PAGDATING sa mansyon, agad na bumukas ang malalaking gate at pumasok ang sasakyan. Nasa loob ng sasakyan si Rafael, tahimik na pinagmamasdan ang walang malay na babaeng kanina pa niya iniisip. Mula nang makita niya itong duguan at halos wala nang malay sa gilid ng kalsada, hindi na siya mapalagay. Tinulungan din siyang makababa ng sasakyan at inupo sa kanyang wheelchair. Nakakalakad pa naman siya pero natatakot siya na baka matumba lalo na at may sakit siya.
“Buhatin niyo siya, dahan-dahan lang,” mahinahong utos ni Rafael sa kanyang mga tauhan. Agad na lumapit ang dalawang security guard niya.
“Senyor, saan po namin siya dadalhin?” tanong ni Manuel.
“Sa guest room. At pagkatapos, lumabas muna kayo. Wala ni isang tao ang dapat makaalam nito. Malinaw? Manuel ikaw na ang bahala sa mga kasama natin dito sa bahay,” ani Rafael, matigas ngunit kontrolado ang boses ni Rafael.
“Opo, senyor..”
Pagkapasok nila sa loob, naabutan nilang bumaba si Elena mula sa hagdanan, asawa ito ni Manuel.. Hawak nito ang tuwalya, halatang kakatapos lang mag-ayos sa kusina. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang babaeng dala nila
“Manuel! Diyos ko… ano’ng nangyari sa kanya?” mabilis nitong tanong, sabay lapit.
Huminga nang malalim si Rafael at tumingin kay Elena. “Natagpuan namin siya sa daan. Halos wala nang malay. Kailangan ko ng tulong mo.”
Agad namang lumapit si Elena at tinulungan ang mga guard na ihiga ang babae sa kama sa guest room. Nakita niya ang mga sugat, pasa, at ang halos hindi na pantay na paghinga ng babae..
“Manuel!” sigaw ni Elena. “Anong gagawin natin?”
“Wala nang oras para magtanong, Elena. Kailangan natin siyang iligtas,” diretsong sabi ni Rafael, nakatingin pa rin sa babae.
Sandaling nagkatinginan ang mag-asawa, bago tumango si Manuel. “Sige pom senyor.”
Kinuha ni Rafael ang cellphone at mabilis na tinawagan ang kanyang personal doctor.
“Dr. Alvarez. I need you now… Dumiretso ka ngayon dito, kailanan ko ang tulong mo dahil may kaibigan akong sugatan,” ani niya sa kabilang linya.
“Yes, Senyor.. Papunta na ako,” mabilis na tugon ng doktor. “Pakihanda na lang po ang kakailanganin ko.”
Pagkababa ng tawag, humarap si Rafael kina Manuel at Elena. “Kayo na muna ang bahala habang wala pa ang doktor. Siguraduhin n’yong malinis ang sugat niya. At Manuel…” tumigil siya sandali, mariin ang tingin.. “Pakisigurado na walang makakapasok na ibang tao dito. Hindi ko alam kung sino ang may gawa nito sa kanya, at baka sinusundan pa siya.”
“Senyor… baka madamay tayo,” maingat na sabi ni Elena, kinakabahan.
Tumingin si Rafael sa babae, mariin ang boses kahit nakaupo sa kanyang wheelchair. “Huwga kayong mag-alala, kapag nangyari yun aakuin ko ang lahat…Kung hindi natin siya tutulungan, baka wala na siyang bukas. At hindi ko hahayaang mangyari ’yon, Elena. Hindi ngayon… hindi habang nandito siya sa mansyon ko.”
Natahimik ang lahat sandali. Tanging marahas na paghinga ng sugatang babae ang maririnig.
Ilang minuto lang ay dumating na si Dr. Alvarez na humahangos, dala ang kanyang medical kit. Mabilis niyang sinuri ang babae habang nakabantay si Rafael sa tabi.
Tahimik ang buong guest room habang maingat na nililinis ni Dr. Alvarez ang sugat ng babae. May dalang tray ng mga gamit, antiseptic, gauze, at ilang medical instruments. Habang pinupunasan niya ang dugo sa noo at pisngi nito, sumisinghap paminsan-minsan si Elena sa tuwing makikita ang lalim ng mga pasa.
“Hindi naman ganun kalalim ang tinamong sugat niya,” paliwanag ni Dr. Alvarez habang maingat na tinatahi ang hiwa sa tiyan ng babae. “May ilang gasgas at pasa, pero mabubuhay siya. Kailangan lang magpahinga nang maayos.”
