Nakahanda na si Jade sa conference room, nakaupo sa head chair habang hawak ang folder ng schedule ng mga models na iinterviewhin niya. Maayos ang ayos ng buhok niya at simple ngunit elegante ang suot—isang blazer na itim at pencil skirt. Gusto niyang ipakita na siya ang may control sa sitwasyon. Ngunit halos malaglag ang hawak niyang ballpen ng bumukas ang pinto. Pumasok ang susunod na model at agad na nanlaki ang mga mata ni Jade. Si Vanessa. Ang pinsan niyang minsang nang-api at nagpaparamdam noon ng matinding sakit at hiya sa kanya. Noon, si Jade ang laging nasa ilalim, ang laging minamaliit. At ngayon, narito siya bilang boss at si Vanessa, isang aplikanteng haharap sa kanya. Nagtagpo ang kanilang mga mata. May tensyon na agad na bumalot sa hangin. Hindi niya mapigilan ang kabahan

