Chapter 2

2176 Words
Hindi masyadong dama ni Vince ang halos maghapong lumipas na oras. He feels excited dahil muli na namang sa condo unit niya tutuloy si Allyson for a month. Muli na naman n'ya itong makakasama sa iisang bubong at magiging malapit na ulit sila sa isa't-isa. Tanda pa n'ya ang huling pag-stay nito sa condo niya at kung papaano s'ya nahirapan. Nahirapang magpigil na angkinin ito lalo na at wala na siyang dapat pang ikabahala. He has the blessings from Allyson's parents at siya lang 'tong humahanap ng magandang pagkakataon o tiyempo. Lalo na at iisa ang bedroom sa condo niya at magkatabi sila sa kama.  Pero para sa dalaga ay walang malisya ang pagiging dikit nila pero para sa kanya ay meron. Lalo na at sobrang pagpipigil ang ginagawa niya dahil talagang nag-iinit siya sa tuwing katabi n'ya ito o kaya ay solo nila ang lugar. Ayos lang dito kahit halos nakayakap na s'ya dito at kahit yata maghubad siya sa harap nito ay walang epekto sa dalaga. 'Yon ang ikinabahala niya dahil baka nasanay na ito noong mga teenager palang sila na malimit siya nitong mahuling fully naked sa loob ng condo niya. O kaya naman ay wala lang talaga dito ang presensya niya. Nakangiting napailing na lang siya ng biglang bumalik sa alala niya ang huling pag-uusap nila ng magulang ni Allyson sa telepono kahapon ng umaga. Kaya kahapon pa lang ay excited na siyang pumasok at talagang naglinis siya ng buong condo niya. Nilinis niya ang dapat linisin lalo na ang buong kwarto niya na magiging kwarto din ni Allyson. Nilinis niya ng mabuti ang bathroom at pati na din ang living room.  Namili din siya ng stocks at pinuno niya ang fridge pati na din mga hanging cabinet. Hindi naman siya masyadong nahirapan sa paglilinis ng buong condo dahil sa sadyang malinis naman siya. Gusto lang niyang ma-empress ang dalaga sa kanya at para na din maka-pogi points. Wala namang naging reklamo ang dalaga noong huling pag-iistay nito sa condo niya at kahit isang negative comments or reaction ay wala itong nasabi sa kanya. Pero wala din namang positive.  Napaisip s'ya sa sinabi ng magulang ni Allyson sa kanya. Kung gagawin ba n'ya ang suggestion ng mga ito o hindi. Wala na siyang problema sa magulang ng dalaga kahit na anong gawin niya dito. Maliban lang ang saktan ito. Flashbacks.... "Hijo, pwede bang sa iyo muna tumuloy si Allyson for a month?" wika ng Mama ni Allyson ng tumawag ito sa kanya. 'Yon ang bumungad sa kanya kahapon ng umaga. At bahagya pa siyang natigilan dahil sa narinig mula dito. "Sure, tita. Wala pong problema," nakangiting wika niya at galak na galak siya sa narinig. Muli na naman niyang makakasama si Allyson. "And hijo, baka naman this time ay makukuha mo na siya. Alam mo namang may blessings ka na namin ng tito mo," lalo siyang napangiti dahil sa lagi nitong nababanggit sa kanya kung kailan at kung nakuha na n'ya ang dalaga. 'Yon lagi ang salubong sa kanya ng magulang ng dalaga tuwing babalik ang mga ito ng bansa. At ang mga ito na din ang nagsusuggest sa kanya kung papano at anong paraan n'ya ito aangkinin. "Tita, naghahanap na lang po ako ng timing. Ayaw ko naman po siyang pilitin at baka po 'yon pa ang maging dahilan nang pag-iwas n'ya sakin," napakamot siya sa batok kahit hindi 'yon nakikita ng kausap niya. Almost three years na din ang nakakaraan nang magsimula na ipagkatiwala sa kanya ng magulang ni Allyson ang dalaga sa kanya. "Naiintindihan kita, hijo. Pero madami namang ways para makuha mo siya at mapasayo siya ng tuluyan.. Seduce her. 'Yan ang mas effective na alam ko. The easiest but effective way," napaubo pa siya dahil sa sinabi ng tita niya. Kaya ba niya 'yon? Eh hindi nga n'ya kinakikitaan ng pagkahumaling sa kanya ang dalaga kahit na ibandera niya ang katawan dito. "Pero, tita. Kahit nga po maghubad ako sa harap ni Allyson wala man lang epekto," nakangiwing saad niya. "Basta, try it, hijo. Babae din ako kaya alam kong may epekto ka sa dalaga namin. Please hijo, alam namin ng tito mo na mahal mo si Allyson. At sayo namin ipinagkakatiwala siya dahil lagi kaming wala sa tabi niya. She needs someone na makakasama niya at ikaw 'yon." Dama niya ang pagmamakaawa nito sa boses. 