Sa isang marangyang hotel sa Makati, naroon ngayon si Vanessa, nakahiga sa king-sized bed, nakabalot lamang ng manipis na kumot. Ang mga ilaw ay nakadim, at ang amoy ng mamahaling wine at perfume ay humalo sa hangin ng silid. Sa tabi niya, nakahiga si Gilbert, limamput anim na taong gulang na board member ng Santiago Group of Companies. Halatang pagod ngunit kuntento ang ekspresyon ng mukha nito habang nakapikit at tila humihigop ng hangin na puno ng kasiyahan. Alam ni Vanessa na ang lahat ng ito ay bahagi ng plano niya. Hindi niya minahal si Gilbert, ngunit malinaw sa kanya na ito ay isang daan tungo sa kanyang mga pangarap. Isa si Gilbert sa shareholder ng Santiago Jewelries, isa sa pinakamalaking pangalan sa industriya. At sa bawat kilos niya, malinaw na ginagamit niya ang kanyang gand

