Chapter 3 (Alpha's Rejection)

2683 Words
Sa kabilang building naman ay iritadong napa salampak sa upuan si Darius. Kagagaling lang nila sa kabilang building, nagka g**o kasi kanikanina lang kaya napa responde ang mga student councils ng building nila at dinala sila sa main building, at dun mas lalong nag init ang kanyang ulo. "S-sorry Darius" saad ng isa sa kasamahan niya, habang naka yuko sa takot na marahil ang kaguluhan kanina'y siyang dahilan ng galit nito. "Darius, wag ka nang mag alala at naintindihan nman nila ang nang yari, hindi natin kasalanan, sila ang sumogud dito at nanggulo" "Hindi iyon ang kinaiinisan ko Jovan!" Sabay sabunot nito sa buhok. "Huh? Eh anu pala?" Litong napatitig sa kababata at mas lumapit pa dito. "Mate..."at nag tagis ang bagang nito matapos bigkasin ang salita. Bumilog ang mata ng kaibigan, bumakas ang gulat at saya para sa future alpha ng pack, ang pag kakaroon ng mate ng isang alpha, ang pagkakaroon ng luna ay isang napaka laking bagay, lalo pa't ang pack nila ang isa sa malakas at nirerespeto mula paman noon, sila ang pinagmulan ng lahat ng kanilang lahi, ang lahi ng mga taong lobo. Royal Empire clan, ang pack na siyang punong pinag sangahan narin ng ibat-iba pang packs, their ancestors were the first wolves in the country, at hindi lang yun, sila rin ang pinaka may purong dugong lobo, na di maipag hahalintulad sa ibang groupo na may saling dugo na ng tao. Ni minsan din naman ay wala pa ni isa sa kanila ang naitakda ng nasabing moon goddess sa hindi kalahi. "Congrats pala kung ganun! pero base sa mukha mong lukot na lukot ay sigurado akong hindi si Farrah ang mate mo, ha! Sabi ko na at tama ako." tinutukoy ng binatilyo ang nobya ni Darius at kababata nila. "Mas malala pa Jovan." Seryoso at kunot noung tugon sabay naihilamos ang mga palad sa mukha. "Para sayo malala, sabi ko naman sayo na baka nag kakamali ka lang ng pag aakalang si Farrah ang mate mo, hindi ordinaryong atraksyon ang mararamdaman kapag tunay na mate" "Totoo naman kasing nahulog na talaga ako kay Farrah, Van. Akala ko talaga ganun na ang mararamdaman sa isang mate, isipin mo! Bente anyos na ako, ang iba ay desi saies palang o sa araw mismo ng kanilang kaarawan may mate na! Isa pa hindi yan ang pinoproblema ko!" "Oh? Anu nga? Diritsohin mo kasi ako!" Darius didn't answer right away, he looked on his companions as a sign that he want them to leave. Ibinalik nya rin ang atensyon sa kaibigan nang tuloyang makaalis ang lahat. Tahimik namang naka tingin si Jovan sa kanya, mukhang sersyoso nga ang pag uusapan. "My mate... Is a human." Bahagyang napa buka ang bibig ng kaibigan sa inilantad ng future alpha. Tao? Ordinaryong tao lang ang magiging luna? Mula sa pagkakabilog ng mga mata ay sumingkit naman ito at sabay ngiting aso. "Akala mo talaga madadala mo ako sa prank mo, Darius? Anak ka ng alpha pero hindi ibig sabihin nun magaling kang mag prank" sabay halakhak nito, naka sanayan na kasi nila ang pag paprank sa isa't isa. Nanatiling tahimik at naka titig si Darius sa kaibigan, ang tawa nito ay unti unting naging hilaw. "kasi di ba? Impossible yun kaya di yan totoo. Anu nalang mangyayari pag totoo di ba?" Nang patuloy na walang imik ang kausap ay dinapuan na ng kaba si Jovan. "Alpha ka, hindi mag bibigay ang dyosa ng buwan ng kapareha na ordinaryong tao para sayo, impossible di ba? Di ba? T-totoo ba? Sh*t! Darius!" "Kinompirma ni Zion, hindi naman siguro mag sisinungaling ang sarili kong wolf sa akin." Parehong nanahimik ang dalawa at gulong g**o sa sitwasyong kinakaharap, siguradong magkaka g**o ang boung pack. Ni minsan ay wala pang Alpha ang nag reject ng mate sa boung kasaysayan ng Royal Empire pack, dahil pinapanatili nila ang pag sunod sa kagustohan ng Diosa, naniniwala silang ito ang paraan ng Moon Goddess upang maprotektahan ang boung lahi o pack nila. Pero ni minsan din naman