Nagmulat ng dahan-dahan ng mga mata si Helen, ngunit agad din niyang ipinikit muli nang maramdaman ang matinding kirot sa kanyang gilid at mukha. Para bang binabalikan ng kanyang katawan ang lahat ng sakit at hapdi na naranasan niya. Pinilit niyang igalaw ang kanyang mga daliri, ngunit parang mabigat ang bawat galaw. Nang tuluyan siyang magising, biglang bumangon sa kanyang isip sa nakaraan.
“Nasaan ako?” mahina niyang bulong, nanginginig ang boses dahil sa takot.
Napatingin siya sa paligid, hindi iyon ang madilim na bodega kung saan siya palaging ikinukulong at tiyak na hindi rin iyon ang makitid at mabahong kulungan na inakala niyang kinasadlakan niya. Ang silid ay maliwanag, malinis, at may amoy ng sariwang bulaklak mula sa mesa, malambot din ang kama na kanyang hinihigaan na sa buong buhay niya ay ngayon niya lang nahigaan…Ngunit imbes na mapawi ang takot niya, lalo lamang siyang nanginig.
Napahawak siya sa kanyang mukha at gilid, at nang maramdaman ang sakit, biglang sumabog ang takot sa kanyang dibdib. Nagulat si Elena, na noon ay nakaupo malapit sa kama at nagbabantay.
“Gising ka na!” mabilis na sabi ni Elena, tumayo at lumapit kay Helen.
Ngunit bago pa niya mahawakan ang kamay ng dalaga, biglang napasigaw si Helen.
“Hindi ako may kasalanan! Wala akong kasalanan!” malakas niyang sigaw, puno ng takot. Para bang kahit saan siya lumingon, naroon ang anino ng kanyang tiyahin at ang malamig na boses ng mga pulis na nagsasabing siya ay kriminal.
Napatakip ng bibig si Elena sa gulat, saka agad siyang nagsalita. “Huwag kang matakot, iha! Wala ka sa kulungan, wala ka rin sa bahay ng iyong tiya. Nasa ligtas kang lugar!”
Pero hindi agad nakinig si Helen. Umiiyak siya, nanginginig, halos mawalan ng hininga. “Maawa kayo sa akin. Wala akong kasalanan! Huwag niyo akong kunin! Ayoko sa kulungan!”
Agad na pumasok si Manuel nang marinig ang sigaw. “Ano’ng nangyayari?” tanong niya, at nang makita ang dalaga, lumapit siya agad at tinulungan si Elena na payapain ito.
“Makinig ka sa akin, iha,” sabi ni Elena, pinipilit maging mahinahon ang boses. “Hindi kami kaaway…Ligtas ka dito. Ang bahay na ito ay pagmamay-ari ni Senyor Rafael Santiago..Siya ang nakakita sayo sa saan at dito ligtas ka..”
Napahinto si Helen sa pag-iyak, pero nanatiling nanginginig. “S-senyor Rafael?” bulong niya, puno ng pag-aalinlangan.
Maya-maya, bumukas ang pinto at pumasok si Dr. Alvarez, dala ang kanyang medical bag, kasunod si Senyor Rafael. Ang matanda’ ay may hawak na tungkod, nakasuot ng maayos na polk, at bakas sa mukha ang awtoridad at kabutihang loob.
“What happened?” tanong ni Dr. Alvarez, agad lumapit kay Helen.
“Nagising po siya Doc, pero natakot siya. Akala niya ikukulong siya,” paliwanag ni Elena, bakas ang awa sa kanyang tinig.
Umupo si Dr. Alvarez sa tabi ng kama at dahan-dahang tiningnan ang sugat ni Helen. “Don’t be afraid, iha. You are safe now. No one will hurt you here.” Mahina at banayad ang kanyang boses, parang ama na kausap ang anak.
Si Senyor Rafael, na nakatayo malapit, ay nagsalita rin. “Iha, this is my house. No one will harm you here. You have my word.”
Dahan-dahan, tumingin si Helen sa matanda. Nagkatitigan sila ng ilang sandali. May kung anong bigat at kabaitan sa mata ni Senyor Rafael na unti-unting nagpakalma sa kanya.
