PAGOD na pagod si Jade matapos ang isang buong araw ng trabaho, sunod-sunod na meeting, papeles na kailangang ayusin, at mga taong kailangang harapin. Ngunit pag-uwi niya sa kanilang bahay, diretso agad siya sa silid kung saan naroon ang kanyang asawa. Nadatnan niyang nandoon si Nurse Jeff, tinutulungan itong bihisan at ayusin. Maingat ang bawat galaw ng nurse, ngunit agad na lumapit si Jade. “Thank you, Jeff. Ako na ang bahala dito,” mahinahon niyang sabi. Walang nagawa ang nurse kundi sundin siya at magpaalam bago lumabas ng kwarto. Naiwan silang dalawa ni Dimitri…Si Jade at ang asawa niyang walang malay sa kama. Lumapit siya sa tabi nito, marahang naupo. Kinuha niya ang malinis na bimpo, binasa iyon sa malamig na tubig, at dahan-dahang pinunasan ang pawis sa noo ng lalaki. Habang gin

