Nakaupo si Jade sa loob ng kotse, nakapirmi lamang ang kanyang paningin sa isang bahay na agad niyang nakilala—ang kay Tita Juana. Sa bahay nito na mistulang kulungan niya..Habang pinagmamasdan niya ito, napansin niyang abala ang mga dating kapitbahay sa kani-kanilang gawain sa labas, may naghuhugas ng pinggan sa gilid ng kalsada, may nag-aayos ng sampayan, at may mga batang nagtatakbuhan sa makipot na daan. Maingay ang paligid at magulo. Bagama’t squatter area ang lugar na iyon, tila naiiba ang bahay ng kanyang tiyahin mas maayos, mas matibay kumpara sa iba. Ngunit sa kabila ng kaayusan, may kirot na dumaan sa kanyang dibdib. Doon, sa harapan ng bahay, nakita niya ang asawa ni Tita Juana. Naningkit ang mga mata niya sa galit…Hindi gaya ng inaasahan, ito’y naglalakad nang mayabang, na pa