Napatingin siya sa mukha ng babae at huminga nang malalim. “Pero itong sugat sa kaliwang pisngi…” tumigil siya sandali bago tumingin kay Rafael. “Mananatiling pilat. Kahit gumaling siya ay may marka pa rin.”
Hindi kumibo si Rafael, nakatitig lang sa babaeng nakahiga. May benda ang mukha nito. Madali lang naman yun kapag nagkataon… Maibabalik niya pa rin ang mukha nito…Saka siya dahan-dahang nagsalita. “Dr. Alvarez, wala sanang makaalam sa lahat ng ito. Kahit kanino.”
“Senyor,” maingat na sabi ng doktor, “delikado ’to. Hindi mo pa siya kilala, baka may kasong kaakibat ang nangyari—”
Pinutol siya agad ni Rafael, mahigpit ang tono ng boses. “Hindi ko siya kilala, totoo. Pero itatago ko siya sa mansyon. Sa tingin ko kasi inosente siya.”
Nagtagal ang katahimikan bago muling nagsalita si Rafael. Hindi siya tumitingin kanino man, nakatutok lang ang mata niya sa babae. “Kilala mo ako, Dr. Alvarez. Isang tingin ko lang sa isang tao, alam ko na kung anong klaseng tao siya. Hindi ako basta-basta nagkakamali.”
Tumingin si Dr. Alvarez kay Elena at Manuel, na parehong tahimik lang na nakamasid. Kita ang pag-aalala sa mukha ng mag-asawa, ngunit walang sinumang sumalungat kay Rafael.
Sa huli, tumango ang doktor. “Kung ’yan ang desisyon mo, senyor, susundin ko. Pero kailangan mong ihanda ang sarili mo. Kung sino man ang gumawa nito sa kanya, posibleng bumalik para tapusin ang sinimulan.”
Mariing tumitig si Rafael sa doktor, saka tumango. “Kaya ko siyang protektahan. Nandito siya sa ilalim ng bubong ko. Hangga’t humihinga ako, mananatilinbg ligtas siya.”
Tahimik na tumango si Dr. Alvarez, saka ipinagpatuloy ang paglalagay ng benda sa sugat ng babae.
Samantala, si Elena ay palihim na tumingin kay Rafael. Alam niyang mabuti ang puso nito.
Matapos itali ang huling benda, dahan-dahang itinabi ni Dr. Alvarez ang mga ginamit niyang kagamitan. Tahimik ang buong silid, tanging mahinang tunog ng wall clock at mabigat na paghinga ng natutulog na babae ang maririnig. Okay naman ang vital signs nito kaya walang dapat na problemahin.
Nakatitig lang si Rafael mula sa kanyang wheelchair, hindi inaalis ang mata sa dalagang nakahiga. Kita sa kanyang mukha ang halong pag-aalala at bigat ng desisyon.
“Dr. Alvarez…” tawag niya, mababa ang tono ng boses. Paglingon ng doktor, diretso ang tingin ni Rafael dito. “Pwede bang dito ka na muna mag-stay hangga’t hindi pa siya nagigising?”
Nagulat sandali si Dr. Alvarez, saka nagtanong, “Do you want me to monitor her closely?”
“Yes,” mabilis na tugon ni Rafael. “I want to make sure that when she wakes up, she’s safe. No panic, no fear. She’ll see a doctor first before she sees the rest of us.”
Huminga siya nang malalim at tumingin muli sa babae. “And honestly I just want someone I fully trust by her side.”
Bahagyang napangiti si Dr. Alvarez, sabay iling. “Alam ninyo, senyor, you rarely ask for help. Hearing this from you it means this girl is special.”
Rafael’s eyes softened, his voice steady yet quiet. “I don’t know who she is. But something tells me she doesn’t deserve what happened to her. She’s not like them, Doc. I can feel it.”
Nagtagal ang katahimikan. Ramdam ni Dr. Alvarez ang bigat ng paniniwala ni Rafael. Sa huli, tumango siya. “Alright. I’ll stay for the night. Don’t worry, she’s in good hands.”
Napabuntong-hininga si Rafael.
“Thank you, Doc. I owe you one.”
“Hindi, Senyor,” sagot ni Dr. Alvarez habang inaayos ang kumot ng babae. “You don’t owe me anything. You’re just being the man I’ve always known you to be.”
Ngumiti si Rafael pagkatapos magpaalam na babalik na siya sa kanyang kwarto.