CHAPTER 14: BECOMING A ZILLIONAIRE

1098 Words

Mabilis na nagkaroon ng bagong pangalan si Helen—o mas tamang sabihin, si Jade Vasquez Santiago. Dahil sa kapangyarihan at salapi ni Senyor Rafael, agad na naisagawa ang lahat ng kinakailangang papeles. Sa bagong birth certificate na lumabas, wala na ang pangalang Helen Salvador; tuluyan na itong nabura sa mundo. Hindi alam ni Jade kung paano iyon nagawa ng Senyor, ngunit hindi na rin mahalaga. Ang mahalaga ay ang kalayaan at bagong pagkataong ipinagkaloob sa kanya. Nang tuluyang gumaling ang kanyang mga sugat sa mukha, agad siyang sumailalim sa operasyon. Wala namang halos binago sa kanyang anyo, ngunit sapat na upang hindi na makilala na siya ang dating si Helen. Sa salamin, isang ibang mukha ang bumungad sa kanya—mukhang bago, ngunit may parehong mata na minsang nakakita ng matinding p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD