CHAPTER 2

1953 Words
Kaba. Iyon ang nararamdaman ni Yumiri ngayon. Lalo na at nakalimang job interview na siya ngayong araw, at sa limang job interview na 'yon, wala ni isang interviewer ang hindi nainis sa kanya dahil hindi siya makasagot sa mga tanong na binabato sa kanya. Paano english kasi ang lenguaheng ginagamit nila sa pagtatanong. Na-isip nga ni Yumi kanina na wala siya sa Pilipinas kundi nasa America siya nang dahil sa puro inglesan ang nangyari. Yumi is agitated, hindi siya mapakali dahil gusto niyang umuwi mamaya na may trabaho na siyang muli. Ayaw niyang umuwing luhaan. Nagugutom na ang mga pamangkin nito, wala na rin pang sugal ang nanay niya at pang-inom ang tatay niya. Pine-pressure siya ng mga ito na maghanap ng trabaho dahil kapag hindi siya nakahanap ng trabaho, natatakot siyang baka kunin ng DSWD ang mga pamangkin nito. Kaya naman habang naghihintay siya ng turn niya para interview-hin, hindi niya mapigilang ngatngatin ang kuko sa hinlalaki nito habang nag papalatak ang paa nito sa de tiles na sahig ng building kung nasaan siya ngayon. Nararamdaman na rin niya na nag papawis na ang kili-kili nito. Mabuti na lang at white itong long sleeve shirt na ipinahiram ni Marie sa kanya kundi naku, baka mandiri sa kanya ang mga taong makakakita sa basang-basang kili-kili nito. At ang polbo nito ay napalitan ng pawis kaya naman napagdesisyunan niyang mag retouch ng polbo na binigay ni Marie sa kanya kahapon. Kaya naman binuksan na niya ang bag niya na hiram lang din niya kay Marie at ibubuhos na sana nito ang pulbo sa palad niya nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan. "Nasaan si Miss Yumiri Alcantara rito?" Mataray na tanong ng isang baklang mukhang pagod na pagod na based na rin sa sibangot nitong mukha at kunot nitong noo. Nakangiting nagtaas ng kamay si Yumi. "Ako po, Ate ganda!" Bigla naman napangiti si baklang masungit. "Halika, hija." Mabilis ang galaw na binalik ang polbo nito sa bag at saka nilapitan si Kuyang mukhang Ate. Hindi napigilan ni Yumi na mamangha sa loob ng office na sinabi ni Kuyang mukhang Ate sa kanya na pasukan niya. Nakalimutan niyang nasa magarang lugar nga pala siya dahil na rin nadadala siya ng kaba niya kanina. Namangha siya sa kumikintab pang napakalaking salamin sa paligid ng silid, at mas namangha siya sa mga wood and clay sculpture na naka-display sa iba't ibang bahagi ng silid. May mga pictures ding naka-display sa dalawang malaking divider na pawang ang ganda sa pagkakagawa. "Beautiful isn't it?" Napaigtad siya sa gulat nang marinig ang isang boses anghel ng isang babae. Sinundan niya nang tingin kung saan niya narinig ang boses na 'yon and when their eyes met, bigla siyang nanlamig sa kinatatayuan niya. Nalamigan kasi siya sa kulay asul na mga mata ng babae na pawang nagyeyelo ito sa pagka-asul ng mga ito. Satingin niya ay nasa 50's na ang edad ng babae. Pero kahit may edad na ito, hindi parin maitatanggi ang taglay nitong kagandahan. May pagka-morena siya, at may preckles pa sa ilalim ng mga mata niya na wala man lang bakas ng kahit anong dark circles o wrinkles man lang, and her perfectly shave eyebrows is worth having for. Matangos rin ang kanyang ilong, may cleft chin pa siya. Even her hair is long and wavy. Naisip nga ni Yumi na ang sarap sigurong hawakan ang buhok nito, mukhang malambot eh. Everything about her screams luxury. Magmula sa suot nitong kwintas, pulseras, sapatos na may takong, damit na mukhang mamahalin hanggang sa lipistik nito sa labi. Ang yaman siguro niya.. Yumi wonders habang nakatitig parin sa babaeng prenteng naka-upo sa isang magandang upuan kaharap ang malaking table na pawang gawa sa dyamante. "Sit down, Miss." Utos ng babae sa kanya. Nakakatakot ang tingin nito pero deep inside Yumi, she feels kinda comfortable around the woman. Kahit hindi niya naintindihan ang sinabi ng babae nang dahil ingles na naman ang ginamit na lenguahe at dahil na rin sa accent nito, umupo pa rin siya sa isang silya, pero hindi sa silya kung saan talaga siya pinapaupo ni Frigga. Nagtaka na agad si Frigga why on earth did this girl took a sit at the far end chair. She's two meters away from me for goodness' sake! But Frigga keep her composure. Tahimik lang din naman ang babae na kanina pa nakatitig sa kanya. Well, good sign that she's quite. Impressive. Frigga said to herself while examining the face of the girl. Out of nowhere, Frigga get the glass of wine on the table and throw it near the girl dahilan naman para mabasag ang wine glass na naging dahilan nang pagkaigtad sa gulat ni Yumi. Let's see what are you going to do. She said to herself as she keeps on examining the girl. Ilang sandali pa, tumayo na 'yung babae at nag tingin-tingin sa paligid, kunot ang noong sinundan ni Frigga kung saan ito nakatingin at pumunta. Kinuha ni Yumi ang kung anong puwede niyang kunin para malinis ang bubog ng basong nabasag. May nakita siyang cardboard at isang maliit na walis tambo at tahimik niyang nilinis ang bubog ng baso na may ngiti sa labi. When Frigga saw that smile on the girl's lips, hindi ba niya alam kung bakit napangiti rin siya. Matapos niyang malinis ang kalat at makasiguradong walang natirang bubog sa napakalinis na sahig at maitapon ito sa nearest trash bin, nakangiting umupo ulit si Yumi sa kung saan siya umupo kanina. Katahimikan ang bumalot sa dalawang babaeng nasa silid. Hindi na alam ni Yumi kung gaano siya katagal sa silid, basta nag hintay lang siya ng taimtim sa kung anong sasabihin ng babae pero isang oras na ata ang nakakalipas pero wala paring sinasabi ang babae. Baka tinatamad mag salita? Takang tanong ni Yumi sa sarili niya. But then after a while, the woman throw something on the floor again, agad naman nilinis ni Yumi ang bottled water na tinapon na naman ng babae sa sahig at nang matapos ay nakangiti na naman siyang bumalik sa kinauupuan nito. Isang oras na naman ang lumipas nang magsalita na ang babae. "Mag sabi ka nga sa 'kin hija about sa sarili mo." Utos ni Frigga kay Yumi habang nakahalumbabang nakatingin ito sa kanya. Mas lalong umusbong ang ngiti ni Yumi dahil deep inside her, nagbubunyi siya dahil sa wakas, tagalog na ang lenguaheng ginamit sa pagtatanong sa kanya. Ang sabi kasi ni Marie, kung tinanong ka ng english ng interviewer, sagutin mo rin ng english, pero dahil hindi naman marunong mag-english si Yumi, hindi na lang siya sumasagot para maka-iwas siya sa pagsasalita ng english barok. Mapahiya pa siya. "Ang pangalan ko po ay Yumiri Alcantara," Frigga hums as she sharpened her fiercing blue eyes at Yumi's. "Hm, nice name. Sige tuloy mo hija." Udyok ni Frigga kay Yumi para ituloy ang sinasabi nito. At tinuloy na nga ni Yumi ang pagsasalita niya. "Nakatira po ako sa Tondo, Manila, kasama ang buong pamilya ko. Ang nanay ko po ay sugarol habang ang tatay ko naman po ay laging umiinom, wala po silang trabaho pareho, at may lima po akong kapatid, lahat din po sila ay walang mga trabaho pero may trabaho naman po ang ka-live in partner nila, nakatira rin po ang mga asawa nila sa bahay namin na dalawa lang po ang kwarto. May apat po akong pamangkin sa panganay kong kapatid na lalaki, tatlo naman po sa pangalawang kapatid ko na babae, apat naman po sa pangatlo kong kapatid na babae ulit, tapos po tatlo na lahat po sa dalawa ko pa pong kapatid na lalaki at babae. Ako lang po ang walang asawa at anak sa aming anim magkakapatid. Bunso po ako at elementary lang po ang natapos ko. Ako lang