"Oh, I ... Uhm" Shocked and confused, all she did was to blink her eyes many times like idiot as the awkward silence stretched.
Naka drugs... She thought herself, unti unti namang natunaw ang mayabang na ngiti ni Darius, wala siyang maramdamang pagbabago, dapat ay nag lulupasay na siya sa sakit at naputol na ang bond na nararamdaman niya dito tulad na sinasabi ng iba kapag may nireject kang mate, marahil ay may mali sa ginawa niya o may naka ligtaan?
Hinablot na ng dalaga ang kanyang kamay at magalang na ngumiti sa lalaki.
Mukha naman siyang matino, gwapo pa naman, baka prank to or nantitrip?
Pero alin paman sa dalaw o sa ibang rason, ito lang ang alam niya, mahuhuli siya sa klase.
Darius on the other hand stiffened a bit as he realized how embarrassing it is, kaya nag iwas siya ng tingin dito, palagay niya'y pinamulahan siya ng mukha dahil sa naramdamang init, kahit na moreno naman siya.
"E-excuse me po, I'm sorry hindi ko po naintindihan, pero kasi... Late na po ako." Sa isang marahan na boses ay tinatansya ng dalaga ang ekspresyon ng lalaki at baka magalit o mairita ito sa kanya, lalo pa't mukhang ubod ito ng sungit.
Bahagya lang na tumango si Darius nang hindi naka tingin at masungit kung tignan, natural na umiral ang ugaling makikita sa isang lobong dugong alpha, mainitin ang ulo, pikon, garboso o mataas ang pride, at ikakahiya niyang ipakita na apektado siya sa kahihiyang ginawa, hindi rin naman niya inasahan na ganoon ang magiging resulta.
Dahan dahang nag patuloy ang dalaga sa pag lalakad at pasulyan sulyap sa lalaking weirdo, hindi parin ito gumalaw sa kinatatayuan kaya naman ay ipinag sa walang bahala niya nalang at tuloyan nang tumakbo paalis.
"Sh*t, what was that?" Whispered to himself while gritting his teeth, buti nalang di niya sinama ang kababatang si Jovan, kung nagka taon ay pinag pyestahan na siya nito sa kahiyahiyang sitwasyon niya, pero sa kasamaang palad...
"Hmpfft..." Tunog pagpipigil ng tawa ang narinig niya sa likuran, saka ay tuluyang natigok sa kakatawa ang asong ulol na kaibigan.
"That's cute man!"
"Ugh!" Iritadong tinakpan ang mga tenga at naunang nag lakad pabalik sa kabilang building para iwanan ito.
Sa isang banda ay narating din naman ni Shannon ang silid aralan niya, maaga lang ng dalawang minuto o mahigit bago dumating ang guro.
Habang nasa upuan ay lilinga linga sa kung saang sulok ng sahig, medyo nag papanic dahil sa naramdamang pagbilis ng t***k ng puso, tipong sasakit ang dibdib sa bilis, kaya nang tawagin ang kanyang pangalan ng guro para sa attendance ay di naka sagot.
"Bingi ka ba?" It was Greg, naka taas ang isang kilay na animo'y nag menopause na pusa sa kasungitan. Busangut niya lang itong tinignan.
"Tinatawag na pangalan mo oh" sabay nguso sa harap.
"A-Present!"
Naka titig na pala sa kanya ang halos lahat ng kaklase, ganun din ang gurong babae nila, seryoso at walang emosyong naka tingin lang sa kanya saka ay muling nagpatuloy sa ginagawa.
"Uh, may hinahanap kaba?" Mahina at pabulong na boses, ay inusisa naman siya ni Seph na nasa kanyang harapan.
"Medyo namumutla ka, ok ka lang?"
"O-oo, uhm, may nakita kabang garapa ng gamut dito kanina?"
"Gamut? Para saan? May sakit ka?" Sunod-sunod na tanong nito at iginala narin ang mata sa ilalim ng mga bangko at mesa.
"Wala akung napansin kanina, para saan yun?"
"Uh... Maintenance ko lang para sa..."
"Sa...?"
Hindi sumagot si Shannon at muling hinalughog ang bag kahit na hinalunhkat niya na ito kanina pa.
"Uh, siguro tanungin na din natin yung cleaners na naka assign kahapon, sigurado kabang dito yun nawala?" Sabay angat nito ng ulo mula sa kaka dungaw sa baba.
"Pero mamaya na, ok lang? Mag start na kasi ang lecture, mapagalitan pa tayo. Tutulungan kita." Senserong ngiti ang pinakita nito sa kanya.
"Sige, salamat..." Hapong hapo niyang sagot, at tinigil niya nalang din ang pag halungkat sa bag, imposible namang naroon yun, di lang talaga siya makapag fucos dahil sa nakaka binging t***k ng puso.
"Teka, kaylangan mo naba agad?" Nag alala ito ng mapag tantong mas namutla ang dalaga. Tumayo si Seph sabay taas ng kamay.
"T-teka Sehp-"
"Miss Tanya, Kelangan po madala ni Hamero sa clinic, putlang putla po." Hinihinala ni Shannon ang laylayan ng damit ng lalaki para paupuin ito. Naglakad naman palapit ang guro pwesto nila.
"Anu bang nararamdaman mo? May masakit ba?" May pag alala sa boses nito pero walang bakas na anumang emosyon sa mukha.
"Dolly! Nahihirapan ka bang huminga?" Si Aira na naka lapit na rin. Kinapa ng guro ang noo ni Shannon habang may hinahalungkat sa sariling cellphone, matapos ang mangilang beses na pag scroll ay bahagyang kumunot ang noo nito.
"Miss Peterson, paki samahan si miss Hamero sa clinic, ngayon mismo."
"Wala po t-" Agad na siyang hinila ni Aira at hinablot nito ang backpack niya sa kanya. Hindi na umangal si Shannon dahil parang gusto niya na rin mag tulong, mas bumibilis ang t***k ng puso niya, at nag sisimula nang sumakit ang ulo, nakakaramdam na rin ng mild muscle pains sa katawan at pamamanhid sa batok, bawat minuto ay nadadagdagan yata ang di kanais nais na nararamdaman sa katawan.
Ng makarating ng clinic ay agad na napatayo ang nurse.
"Pangalan ng studyante?"
"Shannon Hamero po."
Sa nag mamadaling kilos ay agad na may tinipa ang nurse sa computer.
"Ang sobrang init mo Shannon, nilalamig kaba?" May hinablot na naka tuping kumot si Aira sa may malapit na stante, agad nitong ipinulupot kay Shannon ang kumot, pero umiiling na tinanggal iyon ng pasyente.
Hindi siya nilalamig, kundi ay naiinitan siya, talagang mainit at hindi lang batok ang nag cacramps kundi pati na balikat at bumababa iyon sa buong likuran niya.
"Asan ang gamut niya?" Tanong ng nurse na palapit sa kanila.
"Naka inom kaba ng gamut?"
"H-hindi." Mahinang sagot ni Shannon habang umiiling, napaka bilis ng t***k ng puso pero tila walang hanging nalalanghap. Tinuturo niya ang bag habang dahandahang humihiga sa kama ng pabaluktot.
"Akin na." Agad na binigay ni Aira ang bag ni Shannon sa nurse.
"N-nawala yung g-gamut, y-yung injec-tion... Lang."
Binaliktad ng nurse ang boung bag ni Shannon kaya kumalat ang mga kagamitan sa sahig, nang makita na ng nurse ang hinahanap ay lumingun ito kay Aira.
"Paki hanap ako sa gamot niya please."
"P-po? Sige po, anung itsura Shan?"
"P-puti, subukan m-mo sa classroom." Paos na paos ang kanyang bosses, lupaypay na siya at kung hindi lang siya nakahiga ay tuloyan nang bumagsak. Kumaripas ng takbo si Aira pabalik ng kanilang silid.
"Wala pa ang mga injectable serum para sayo, hindi pa dumating Miss Hamero." Wika ng nurse habang tinuturokan siya.
Matapos iyon ay nag hintay ng tatlumpong minuto para sa epekto ng serum. Nang gumaan at naging normal na ang kalagayan ay naka tulog ang dalaga sa sobrang pagod.
NAKATITIG si Jovan sa kay Darius, nag aalala siya para dito. Kuyom ang kamao at seryosong naka tingin sa harap, kanina pa gustong lumabas ni Darius ng classroom, may kakaiba siyang nararamdaman.
May di magandang nangyayari sa mortal na babae, pero anu naman ngayon? Mag aaksaya lang siya ng oras, kaso lang ay nakaka bagabag ang nararamdamang kaba, kaya gusto niyang maputol ang bond nila sa isa't isa dahil na aabala siya nito.
Mahinang tao ang babaeng yun kaya paniguradong madalas akung makakaramdam ng ganito, ka asar!
Hindi naman kasi nagkaka sakit ang kagaya niyang taong lobo, kaya kung si Farrah sana ang itinakdang Luna para sa kanya ay di siya ganitong na aaborido.
"Masama parin ba ang pakiramdam mo?" Malambing at puno ng pag aalalang tanong ni Farrah sa kanya.
Unti unti naring nawawala ang kakaibang nararamdamang kaba kaya ay umiling na siya rito.
"Hindi na, ok na ako."
Nilingun niya ang nobya at nginitian ito upang di na mag alala. Wala itong kaalam alam na natagpuan niya na ang mate niya. Pero wala siyang planong tanggapin ang mortal na yun kahit na pinipigilan siya ni Jovan.
Farrah fits better for a Luna's position, nasa kanya na ang lahat ng katangiang nais ni Darius, at mahal niya rin ito, anu pa bang hahanapin niya.
Wala ng naramdamang kakaiba si Darius sa mga sumunod na oras. Sa oras ng uwian ay sabay na silang magbabarkadang lalaki sa paglalakad palabas ng building, si Farrah ay sinundo ng nakakatandang kapatid.
Ang Ohada university ay napaka lawak at nahahati sa tatlo, ang mga mortal kung saan ay nasa main building, mga taong lobo tulad nila ay dito sa second building at ang pangatlo ay may kalayuan at nasa kabilang dulo ng kagubatan kung saan ang mga malalaki at higanting puno, madilim at makulimlim sa lugar, at pinasadyang mas malayo sa building ng mga tao at lobo. Dahil hindi madaling makasalamuha ang lahi ng mga bampira.
Student council, binubou din ng tatlong grupo, sila ang napili para maging mabuting ehemplo sa bawat lahi.
Ang Ohada University ay siyang natatanging paaralan o unibersidad na tumatanggap ng mga kakaibang nilalang, pero inililihim lamang lalo na sa mga studyanteng tao, ang tanging alam lang ng mga to ay nahahate sila dahil sa posisyon sa buhay o status, may mga spekulsyono haka haka rin na may di magandang record o criminal ang iilan sa kanila, at dahil anak mayaman ay nakaka lusot parin.
Ang lahi ng mga mortal ay may naka laan na building kung saan mag s-stay in ang mga to upang masiguro ang kaligtasan nila, samantalang ang mga lobo at bampira ay may sariling gate palabas ng university upang maka uwi sa kanikanilang mga bahay, at doon ang tungo nina Darius ngayon, hindi tulad ng main entrance o ng front gate ay mas maliit ang sa kanila ng kaunti at mas stricto, lobo din ang nag babantay sa bahaging lagusan na iyon.
Malayo at aabutin ng ilang oras na lakaran para sa isang mortal ang layo ng gate, kasing layo lang din ng main entrance ng unibersidad, pero wala iyong problema sa kanila Darius dahil hindi naman sila pangkariniwang nilalang.
Nang maka labas ng paaralan ay pinauna na ni Darius ang ibang kasamahan at tanging si Jovan lang ang pinaiwan.
"Van, may kilala ka bang lobo na pareho ng sitwasyon ko? Mortal din ang mate?"
"Oo, meron naman, pero syempre malayo layo, nasa ibang pack Darius at kelangang mag paalam muna bago tayo sumugod sa teretoryo nila."
"Mas maganda kung alpha o kahit tulad kong hindi pa hinirang na alpha."
"May alam akung dating alpha, pero di ko pa nakita minsan, yung dating alpha ng Silver Claw pack. Pero mahirap kausapin yun."
"Wala akung pake, ang gusto ko ay tawagan mo ang pack nila at ipag paalam ang pag dating natin mamaya." Si Darius na nag simula ng kumilos para sa pupuntahan.
"T-teka, ngayon tayo pupunta? Malayo layo yun, aabutin tayo ng umaga pabalik Darius."
"Oo, ngayon mismo, at dapat walang ibang maka alam tungkol dito o tungkol sa babaeng mortal." At nilingun ni Darius si Jovan na may pagbabanta.
Napailing na lamang si Jovan, talagang nalintikan na. Padalos dalos siya ng desisyon, sana ay walang maging problema.
Sa ngayon ay titingnan at oobserbahan na muna niya ang gagawing hakbang ng future alpha, pag hindi na tama ay saka niya ipapaalam sa mga elders ng pack ang sitwasyon.
KASAMA ni Shannon si Aira pabalik sa boarding room niya. Pinapaliban na muna siya sa klase kahit pinipilit niyang kaya na niya.
Ang sabi ng nurse ay kinailangang maayos na muna ang arrangements at schedule ng medication niya, aware narin ang mga kaklase niya sa kasalukoyang kalagayan at sa sakit niya, lalo na si Aira.
Sa entrance ng cafeteria ay naka tayo si Seph. Nasa gitna kasi ang school building at cafeteria at ang faculty, clinic, guidance office ay nasa right side, nasa left naman ang building para sa lahat ng boarders.
Nang makita sila ni Seph ay nag lakad ito papunta sa kanila.
"Oy! Musta na pakiramdam mo."
"Ok na pero di ako pinayagan bumalik sa klase."
"Sa kondisyon mo? Talagang hindi. Nga pala, nakita naba yung hinahanap niyong gamut?"
"Oo, nasa lost and found, pinasa ng mga cleaners kahapon." Si Aira na ang sumagot dahil siya naman ang nag hanap.
Tumango lang si Seph saka bumaling kay Shannon.
"Kumain kana?"
Medyo nakaka pagtaka na nag papakita ito ng concern sa kanya, marahil ay natural na palakaibigan ito kompara sa group of friends nitong laging kasama.
"Oo nga pala, dapat kanang kumain, para maka inom kana ng gamut mo." Puna ni Aira at bahagyang hinila ang kamay niya sa may cafeteria.
Ngumiti lang si Shannon, nagagalak sa mga bagong kaibigan, ganito pala ang pakiramdam na may mga kaibigan kang nag mamalasakit sayo.
Hindi niya na hawak ang gamut niya, ang mga taga clinic na raw ang bahala, sila ang mag deliver ng gamut para on time lage ang pag inom niya, na ibig sabihin, kahit nasa klase siya ay may papasok sa classroom para mag hatid ng gamot!
Parang hospital lang at iniisip niya pa lang ay siguradong nakakahiya na. Kasing lala lang din ng kanyang parents, pero hindi niya rin gugustohing maramdaman ulit ang pasakit na nangyari kanina.
And speaking of her parents, tinawagan narin siya ng mga to at nag hihisteryang sinesermonan siya.
Pambihira...
***
The place looks like some sort of a medical facility, walls were mostly painted in white, machines all over the place, people were in white coat, and surgical equipments.
Im... Confused...
"I don't think she's ready for the additional upgrade doc, she's unstable, are you sure we will take the risk?" I heard a voice said.
"We have to, this is their decision. I tried to explain them but it's no use."
I tried to open my eyes but I can't.
I got a glimpse of my surroundings, but it's not enough to.
"I don't think it will work doc, too risky, the specimen have been declining the previous enhancers, if we're going to insist an another surgery, we would lost all the efforts we've made this passed years, this surgery will only grant 10% success rate!"
"I know! I know, ok?! But this is not ours to decide! And they wan't the fastest procedure."
I feel something very painful inside my chest, I want to cry and scream, but my tears won't come out, I can even barely move my own eyelids...
It hurts...
It hurts...
Im... in...
Pain...
NAGISING si Shannon sa naramdamang bilis na pag t***k ng puso, bahagya rin itong kumikirot at nahahapo ang kanyang pag hinga.
Umahon ang dalaga upang kumuha ng tubig sa mini fridge, dumiretso narin siya ng banyo dahil sa tawag ng kalikasan pero ng palabas na siya ng banyo ay napatigil siya sa harap ng salamin.
Namilog ang kanyang mga mata nang makita ang mangilan ngilang puting buhok.
Hala! Inuoban nanaman ako! Pero mukhang marami itong sa ngayon ah!
Kunot na kunot na ang kanyang noo, ang pangit tignan na may naka kalat na puting buhok at humahalo sa itim. Magulo at maduming tignan.
Napabuntong hininga na lamang siya, dati na itong nang yari sa kanya, ang sabi ng ama ay marahil side effect ng gamut na iniinom niya, pero bakit lumalabas lang ang mga uban niya kapag may nakakaligtaang oras sa pag inom ng gamut.
Mag hihintay uli siya ng isang lingo o mahigit bago iyon bumalik lahat sa pag itim. Babalik na sana sa pag higa ng matigilan siya, naniningkit ang mga matang tinitigan ang sariling repleksyon.
Ang mata ko!
Dali daling kinuha ni Shannon ang cellphone sa higaan niya at agad ri'ng bumalik sa loob ng banyo, saka ay binuksan ang flashlight nito at inilawan ang mata.
Mas nadipina ng ilaw ang kulay ng mata niya, nag iba ng kulay ang kanyang kaliwang mata o di kayay naging mapusyaw, hindi gaya nang nasa kanan na maitim parin.
May deperensya naba ang mata ko?!
Iginala niya ang mata at inikot sa paligid. Malinaw parin naman, siguro ay dapat mag hanap siya ng maliliit na letrang mababasa.
Inangat niya ang bote ng isang bote na naka patong sa lababo.
"Keratin, with sunflower and jojoba oil..." Sunod ay binaliktad ang bote at patuloy binasa ang likuran sa isipan. Kunot noong muli niyang binalikan ang sariling repleksyon sa salamin.
"Malinaw pa naman, pero siguro ay dapat ipa check up ko parin..."