“Nahanap ko na!” Sumilay ang ngiti sa dulo ng labi ni Xanthe, sinadya niya talagang hilahin ang pagkakatali ng strapless niyang bra nang sa ganun ay magawa niya ang planong tuksuhin ito. “Puwede bang ikaw na ang magkabit?” malambing na sabi ni Xanthe at lumapit si Westley sa kanya na nag-iiwas ng tingin. Tumalikod si Xanthe at tumayo sa hangang beywang na tubig. Pero nakahawak siya sa magkabila niyang dibdib “P-paano ba?” nauutal na tanong ni Westley habang nakatingin sa maputing likod nito. “Akin na.” Binitawan ni Xanthe ang kanyang dibdib at inabot ang bra. Kaagad niyang inilagay ito sa kanyang harapan. “Kunin mo yung tali.” Narinig niya ang pagsinghap nito at hinawakan ang tali. “Gawin mong ribbon ang pagkakatali ha? Tapos dalawang buhol para di na ulit matangal.” Sinubukan na