ay wala pang alpha o ni kahit sinong miyembro ng pack nila ang itinakda sa isang ordinaryong tao! "Maybe I should just reject her." Bakas ang desperasyon at depression kay Darius. "Wag muna Darius, I suggest you to ask for the elders help regarding this. Your an alpha! And she was chosen! Who knows if... There's something in her? I guess." "She's human, she won't survive! Tignan mo lahat ng mga lobo'ng napares sa hamak na mga mortal! They can't bare a pup without dying! So she will die eventually!" Frustration in 'Duh' tone. He can't help it, he's worried and irritated at the same time, worrying that if accepting her as a luna will be the cost of her death, paanu kung nais lang ng moon goddess na magkaroon lang siya ng pup mula dito and just let her die after? Irritated dahil hindi isang tulad niya ang pinangarap niyang maging luna! Isang mahinang tao? He even promised Farrah to be his future luna, his beloved, a sweet and kind girl with so much talent and beauty, she's perfect for a luna. At wala man lang siyang magawa. Wala nga ba? He will be the future alpha, a leader, and as a leader, he will protect and decide for his pack. Right! He can decide for him and for everyone. Pero hindi matukoy ang nais ng tadhana, maraming bagay ang sadyang paparating at mangyayari palang, di inaasahan, nakatakda at di mababali. "ALIS!" Blag! Shannon got frightened and lost her balance as he roared in a deep load voice. Napa lingun naman ang lahat dahil sa malakas na nilikha nitong tunog, namilog naman ang mata ng lalaki sa gulat pati na si Seph at ang iba pa. "Aw! A-aray." Napapikit ng mata si Shannon sa naramdamang kirot sa likurang bahagi ng ulo, kaya nanatili siya sa pagkakahiga sa lapag. Array ko! Ang sakit! Parang natanggal ang utak ko! Isang malakas na halakhak ang kumawala kay Greg, kaya't nagsi tawanan narin ang lahat, napa mulat naman si Shannon at napatingin sa paligid. God? Pwede mag mura? Bakit ganyan sila? Wala man lang tumutulong! Namula sa galit at pagka hiya si Shannon. "Anu pang hinihiga higa mo diyan? Ahaha Feel na feel mo masyado yung sahig tanginang lampa! Ahaha Bwisit! Ahaha sakit ng tyan ko! tayo ka na! O baka naman nag hihintay kapa ng prince charming or knight in shining armor na tutulong sayo?" si Greg na walang sawa sa pagtawa. Binigyan ng dalaga si Greg ng matalim na tingin na hindi naman nakikita ng lalaki dahil pipikitpikit pa ito sa pagtawa. Kung may bala ang mata ko, butas butas kana sana ngayon! Kunin kana sana ni kamatayan! Dahan dahang bumangon si Shannon, pagka bangon ay pinagpag ang damit, itatayo nya sana ang upuan nang may mga kamay ang nag angat ng bangko nya patayo. Napalingun siya rito at napag tanto nyang si Airon ito, nakita nya rin si Ai na nasa likod lang ni Ron. "You ok miss Hamero?" At ngumiti ito sa kanya, showing his dimples again. "Yeah" Sabay baling sa ibang direksyon, hoping he didn't notice her blushing. "Naturingan kang council officer, Mr. Jin Kaiser Cane, sana naman ay-" "Whatever you say golden boy" Airon was cut off by this arrogant guy, sabay lisan nito sa lugar. "Oi Jik! Jik! San ka?" Greg shouted and followed his friend. Hindi lubos maisip ni Shannon na may mga taong sadyang bastos ang pag uugali sa ganuong libil, ganun paman ay naisip niyang maaring may pinag daanan lamang ito? Dahil para sa kanya ay wala namang taong ipinanganak na sadya nang masama. "Pagpasensyahan mo na Shan. Siguro ay mas mainam na medyo lumayo ka sakanya ng upuan." Tamango si Shannon bilang pag sang ayon dito. "E uusog ko nalang siguro ang upuan ko." "Mabuti pa nga, uh... May masakit ba sayo?" "Wala, ok na ako, salamat nga pala." " Walang anuman, just tell me if you need help." "Ok" nginitian niya ang binata at ganun din ito, isang marahang tango at nag tungo na ito sa mga kasamahan nito kanina. Bumalik si Shannon sa upuan niya at iniurong ito palayo mula