"Miss Fushia? Bakit hindi pa kayo nagpapahinga?” Usisa ni Xanthe pagkauwi niya sa bahay galing sa opisina. May nakausap kasi siyang cliente at kailangan niyang magpunta sa wedding reception upang kunin ang diamond necklace ni Mrs. Gutierrez mula sa kabit ng asawa nito.
“May lakad ka ba bukas? Puwede mo ba akong samahan?”
Naupo si Xanthe sa harapan niya at tumunga ng alak.
“May problema ba? Kung gusto mong sabihin okay lang. Puwede mo naman akong ituring na kaibigan.” Ani ni Xanthe.
“Alam mo? That's why I really like you. Pakiramdam ko kasi napaka-genuine mong tao. Kahit Isa kang magnanakaw…”
“Aray, okay na sana eh.” Kamot ulo na reaksyon ni Xanthe na ikinangiti ni Miss Fushia.
“I’m going abroad.”
“Ha? Kailan?” gulat na tanong ni Xanthe sa kanya.
“I don't know, but I'm tired. Nakakapagod pala na baguhin ang sarili para sa taong mahal mo. Para lang magustuhan niya ako. Bukod sa napakamahal, na-realize ko. Hindi ko dapat ini-aasa ang kaligayahan ko sa ibang tao. I just want to be myself, I want to smile, feel loved genuinely and eat all the food that I wanted to eat. Namimiss ko na kasi ang crispy pata….” Hagulgol na parang bata ni Ms. Fushia.
“I’m proud of you…” nakangiting sabi ni Xanthe sa kanya.
“Yeah, kasi kahit matagal mo nang mahal ang lalaking yun, willing Kang kalimutan siya at mag-start ulit.”
Tumayo si Ms. Fushia at humarap sa veranda.
“Because he is not meant for me. Malay mo, mas guwapo pa Kay Westley ang maging jowa ko sa abroad diba? At mas yummy! Yung hindi ko kailangan na gutumin ang sarili ko para pumayat at magustuhan niya ako. Yung hindi kasing pihikan ng lalaking yun! Kaya basted na siya sa akin! Westley!!! Narinig mo yun?! Bahala ka na sa buhay mo!!! Simula ngayon break na tayo!!!” sigaw ni Ms. Fushia na ikinagulat ni Xanthe.
Pagkatapos ay humarap sa kanya si Ms. Fushia.
“Makakalimutan ko din siya hindi ba? Makakalimutan ko din ang lalaking crush ko simula highschool…” nangingilid ang luhang Sabi ni Ms. Fushia. Tumayo si Xanthe at humarap din sa veranda.
“Makakalimutan mo din si Mr. Brief!!! Magkakalimutan mo din siya Ms. Fushia!!!” sigaw din ni Xanthe pagkatapos ay sabay silang nagtawanan.
“Yare na, nahawa na ata si Ms. Xanthe kay Madam Fushia.” Naiiling na sabi ng kasambahay nila sa Isa pang kasambahay na nakatingin sa dalawa habang nag-iinuman nagtatawanan at nagsasayan pa.
“Kaya nga eh, minsan na nga lang magkaroon ng kaibigan si Madam. Kapareho pa niya.” pagsang-ayon naman ng isa.
“Totoo kasi ang kasabihan na ‘friends with the same feathers,are the same birds’.” Ani naman ng isa.
“Hoy! Kayo diyan? Anong bulong-bulong niyo? Lumapit kayo dito magparty-party tayo!” Tawag ni Ms. Fushia at nakisalo naman ang kanilang kasambahay.
Ilang oras din silang nagkasayahan bago tuluyan na malasing si Ms. Fushia. Kinuhanan niya ito ng kumot at kinumotan habang nakahiga sa malaking sofa. Pagkatapos ay umakyat na rin siya. Kahit paano ay nakahinga na rin ng maluwag si Xanthe. Dahil hindi na niya kailangan pang gumawa ng love letter upang ipadala sa lalaking yun. At hindi na rin nila kailangan pang magkita.
Dalawang araw ang nakalipas ay hinatid na niya agad ito sa airport.
“Kailan ka babalik?” Usisa ni Xanthe.
“I don't know, puwede kang magstay sa mansion for free hanga’t kailan mo gusto. Wala ka naman ibang matutuluyan hindi ba? Saka nagdeposit na rin ako sa bank account mo para sa gagastusin mo sa operasyon.
“Baliw ka talaga, dapat hindi mo na ginawa yun. Hindi naman tayo nagtagumpay eh.”
“I know I’m crazy, hindi nga tayo nagtagumpay na mapasa-akin si Westley pero nagkaroon naman ako ng kaibigan.” Wika ni Ms. Fushia.
Ang buong Akala ni Xanthe ay may tama talaga si Fushia. Ngunit napatunayan niyang may mabuti talaga itong puso sadyang brat lang minsan at sanay na nakukuha ang gusto.
“Mag-ingat ka doon, balitaan mo ako.” Paalam ni Xanthe. Parang batang yumakap ito sa kanya.
“Ms–Fushia–hindi ako makahinga!”
“Aw! Sorry!” bulalas nito pagkatapos siyang bitawan. Ilang sandali pa ay pumasok na siya sa loob dahil malapit na ang oras ng flight nito.
Kumaway pa sila sa isa’t-isa at ngumiti. Kinuha ni Xanthe ang eyeglass niya at sinuot sa kanyang mata. Pagkatapos ay sumakay na siya sa kotse dahil may mission pa siyang kailangan na tapusin.
“Sigurado ka bang kaya mo na?” Ani ni Banjo pagkababa ni Xanthe sa kotse. Suot ang mahabang dress na may hati sa hita ay kinailangan niyang magpangap na imbitado sa isang kasal. Dahil doon niya gagawin ang pagnanakaw ng diamond necklace na suot ni Mrs. Garcia.
“I found the target, stand by ka lang.” mahinang bulong ni Xanthe habang nakadiin sa earpiece na suot niya.
“Okay, ingat ka. Mukhang heavenly guarded ang hotel.” paalala ni Banjo.
Dinampot ni Xanthe ang redwine na dala ng waiter at dumerecho sa target niya. Sakto naman na papasok na sa reception ang bride at groom kaya nagkakagulo na ang mga bisita sa pagkuha ng pictures ng mag-asawa.
“Ay! Ano ba yan!” Ang!l ni Mrs. Gracia nang bangain siya ni Xanthe mula sa harapan.
“Sorry po! Sorry po!”
Binaba niya ang glass wine pagkatapos ay kinuha ang table cloth at ipinunas sa damit nito. Mabilis na inangat ni Xanthe ang kamay niya sa likuran nito at segundo lang ay nahila na niya ang diamond necklace nito.
“Babayaran ko na lang po ang damit niyo.”
Kumuha siya ng isang kapal na lilibuhin at inilagay sa kamay niya.
“Okay na ito, Sige na! Lumayo ka na sa akin!” Ani ng Ginang at mabilis na sinilid ang binigay niyang pera sa bag nito.
Sumilay ang ngiti sa labi ni Xanthe nang talikuran niya ang Ginang at mabilis na umalis sa nagkukumpulan na tao. Akmang dadaan na sana siya sa entrance ngunit napatago siya sa tabi ng pinto.
“Baby, ang bilin ko sayo ha? Huwag Kang makikipag-usap sa mga lalaki okay?” Narinig niyang sabi ni Westley sa magandang babae na naka-abreciete pa sa braso nito. Mabilis siyang lumakad pabalik at nakihalo sa mga bisita dahil baka makita siya nito.
Mula sa malayo ay pinagmasdan niya ang kilos ni Westley ang pakikipag-usap nito sa bride at groom at talaga namang nagsusumigaw sa kaguwapuhan dahil sa suot nitong tuxedo. Pati na rin ang babaeng kasama nito ay maraming napapalingon dahil sa kagandahan. Naalala ni Xanthe ang manghuhula. Ang sinasabi nitong pinakamamahal nitong babae. Kahit na hindi niya tanungin paniguradong yun ang babaeng yun.
Napasinghap siya at ngumiti.
“Bakit parang disappointed ako? Diba dapat matuwa ako? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? No, hindi ito maaari Xanthe. Hindi tama ang nararamdaman mo.” kumbinsi ni Xanthe sa sarili ngunit nang tignan niya ulit ito ay nagtama na ang mata nilang dalawa.
Para siyang naitulos sa kinatatayuan niya.
“Hindi puwede, kailangan ko nang maka-alis!”
Nginisihan niya ito at mabilis siyang humakbang upang magtungo sa terrace ng event hall.
