PAGKATAPOS ng mainit na usapan nila ng ina, nagkulong si Vanessa sa kanyang kwarto. Hawak-hawak ang cellphone, nanginginig pa rin ang mga daliri niya sa galit. May pinaplano siya. Nakahiga siya sa kama, nakatitig sa blangkong screen ng kanyang social media account, at doon niya naisip kung paano niya ibubuhos ang lahat ng hinanakit at galit. Nagsimula siyang mag-type. "I just want to share something…" mabilis ang pagtipa niya.. "Hindi porket mahirap ang isang tao, wala na siyang karapatan. Earlier today, I went to a famous jewelry store for an opportunity, pero imbes na tingnan ang kakayahan ko, ipinakita nila sa akin kung gaano nila ako minamaliit. Just because I wasn’t born rich, doesn’t mean I am nothing. No one deserves to be treated like trash." Nang matapos, saglit siyang natigil