sa upuan ng kaklaseng nag ngangalang Jin Kaiser Cane. Buntong hiningang napa upo sa silya at tila naubusan ng enerhiya. It will surely take her more time to adapt this new environment. Nang mag hapon at makabalik sa sariling silid ay maaga na siyang nag asikaso ng haponan upang maka inom narin ng gamot, may roon namang sariling kitchen corner ang bawat silid sa building na iyon, at pwede ring magpa cater sa cafeteria ng school. Completo ang paaralan at di na kailangan pang lumabas ng unibersidad. Matapos kumain ay ininom niya na ang kahulihulihan gamut na laman ng garapa, may isa pang punong garapa ang natira at bukas niya iyon sisimulang itake. Kasalokuyang nag papahangin sa veranda, tinatanaw ang itim na langit na may naka banig na mga diamante, napag pasyahan ni Shannon na mag palipas na muna. Sa unahan ay makikita ang man made lake pati ang main building, nakakahalina ang lugar, napaka ganda ng pagkaka landscape na animo'y isang mala pantasyang kaharian ngunit may halik din ng modernong paraan. Ang dilim ng gabing iyon ay di naging hadlang sa taglay na ganda ng lugar, bagkus ay nag bigay ng kakaibang misteryo sa kabuohan nito. Nakatulong ang ilaw na naka latag sa harden, naka pwesto sa mga lugar kung saan mas nadipina ang kakaibang ganda ng boung paaralan. Her first day of school is a bit rough for her, but maybe she just need to get used to it. After all, she's enjoying the place, and meeting new faces in this new place excites her. Getting out of her safe zone for some adventure, things she had never been done before. While savoring the view, something caught her attention, no wait... It's not something... But rather someone. A figure of a tall man standing near the oak tree on that small island. She squinted her eyes thinking it would help her see it clearly. Bahagyang kinabahan si Shannon ng makitang sa kanya ito nakaharap, although shes not sure kung sa kanya nga talaga ito naka tingin, pero sigurado namang isa lang ito sa mga estudyante ng paaralan dahil sa kulay ng sout nito. "Stop being so paranoid Shan." Alo niya sa sarili at nag desisyong matulog na lamang. Nag lakad na pabalik at isinarado ang sliding door na gawa sa glass, ngunit ng muling masulyapan ang labas ay tila nakita nya ang parehong pigura, pero sa pagkakataong iyon ay mas malapit ng ilang kilo metro sa building nilang mga boarders. Bahagya syang napaatras sa gulat, whoever that stranger is, he's creeping the hell out of her! Hindi rin naman siya sigurado kung parehong tao din ba ito sa pigurang nakita sa lake. Kahit na mas malapit ang kasalukuyang tinatanaw ay hindi iyon sapat upang makita itong lubos. Muling binuksan ng kaunti ni Shannon ang glass door at inilabas ang ulo upang muling sulyapan ang lake, bumilis ang t***k ng puso ng mapag tantong wala na roon ang kaninang tinatanaw na pigura. Dali daling isinara ang glass door at inilock, at tinignan ang taong nasa harap na ng building na may ilang kilometro ang distansya, naroon parin ito at may pakiramdam siyang sa kanya nga ito naka tingin. Inihulog ni Shannon ang mga makakapal na kurtina upang tuluyang matabunan ang tanawin, kunot noong umupo sa higaan, maraming spekulasyong nag uunahan sa isipan na sadyang di maiiwasan, na baka may kung anung kakaiba o baka naman ay nagkataon lang, na wala namang dapat ipag alala? Nang mag umaga ay maagang bumangun si Shannon, kelangan niyang kumain sa tamang oras upang maka inom ng gamut sa tamang oras din, pero kanina niya pa hinahalughog ang bag niya, ang medicine kit, pati ang traveling bag at lahat na. Naiwala niya ang buong lagayan ng gamut! At tanging injecteble na emergency serum lang ang naroon at isang garapang wala ng laman. Walang nagawa ang dalaga kundi ang ipagpaliban na muna ang pag inom at pag hanap sa gamut kundi ay mahuhuli siya sa klase. Biglang pumasok sa isipan ni Shannon ang pagkaka bagsak sa