“Banjo, get ready palabas na ako. Nakilala ako ni Mr. Brief. Ang pinagnakawan ko ng underwear.” ani ni Xanthe habang hawak ang earpiece niya at kausap sa kanyang driver.
“What? At sinong client yun?” kamot ulo na sabi ni Banjo at hinanda na ang sasakyan.
“That fat woman who paid me millions just to get his underwear!” bulalas ni Xanthe dahil baka nalimutan nito matapos na tumalon sa terrace ng event hall nang walang kahirap-hirap.
“Hey!” Tawag ni Westley sa kanya.
“Lagot.” ani ni Xanthe at nilingon si Westley.
“Hindi nga ako ang nagnakaw ng brief mo!” s!gaw ni Xanthe sabay mabilis na tumakbo.
“Wala pa akong tinatanong guilty na agad.” napapailing na sabi ni Westley sabay dukot sa phone niya.
Alam ni Xanthe na pasusundan siya nito kaya minabuti nilang iligaw ito at magpasyang abandonahin ang kotse na walang placard.
“Humawak Kang mabuti.” Wika ni Banjo. Lulan na sila ng big bike motorcycle pabalik sa opisina.
“Boss! Nahabol namin ang kotse! Pero wala na sa loob yung babae!” ani ng tauhan ni Westley.
Sumilay ang ngiti sa labi ni Westley at ini-off na ang phone niya.
“She wants to play hide and seek.” ani ni Westley at makahulugan na ngumiti.
Pagkauwi ni Westley sa kanyang bahay ay dumerecho siya sa opisina niya. Pagkatapos ay pinanuod niya ang CCTV galing sa event hall hangang sa ginawa nitong pagkuha ng diamond necklace ng Isa sa mga bisita at pati na rin ang pagmamasid nito sa kanyang kilos. Ginabi na siya dahil kinausap pa niya ang nagwawalang si Mrs. Gracia at siya na mismo ang nagbayad sa nawala nitong kuwintas na milyon ang halaga.
Zinoom niya ang mukha nito at di niya maiwasan ang mapangiti dahil nagkita silang muli. Ilang linggo din ang lumipas dahil tinapos muna niya ang problema niya Kay Eliazar at ngayon na wala na ito at maayos na rin ang buhay ng kaibigan niya. Ipapahanap niya ulit ito. Kung kailangan na balikatarin niya ang buong pilipinas ay gagawin niya. Mahanap lang niya si Axanthe Velasquez pati na rin ang mysteryosang babaeng yun.
Tumunog ang phone niya ay Nakita niya ang number ni Arwin.
“Anong balita?” usisa ni Westley.
“Boss, yung kuwintas na ninakaw mula Kay Mrs. Garcia. Ay pag-aari pala ng legal wife ni Mr. Gutierrez. Umamin si Mrs. Gutierrez dahil planong ipakulong ni Mrs. Gracia ang nagnakaw ng kuwintas niya.”
“What? So hindi pa sapat ang perang binigay ko sa kanya to close her mouth?”
“Parang ganun na nga Boss, and sabi ni Mrs. Gutierrez bukas daw ibabalik sa kanya ang necklace ng babaeng yun.” Paliwanag ni Arwin.
“Okay naintidihan ko.” seryosong sagot ni Westley.
“Pero boss, may nalaman pa ako.”
Napatayo si Westley at napasinghap sa narinig.
“Ano yun? Sabihin mo na lahat.” naiinip na Sabi ni Westley.
“Yung pangalan ng babaeng inutusan ni Mrs. Gutierrez…ang pangalan ng babaeng yun…ay katulad ng pangalan ng babaeng pinapahanap niyo sa akin si Ms. Axanthe Velazquez.”
“What?! So you mean, ang babaeng nagnakaw ng brep ko at ang nagpapadala sa akin ng love letter…ay iisa?” Hindi makapaniwalang tanong ni Westley.
“Yes boss, si Moonlight at si Axanthe Velazquez ay iisang babae lamang!”
Hindi maipaliwanag ni Westley ang kanyang nararamdaman. At hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.
“Arwin, alamin mo ang lokasyon kung saan magkikita si Mrs. Gutierrez at si Axanthe. Make sure that this time. Hindi na siya makakatakas pa sa akin.” seryosong Sabi ni Westley.