rin po ang inaasahan ng magulang ko na magkatrabaho ng matino, at gustong-gusto ko rin pong magkatrabaho dahil ayaw ko pong makuha ng DSWD ang mga pamangkin ko. Hindi ko po kakayanin kapag kinuha ang mga pamangkin ko,--" Then she continue talking and talking while Frigga amusingly listening to every word that the girl is saying to her. Minsan nalulungkot siya, minsan naawa pero madalas natatawa siya sa kinukwento ng babae tungkol sa buhay niya. Hindi na alam ni Frigga kung ilang oras ng nagsasalita ang babae tungkol sa sarili niya pero parang talambuhay na itong kinukwento niya sa kanya. She didn't stop the girl from talking, because first, she's amuse about the girl's attitude, second, she's innocent, honest and pure and third, she's very funny. Frigga is sure to herself that this girl is the best maid for her son. Because this girl is the purest girl she ever interviewed in her entire life. "Ayun lang po ang masasabi ko tungkol sa sarili ko, Ma'am." Frigga chuckles as she keeps rammaging through some papers in her table. 'Yun lang huh? Pero umabot ka ng ilang oras sa pagsasabi-sabi mo tungkol sa sarili mo. Natapos ko na nga itong kontrata mo. Bulong ni Frigga sa sarili habang inaayos ang kontrata na pipirmahan ng babaeng nag ngangalang Yumiri Alcantara. Frigga is a lawyer herself kaya naman hindi na niya kailangang mag hire ng lawyer para gawin ang kontratang ito, at hindi na niya kailangang mag hintay para magawa lang ng isang lawyer ang kontratang ito because she can't wait to send this girl into her son's bachelor's pad. She's sure to herself that her son will never gets bored and will never feel like he's alone when he's with this girl in front of her. Loki is like the boy version of Frigga, kaya naman alam ni Frigga na magugustuhan ng anak niya ang bagong maid nito. At alam na alam nitong magtatagal na ito sa buhay ng anak niya. Because Frigga never been entertained in her whole goddamn life, ngayon lang, nang dahil sa babaeng may pagkaisip bata at may inosenteng pag-uugali. Well, I like her already. Frigga thought to herself. "Halika rito hija," Lumapit namang agad si Yumi dito at saka siya inabutan ng isang mamahaling ballpen ng babae. Mahahalintulad ni Yumi ang ballpen na hawak niya sa gamit na ballpen ni Jose Rizal dati. "Pumirma ka rito," Turo ng babae sa isang guhit na nasa itaas ng full name niya. Sinunod naman niya agad ang inutos ng babae. Pumirma siya duon. Frigga flip the papers at tinuturo nito kung saan siya dapat pumirma. Pagkatapos pumirma ni Yumi, binigay na niya ulit sa babae ang ballpen na inabot sa kanya ng babae kanina. "Oh no, sa'yo na 'yan, Hija. Regalo ko na lang para sa'yo. Alagaan mo ng mabuti ha?" Nakangiting tumango-tango si Yumi na parang bata. "Opo! Makakaasa po kayo, Ma'am!" Frigga chuckles lightly. "Sige. Fourty thousand pesos ang sweldo mo, starting palang 'yan. Mag simula ka na bukas." Walang kagatol-gatol na anunsyo ni Frigga kay Yumi. Yumi's eyes grew wider, hindi na niya napigilan ang sarili niya dahil sa sobrang saya, niyakap niya nang mahigpit si Frigga na nabigla sa sudden action ni Yumi. Pero imbes na mainis kagaya ng lagi niyang reaction, natutuwa pa itong hinagod ang likod ni Yumi. "Thank you po talaga, Ma'am! Pangako po, gagalingan ko po sa trabaho ko. Hinding-hindi po kayo magsisisi!" Natutuwa na lang siyang na-iling kay Yumi. "Gusto ko hija, magtagal ka ha? Dalawang taon din ang kontrata mo, stay in maid ka pa naman. Good luck. You're gonna need it." Frigga winked at Yumi, dahil hindi naman maintindihan ni Yumi ang english na narinig sa babae, tumawa na lang siya rito para in parin siya sa ganap sa pagitan nila ni Frigga. To be continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD