Isang grupo ng kalalakihan ang bumaba mula sa mga sasakyan, naka parada sa harap ng isang bahay.
Sinipa ng isa ang pinto at agarang pumasok ang lahat, ang iba ay umikot at pinalibotan ang bahay.
Pumasok narin ang isang lalaki, tila ba siya ang pinuno at nag si hawi ang lahat upang siya'y maka daan.
Nag tagis ang bagang sa galit, wala na silang naabutan!
Blanko at walang laman ang bahay, dahilan ng pag kunot ng noo ng lalaki.
"Di naman kaya mali ang impormasyon na binigay Luke?" Sabay tingin ng kasamahan sa namumuno sa kanila.
Hindi nag salita ang lalaki pero mas lumalim ang gitla ng noo nito.
Napa angat ang tingin ng nasabing Luke sa mga kasamahang bumaba sa haggdan, galing ang mga to sa ikalawang palapag ng bahay, umiling lang ang isa sa mga to, indikasyon na wala ang hinahanap nila.
Bigla namang may pumasok na kasamahan nila, tinignan lang nito ang pinuno at agad rin nakuha ng Luke ang ipinahiwatig nito.
Sabay sabay na tumungo ang grupo sa garahe ng bahay, nangunguna ang taohang nanggaling na rin doon.
Pagkapasok sa garahe ay agad na makikita ang pinto na lalagyan ng gamit at iba pang tools, pero bakante na ito ngayon.
Binuksan ng nauna ang maliit na pinto sa sahig, may foldable na hagdanan ito pababa.
Isang lihim na silid sa ilalim ng bahay. Mukhang pinag lumaan na dahil ang puting pintura ng silid ay may kakupasan na.
Ngunit napukaw ang atensyon ng pinuno sa mga naiwang bakas, mga nag kalat na parang bakas ng kalmot sa mga dingding. Hindi magagawa ng ordinaryong tao o kahit hayop ang ganoong klaseng marka sa mga pader.
Kung susuriin ay nasa one centimeter o kalahati ang lalim ng bawat kalmot, tila ba ay galing sa isang mabangis na halimaw.
Nag tagis ang panga ng may matanto ang pinuno.
"Hindi tayo nagka mali ng lugar, sadyang may traydor lang." Marahan ngunit mariin ang bawat salita.
Sigurado siyang natunogan sila kaya wala silang naabutan. Sa isang hudyat niya ay sabay nilang nilisan ang lugar.
TATLONG araw ang dumaan mula ng binisita nila Darius at Jovan ang pack ng Silver Claw.
Ang pag bisita nila'y nag dulot lamang ng kalituhan sa kay Darius.
Naka usap na niya ang dating alpha na nagkaroon ng ordinaryong tao na kapareha.
Ayun dito ay agarang mahuhulog ang loob ng isang tao sa isang lobo na kapares niya kahit wala siyang maramdamang mate bond, dahil narin sa nag uumalpas na pheromones at s*x appeal ng isang taong lobo bagay na nakaka akit sa kahit na sinong ordinaryong tao.
Inalala ni Darius ang pagkakalapit nila ng kanyang mate, tila ba ay hindi ito naaakit sa kanya, o marahil ay pinipigilan at tinatago nitong pilit ang atraksyong nararamdaman?
Tama! Baka ganoon nga. It's impossible for her to resist his charm, ni hindi nga maayawan ng kahit sinong babaeng lobo ang taglay niyang karisma, ang babaeng mortal pa kaya? And take note, she's his mate! kaya rin siguro ay nagmamadali itong umalis sa unang pagtatagpo nila, maaring nahihiya ito sa kanya.
Habang naka pangalumbaba at naka duck face si Darius sa kakaisip ay titig na titig naman si Jovan sa kanya.
"Uhm, wag mong sabihin sakin na uubusin mo ang dalawang oras na bakante natin sa pagpapahaba ng nguso mo?" Hindi na napigilan ni Jovan, hindi niya pa alam kung anu ang pakiramdam ng pagkakaroon ng mate, talaga ba'ng ganyan ang epekto sa isang lobo kapag nagka mate? Nagiging... weirdo.
"Hmmn... Kumain kana?" Monotone na tugon nito, halatang wala sa sarili.
"Brad... Sabihin mo na lang kasi na gusto mong bisitahin yung mate mo, para puntahan nalang natin."
Isang matalim na titig ang pinukol nito.
"I mean... Tignan lang natin kung-"
"And you think I'd waste my time on that mortal?" He cut him off with arrogance.
Napataas naman ang kilay ni Jovan. With a smirk on his face, he said. "You mean spend some time on your mate? She's a beauty ya know." He's just teasing him though, but it's true that Darius's mate is really pretty. Jovan would like to have her as his mate if ever.
Habang abala sa kakakiller eye si Darius sa kaibigan ay isang malakas na ugong ang gumimbal sa boung unibersidad, agad na napatayo ang dalawa, kasalukuyan silang nasa cafeteria ng kanilang school building.
Wala namang maamoy na nasusunog kong kaya'y imposibling fire drill iyon.
Agaran naring lumikas ang mga studyante kaya aalis narin sana ang dalawa ng biglang mapahinto si Darius.
"Riu!"kunot noong sigaw ni Jovan, hindi niya alam kung anung nangyayari ni announcement ay wala, pero hindi maganda ang kutob niya sa nagaganap ngayon, dahil ang ugong o alarm nayon ay hudyat na may madugong kagulohan ang mangyayari sa buong unidersidad.
Hindi matanto ni Jovan kong tama ba ang hinala niya dahil ito ang kauna unahang pagkakataon na nangyari ito sa mga panahong nag aral siya dito.
"Mauna kana! Si Farrah hanapin mo! Siguraduhin mong ligtas siya" Habilin sa kanya ni Darius ng hindi man lang siya tinitignan at naka tanaw ito sa kabilang dako kung nasaan ang main building.
"Tsk." Sa mabilis na kilos ay sinunod ni Jovan ang inuutos sa kanya.
Sino naman kaya ang may pakana sa kaguluhang ito sa unibersidad gayung mahigpit ang siguridad ng lugar, hindi macocontrol ng unibersidad ang mga tulad niya at ang mga bampira kung hindi sapat ang kakayahan ng unibersidad kaya maaring hindi basta basta ang may kagagawan ng kaguluhang ito.
HABANG nag papanik ang lahat at nagsi takbuhan, litong lito naman si Shannon kung saan siya tutungo. Walang may alam kung saa'ng ligtas na lugar lilikas, at lalong hindi niya alam kung para sa anu't saan ang nangyayaring kaguluhan.
Kakatapos lang nilang mag tanghalian ni Aira, nag banyo saglit at pag labas niya'y ito agad ang bumungad sa kanya.
Tumatakbo siya palabas ng cafeteria at saglit na sinulyapan ang lamesa'ng kinauupan nila kanikanina lang, wala roon na roon sina Ai, Ron, Maffe at Devina.
Pagka labas sa entrance ng cafeteria ay agad na may humablot sa kanya at mahigpit na tinabunan ang bibig niya upang pigilan ang pagsigaw niya, kinagat niya ang kamay nitong nasa kanyang bibig pero hindi yun umubra dahil may suot itong gloves, at tilay higit pa sa matigas na guma, hindi umubra ang pag kagat niya.
Sa isang impit na boses ay nag pupumiglas siya habang kinakaladkad siya ng kung sino man sa likod niya, tumigil lang sila sa isang madilim na parte ng school garden kung nasaan ang stockroom para sa mga organic fertilizers, garden tools at plant's nursery.
"Wag kang maingay, bibitawan kita pero tumahimik ka!" Bulong ngunit may diin ang boses ng isang babae ng maka pasok sila sa stockroom,
Agad na napatigil si Shannon ng malamang babae ito, na hindi niya namalayan kanina dahil sa bigla at takot niya.
"Rachel?" Nabigla siya ng lingunin ang taong humatak sa kanya. Agad na nilagay nito ang hintuturo sa bibig niya, sa isang malditang mukha ay pinapatahimik siya. Napa lakas pala ang boses niya, hindi niya naman kasi niya inaasahan ito.
Sa mga lumipas na mga araw ay di siya nito punapansin at sa halip ay sinusungitan, ganun din ang boung gropu nito maliban nalang kay Seph.
Sinuri ni Shannon ang babaeng kasama, naka bulletproof vest, gloves, naka uniform parin pero wala ang pang ibabaw blouse cover na kulay dark blue, tanging puting blusa na pinaibabawan ng bulletproof vest lang, may maliit na black backpack.
Wala itong make up ngayon at naka pixie cut ang buhok na kaninang umaga lang ay mahaba at hanggang bewang, ibang iba ito sa kadalasan nakikita! Kaya sinong di magugulat? Dumagdah lang sa kalituhan niya, natatakot, nangangamba, anu bang dapat gawin niya.
Kung kelan nagkaroon siyang maranasan ang ganitong buhay saka naman may ganitong g**o na dumating.
"B-bakit? Anu bang nangyayari?" Bulong niya.
"Mahabang kwento." Tumalikod ito at tumungo sa bahaging likuran ng silid, inurung niya ang mesa kung saan naka patung ang mga nursery ng mga vegetable plants. Nag mamadali ang kilos.
Kinuha nito ang axe sa kilid at sinibak ang makintab na sahig na syang gawa sa kahoy. May lagusan pala iyon pababa.
"Halika dito! Bilisan mo!" Wika nito habang hinuhubad ang sout na pack.
"Ha? C-Chel anu bang nangyayari?" Marahan ang paghakbang ni Shannon nag dadalawang isip, hinaklit naman siya nito palapit sa may butas, pinasout sa kanya ang pack, hinawi nito ang sariling sout na palda at kinuha ang isang revolver na naka sukbit sa may hita nito.
Sapilitan nitong pinahawak sa kanya ang b***l. Nanginginig ang mga kamay, nanlalaki ang mga mata. Gusto niyang mag hysteria, naguguluhan siya.
"Tumalon kana! Gamitin mo cellphone ko pang flashlight, diritso ang lagusang iyan sa kabilang building. May isa pang gate doon kaya don ka dumaan, wag kang magtitiwala kahit sino! Don't contact anyone, itapun mo ang cellphone pagkalabas mo. Alis na!" Mabilis na paliwanag nito at mahina ang boses.
"Bakit? Hindi ka sasama? Anu bang nangyayari? At saan ako pupunta?" Kung gagawin niya ang utos nito ay gusto niya ng makakasama dahil napaka dilim ng underground tunnel na iyon, nakakatakot!
"Sabing alis na! Hindi ko alam kong saan kaman mapadpad basta wag kang tumigil at lumayo ka! hahanapin kita at saka ko ipapaliwanag! Take that bag wherever you go."
Isang malakas na kalabog sa may pintuan at tinulak siya ng Rachel na di man lang handa.
"Just trust me!" Pabulong nitong turan ngunit may diin ang bawat salita, sapat upang marinig niya.
Habang iniinda ang sakit ng pagkakahulog niya ay tina takpan na ni Rachel ang butas sa ibabaw niya gamit ang plywood, maririnig din ang sagitsit ng pagbalik neto ng mesa sa dating pwesto.
Samantalang siya ay nabalutan ng dilim, nanginginig na kinapa niya ang pack upang kuhanin ang cellphone na gagamiting pang flashlight. Wala siyang dalang kahit na anu dahil naiwan niya sa cafeteria ang bag niya.
Masakit parin ang ilang mga parte ng katawan niya pero pinilit niyang umayos dahil mas nangibabaw ang takot niya, sobrang dilim at wala siyang maaninag.
Sinimulan niya na ang mahabang lakaran matapos pagpagin ang nadumihang damit.
Gawa sa lumang bricks ang pader ng tinatahak na tunnel, dahil isang diriksyon lang naman ay di niya na kailangang malito sa kung saan tutungo.
Samut saring mga kaisipan ang nag uunahan, gusto niyang tawagan ang mga magulang pero paanu naman?
Ang mas malala pa ay hindi nanaman siya naka take ng gamut niya!
Napaka walang silbi, ganito nalang niya kong maituring ang sarili, she's physically weak at masyadong walang kaalam alam sa buhay.
She's been sheltered in her younger years at bago sa kanya ang lahat ng ito, pero alam niyang hindi naman normal ang nangyayari sa kasalukuyan kaya nangangamba siya, na kung kelan niya masusubukang lumabas sa safe zone niya saka naman may ganitong kaganapan.
She didn't expected to have a smooth changes in her situation pero di naman kasing hirap nito.
Habang binabagtas ang makipot at madilim na daan ay ngayon niya lang napagsisihan ang mga naka hiligan niyang panunoud ng horror movie, parang mapaparanoid siya kakaisip na may biglang susulpot na multo o kung anung nakakatakot mula sa dilim.
Mag iisang oras na siya nag lalakad at nakakapanlumo na hindi niya malaman kung hanggang saan ang dulo ng madilim na tunnel na iyon, lalo pa't nakakaramdam na siya ng unti unting pagbilis ng t***k ng puso at cramps sa may batok niya, bumibigat ang pakiramdam.
Takbo at lakad ang ginawa, mas lalong hiningal at nahirapang huminga.
Hanggang sa nandidilim na ang paningin niya ay patuloy sa paghakbang ang nanginginig na mga paa, at di paman nararating ang dulo ay tuloyan na siyang nilamon ng kadiliman.
Darkness
Demons.
Each of us has a battle to face with our own demons, but we do not realize that they can be our friends.
There's no need to avoid or fight or push them away.
Sit down with your demon and chat with them, ask for their names, where did they come from? Know their pain, you will know that some of them are very nice, and you will learn a lot from them.
After all they are part of us, madalas na kahinaan ngunit kung pipiliing tanggapin at kontrolin sa halip na tayo'y nag papakontrol at nagpapadaig ay siya'ng magiging kalakasan natin.
Muling bumalik sa kamalayan si Shannon, namumungay ang mga mata, she felt slight muscle pain all over here body ngunit mas mabuti na kung ipaghahambing sa nararamdaman kanina.
One glance and she already knew she's in an unfamiliar place, nais man alertuhin ang sarili sa kasalukoyang kinarorounan ay abala pa siya sa sumasakit niyang ulo, sapo ang ulong muling binalikan ng sulyap ang paligin.
Kamangha mangha ang laki ng kwarto, ingrande at classico ang disenyo ng bawat sulok, the room looks sophisticated in a combination of white and gold colors, its atmosphere evokes luxury and elegance.
Hindi niya alam kung magandang senyales ba ito o hindi, kakabahan ba siya o mapapayapa.
Bago paman maka isip ng gagawin ay bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang matipuno at nakakamanghang nilalang.
Teka, I know him!
Namilog ang mata ni Shannon nang marecognisa ito.
Isang ngiting nabitin sa ere, nagagalak na pakikitungo sana ang ibibigay niya dito kung di lang ito mukhang masungit, nag mumukha itong mapanganib.
Itinikom na lamang ni Shannon ang bibig, hindi niya alam kung bakit ay pakiramdam niya isang titig lamang nito ay nagsusumigaw na ng maawtoridad na prisensya.
The whole of him in front of her was overwhelming, lalo pa at tinititigan siya nito at sinusuri.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" His manly voice startled her, kahit na marahan naman ang pagkakasabi ay nakakaramdam siya ng kaba para dito, tila ba ay may dala itong panganib na sa isang maling kilos ay mapapahamak siya and at the same time ay safety and assurance ng ito ang una niyang makita.
Di alam ni Shannon kung bakit ganoon ang pakiramdam niya para sa lalaking nasa harap niya, na possibleng sabay na maramdaman ang dalawang bagay na magka salungat naman.
"O-ok lang po, nasan ako?"
He licked his lower lip saying "you're in a safe place." Then walked to a near sofa.
Muli siyang sinuri ng mga mata nito bago muling nag salita.
"I found you in the old underground tunnel, may mga naka pasok na mga armado sa unibersidad kaya nagka g**o. Sa ngayon ay di safe na bumalik doon."
Saka lang naalala ni Shannon ang kasalukuyan niyang sitwasyon.
"Nga pala, bakit daw? Anu bang nangyari? Saka panu yan? Yung mga gamit ko at..." Luminga linga muna sa paligid. "Yung back pack ko? Nakita mo ba?" Sabay tayo niya, may habilin nga pala si Rachel na wag iwawala ang pack, hindi siya sigurado kung susundin niya pero wala naman sigurong mawawala.
Tumayo ang lalaking mala adonis at lumapit sa kanya.
Sandaling tumigil sa paghinga si Shannon sa pagaakalang siya ang pakay nito dahil hindi nito inaalis ang mga titig sa kanya pero nang tuluyan ng maka lapit sa kinatatayuan niya ay inabot lang nito ang kanyang pack na nasa sahig lang pala katabi ng queen size bed.
Muli siya nito pinasadahan ng tingin matapos maibigay sa kanya ang kanyang bag.
Bumukas ang pintuan ng silid at pumasok ang isang morena at magandang babae, mala ramp model ang katawan at tangkad nito, may bitbit na food tray at may maliit na ngiti sa mga labi.
"Hi, may dala akung porridge at gamut sa lagnat para sa kanya." Tuluyang lumapit ang babae at inilapag nito ang mga dala sa round table na nasa silid saka tinignan si Shannon.
"Halika, kumain kana, anung oras na at di kapa naka pag dinner."
"Thanks Farrah, di kana dapat nag abala pa."
Maliit na ngiti lang ang tanging tugon ng nasabing Farrah sa lalaki at muling binalikan ng tingin si Shannon.
"Kumain kana para maka inom ka ng gamut, ang init mo kasi kanina, kung may iba kang gustong kainin mag sabi ka lang kasi porridge lang itong dala ko."
Natutuwa si Shannon sa napaka welcoming na tungo ng babae sa kanya. Lumapit na siya sa dala nitong pagkain at sumulyap sa wall clock na nasa kwarto habang paupo sa mahabang sofa, alas nuebe na ng gabi at nagugutom na siya.
"Salamat dito." Sabay tingin sa babae.
"Kaya mo naba?" Nag aalalang tugon nito sa kanya. Tumango naman si Shannon.
"Oo, pasensya na kayo at inabala ko pa kayo."
Umiling ito saka ay muling ngumiti sa kanya.
"Wala yun, wag mo ng isipin. Sige aalis na muna ako. Nasa baba lang ako kung may kelangan ka."
"Ok, maraming salamat ulit dito."
Isang tango at ngiti ang iginawad sa kanya ng magandang babae bago ito lumabas ng silid.
Ang lalaking tahimik na naka tayo na sa gilid ay sinusundan lang ng tingin ang morenang babae bago siya binalikan ng mga mapanuring mga mata nito.
"Maiwan na muna kita rito. Mag pahinga ka, bukas na lang tayo mag usap para sa ibang mga bagay Shan."
Walang emosyong pagkakasabi nito at sumunod na sa naunang lumabas.
Walang mapagpipilian si Shannon kundi ang manatili na muna para sa gabing iyon. Kelangan niya ring macontact ang mga magulang at ipaalam ang nangyari.
Matamlay na naka titig sa paracetamol na nasa food tray ay napa hingang malalim si Shannon. Walang magagawa ang gamut na yun sa kalagayan niya, paanu napang ang medication niya? May mangyayari bang masama sa kanya? May mas ilalala paba ang sitwasyong ito? Kahit papanu ay gusto niya pang mabuhay.
Hinawakan niya ang buhok na hindi na ganoon karami at halata ang mga puting buhok tulad ng nag daang gabi.
Kelangan niyang balikan ang gamut o di kaya'y tumawag sa parents niya upang maka hingi ng panibago.