“Pero si Tita Belen at ang mga pulis. Hinahanap nila ako,” nanginginig pa ring sabi ni Helen, napapahikbi.
Umiling si Senyor Rafael. “No one will accuse you here without proof. And until then, you are safe under my roof. Remember that.”
Habang patuloy na tinitingnan ni Dr. Alvarez ang kanyang sugat, lumingon siya kay Senyor Rafael.
“Her bruises will take time to heal, Senyor…The girl has been through a lot of physical and emotional trauma. She needs rest, and most of all, she needs to feel safe.”
Tumango si Senyor Rafael. “I understand, Doctor. But tell me frankly—will she recover fully?”
“Yes,” sagot ni Dr. Alvarez…“Physically, her wounds will heal. But emotionally that will depend. Trauma is a different kind of injury; it takes patience, compassion, and stability.”
Napatitig si Senyor Rafael sa dalaga, saka marahang nagsalita. “Then she shall have all of that here. She will not be left alone.”
Nagtagpo ang paningin nila ni Dr. Alvarez.
“You’re treating her as if she’s your own,” mahinang sabi ng doktor.
“Perhaps,” sagot ni Senyor Rafael, napangiti ng bahagya. “Because sometimes, God sends people into our lives not by blood, but by fate. And fate brought her here.”
Samantala, si Helen ay nakikinig, bagama’t may halong takot at pag-aalinlangan pa rin. Dahan-dahan niyang pinunasan ang kanyang mga luha at bumulong.
“Ligtas? Ligtas ako dito?”
Lumapit si Elena, hinawakan ang kamay niya. “Oo, iha. Safe ka dito. Huwag ka nang matakot.”
Napahigpit si Helen ng kapit sa kamay ni Elena, at sa unang pagkakataon mula nang magising siya, may kaunting ginhawa siyang naramdaman.
“Ako si Elena, siya naman ang asawa kong si Manuel. Kasambahay akin dito at si Manuel naman ay driver ni Senyor. Ikaw, anong pangalan mo?” Ani Elena kaya napatingin dito si Helen.
“Helen, ako si Helen,” ani ng dalaga na hinawakan ang kamay niya.
“Senyor, nais ko pong ipaalam sa inyo na normal lamang ang mga nararanasan ni Helen sa ngayon. Trauma lang po ang epekto ng pinagdaanan niya. Hindi ito permanenteng kondisyon, “ ani ni Dr. Alvarez.
“Doktor, ang kinakatakot ko lang ay baka matulad siya kay Dimitri. Noong una, ganyan din ang mga senyales niya.”
“I understand your fear, Senyor. But you have to believe me—Helen’s case is different. She is not like Dimitri. Baka bukas o pangalawa ay baka pumasok na sa isipan niya ang mga nangyari. Ang mahalaga ay masiguro natin sa kanya na nasa ligtas siyang lugar.”
“Salamat Dr. Alvarez at pasensya ka na kung tumagal ka pa dito sa bahay, alam mo na nag-aalala lamang ako. Masaya na ako na kahit papaano ay may nagawa akong tulong kay Helen at kung gaya nga ng sinabi ninyo na gagaling siya ay masaya na rin ako lalo na at nawawalan na ako ng pag-asang gumaling pang aking anak.”
“Alam ko pong masyadong matagal na ang kalagayan ni Dimitri pero sa nakikita ko po sa anak ninyo ay ikinukulong niya ang kanyang sarili sa nakaraan, malay natin baka isang araw ay magising siya mula sa isang mahabang pagkakatulog.”
“Paano kung paggising niya ay wala na ako? Nasa akin ang lahat pero hindi ko man lang mapagaling ang anak ko, siya na lamang ang naiwan ng babaeng minahal ko.”
Inakbayan siya ni Dr Alvarez.
“Ngayon pa ba kayo mawawalan ng pag-asa? Ilang taon na ang lumipas pero nandiyan pa rin si Dimitri at habang buhay siya at lumalaban ay may pag-asa pa.”
Malungkot na napailing ang senyor.