Nang magising Xanthe ay Wala na sa tabi niya si Westley. Tumi-tiktilaok na ang mga manok at medyo maliwanag na din sa labas. Bumangon siya at kinuha ang kawayan upang mabuksan ang bintana. Nakita niyang abala ito sa pag-pupush ups. Kaya hindi niya maiwasan na hindi tignan kung paano mag-flex ng muscles si Westley. “Good morning, Darling.” may ngiti sa labi nitong bati sa kanya nang makita siya. “Ang aga mo naman mag-exercise.” “Syempre kailangan fit ang healthy para ganun din yung mga magiging anak natin.” litanya nito sabay flex pa ng biceps. “Healthy naman yung mga manok at baboy natin ah?” Lumapit si Westley at dumukwang sa bintana kaya napa-atras siya. “Yung gagawing baby natin ang sinasabi ko.” Nakangiting sabi nito sabay nguso sa kanyang tiyan. “Paano mo naman masisiguro na m

