Hindi maiwasan ni Jade ang magtaka habang nakaupo siya sa tabi ni Dimitri sa loob ng sasakyan. Ang akala niya ay diretso na silang uuwi, lalo na sa kalagayan nito.. Ngunit laking gulat niya nang marinig ang sinabi nito. "Let’s have dinner first. Just the two of us." Napalingon siya sa binata, at hindi niya mapigilang kiligin kahit pilit niyang pinipigilan ang sarili. Saglit siyang tumingin sa unahan kung saan naroon si Tatay Manuel..Ang mas nakakapagtaka pa, nang huminto ang sasakyan sa harap ng isang eleganteng restaurant, hindi bumaba si Tatay Manuel upang tulungan si Dimitri gaya ng nakasanayan. Sa halip, matapos silang ibaba ay sinenyasan ito ni Dimitri. Nakita ni Jade na sumunod agad ang matanda—umalis ang sasakyan at iniwan silang dalawa. Napakunot ang noo niya. "I thought he’ll