kanya kahapon. Tama! Baka nahulog ko sa classroom?! Dali daling ipinag papasak ang mga gamit sa backpack niya at mabilisang inilock ang silid. Lampas na sa tamang oras ang paginom nya ng gamut, siguro ay hindi naman siguro siya mamamatay kung isang beses na mapaliban ang pag titake ng meds niya. Patakbong tinungo ang main building na bagaman ay nalalakad at tanaw lang ay may kalayuan parin. Pwede pa rin naman siguro akung uminom ng gamut kahit late ng kunti diba? Hindi naman ako mapapagalitan nila mommy basta wag lang nilang malaman, sadyang oa lang talaga sila sa medications ko. Biglang bumagal sa pag takbo ang dalaga hanggang sa naging isang napaka bagal na paglalakad, may lalaking napaka tangkad ang patungo sa diriksyon niya. Kakaunti palang naman ang estudyante sa paligid lalo pa't malawak ang daanan pero napapa lingun ang lahat sa lalaki, kapansin pansin ang taas at laki ng katawan nito. Woah! Estudyante pa ba to? Iginala ni Shannon ang paningin sa katawan ng lalaking palapit na sa kanya, naka uniporme ito pero hindi katulad nang sa mga taga main building. Nanlaki ang mata ni Shannon ng maalala kung saan niya nakita ang lalaki, ito yung lalaking lulan ng itim na van kahapong tumitig sa kanya. Dinapuan ng kaba si Shannon, nag iwas ng tingin at pinag patuloy ang mabagal na paglalakad. Ramdam niya ang mga titig na muling ipinukol nito sa kanya tulad kahapon. Anu nga bang problema nito at tinitignan siya. Huminto ang lalaki sa mismong harapan niya na siyang dahilan ng kanya ring pagkaka hinto, tila statwang naka tayo si Shannon at di parin magawang tignan ang estrangherong nasa harapan, humakbang siya pagilid upang sanay makaalis na pero iniharang nito ang katawan sa daanan niya. "May i know your name miss?" In a cold and manly baritone voice, he asked her, dahilan ng pag tayo ng balahibo sa batok ng dalaga. Napa angat ng mukha si Shannon ngunit naiilang na iniwas din, nahihiya at bahagyang pinamulahan, hindi pa sanay kung paanu maki salamuha sa mga taong hindi kilala. Masyadong ring intimidating ang lalaki, walang emosyong mababakas sa gwapong mukha nito, ang anyo ng lalaki ay hindi pangkaraniwan kumpara sa mga kaedad niya lang na bagaman may matatangkad pero mala boy nextdoor ang dating, ang isang ito ay may tamang hubog na ng katawan na mahahalata kahit na may damit naman, tipong pang modelo ng mens underwear, pwede rin na mala ancient soldier. Kapansin pansin ang hazelbrown na mata nito, na isa sa dahilan na nag mumukha itong stricto dahil tanaw na tanaw ang itim na mga pupils sa gitna, dagdag pa ang malalantik na mga pilik mata, pero lalaking lalaki parin ang itsura, matangos na ilong na naaayon sa hugis ng mukha, maninipis at mamula mulang labi, na siyang tanging bagay na malambot sa kabuuhang itsura ng lalaki, pero nababagay parin sa hulma ng panga at ilong nito. "S-Shannon, b-bakit?" "Your full name please." Muling napa angat ng tingin si Shannon, nag tataka kung bakit nito tinatanong ang pangalan niya. "Please, may I have your full name miss Shannon?" Muling tanong nito at bahagyang ngumiti pero halatang hindi sensero dahil makikitang hindi umabot sa mga mata nito ang ngiting ipinakita. Nag dadalawang isip si Shannon, ba't naman gustong malaman ng lalaking ito ang pangalan niya? Gayun paman ay sinunod niya ito, lalo na at mahuhuli na siya sa klase. "Uhm, Shannon Kieran Guevara Hamero, bakit?" Muling ngumiti ang lalaki ngunit may kung anung kakaiba sa ngiting iyon sa pagkakataong ito. Biglang nitong kinuha ang kanang kamay niya at itinaas iyon, ipinag daop ang kanilang palad sa ere, tigagal sa ginawa ng poging estranghero, kung kaya ay hindi agad naka galaw. "I, Zion Darius Finnegan Huxley the future alpha and leader of the Royal Empire pack, rejected you, Shannon Kieran Guevara Hamero as my mate and future luna."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD