangin na dumadampi sa kanyang balat. Manipis lang ang suot niyang pantulog kaya tiniis na lamang niya ang malamig na hangin.
“Sino kaya ang babaeng tinutukoy ng manghuhula kanina? Kaya ba mailap sa babae ang lalaking yun dahil may ibang babae na itong mahal?” Bulong ni Xanthe sa sarili.
“Teka? Ano naman pake ko?” kinaltukan niya ang sarili dahil hindi niya dapat iniisip ang bagay na yun. Wala naman siyang pagtingin sa lalaking yun at para sa kanya ang ginawa nitong paghalik sa kanyang labi ay natukso lamang ito sa kanya.
Napatingin si Xanthe sa itim na kotseng biglang umilaw ang front light. Inaninag niya ito ngunit hindi niya makita ang nasa loob. Malalim na ang gabi at nakatigil lang ito sa tapat ng steel gate nila.
Na-curious si Xanthe kaya bumaba siya at lumabas ng mansyon. Tulog na din ang mga bantay. Dahan-dahan siyang lumapit sa gate hangang sa makita niya ang lalaking nasa driver seat.
Ngumiti ito sa kanya at pagkatapos ay umalis na. Ang detalye lang na kanyang naaninag ay ang tattoo nito na parang galamay ng isang lamang dagat sa leeg nito.
Kinabahan siya ngunit minabuti niyang pumasok na ulit sa loob ng bahay dahil baka magising pa ang mga bantay at makita pa siyang pagala-gala.
Bumalik siya sa itaas ng kuwarto at nahiga sa kama. Pagpikit niya ay naalala na naman niya ang pagdampi ng labi ni Westley sa kanya.
“Hindi maaari ito…kailangan alisin ko siya sa isip ko. Hindi ko puwedeng isipin ang lalaking kinababaliwan ng kleyente ko.” Ani ni Xanthe habang nakahawak sa kanyang labi.