'Yon ang dahilan ng magulang ng dalaga kaya ipinagkakatiwala ito sa kanya. At willing naman niyang gawin 'yon para sa dalaga... para sa babaeng mahal niya. "Sige po, tita. Gagawin ko na po." Napahinga siya ng malalim. Siguro ito na din ang tamang panahon para makuha n'ya ang dalaga. Hindi lilipas ang isang buwan na kasama n'ya ito na hindi niya ito naaangkin. He will own her by hook or by crook. Pero he'll make sure na walang pilitan na mangyayari. "Thank you, hijo. Sige ikaw na ang bahala sa prinsesa namin," masayang anas nito bago naputol ang communication nila. He sighed. He have to think kung anong magandang gawin para 'makuha' niya ang dalaga. Pero parang ayos na siya sa akitin ito. Damn! Mukhang mapapalaban siya ng pakapalan ng mukha para akitin ito ng harap-harapan... End of flashback... "Hoy! Ang lalim ng iniisip mo ah! Share mo naman sakin." Bumalik siya sa kasalukuyan ng mahinang sikuhin siya ni Allyson. Nasa parking area sila at hinihintay lang nila 'yong mag-asawa na sina Keane at Alyana. Kasalukuyan silang naka-upo sa hood ng sasakyan niya at kumakain ng burger and fries. "Wala.. I'm just thinking something na hindi mo na dapat malaman," nakangising wika n'ya at inirapan lang siya nito. He chuckled. "Aba, Vince, ganyanan na tayo ngayon, huh?! Siguro nakabuntis ka 'no at nag-iisip ka kung papaano mo matatakasan ang responsibilidad mo sa bata." He glared at her. Tumahimik naman ito at nag peace sign. Napabuntong hininga siya at matiim itong tiningnan. "Oh? Anong klase tingin 'yan?" masungit nitong tanong at sumipsip sa hawak niyang nasa plastic na softdrinks with straw. "Wala naman. honey, magagalit ka kaya pag may ginawa ako sayo na hindi mo inaasahang kaya kong gawin sa'yo?" he asked in a serious tone. Kita niyang natigilan ito at bahagyang bumukas ang bibig pero walang salitang lumabas doon. "W-what do you mean?" wika nito ng makahuma sa sinabi niya. "Halimbawa, pinilit kita sa bagay na ayaw mo like uhm.. 'doing it' with you." Pakiramdam niya ay nag-init ang buong mukha niya at agad siyang napaiwas ng tingin dahil sa reaksyon nito ng maintindihan ang sinasabi niyang 'doing it with her'. "Seriously, Vince! Nababaliw ka na ba?! May balak ka bang gawin sa'kin? At ang galing din ano, sinasabi mo muna at inaalam kung anong mararamdaman at gagawin ko." She laughed. Lalo siyang nakaramdam ng hiya at halos hindi na siya makatingin dito. She still laughing out loud at may paghampas pa ito sa braso niya. Damn! Bakit ko pa ba naisipang sabihin 'yon?! - he thought at pinagalitan ang sarili. "Vince, huwag kang gumawa ng bagay na alam mong masama at hindi nararapat. At huwag kang gumawa ng bagay na alam mong ikasisira mo sa paningin ko, hmm?" wika nito ng matapos itong tumawa. "But-" "Walang pero-pero, Vince.. Gawin mo ang alam mong tama at may tamang paraan naman. So please stop thinking at baka isang araw natagpuan mo na lang ang sarili mong hinahalay ako." Pareho pa silang natawa sa huling sinabi ng dalaga. From a serious conversation tapos hanggang sa naging tawanan na lang. "Oh, bakit parang ang saya n'yo yata at himalang hindi na kayo nagbabangayan." Parehas silang napatingin sa bagong dating at napatigil nang makita nilang sina Keane at Alyana. "Wala, ito kasing si Vince. Kung ano-anong pinag-iisip." She laughed again at napakamot na lang siya sa batok. Papaano ba niya magagawa ang plano niya kung dinadaan nito sa biro ang lahat? At kahit ang feelings niya dito ay hindi nito maramdaman o kaya naman ay hindi nito pinapansin ang bawat pahangin niya. "We'll go ahead na dude, AJ," paalam n'ya sa dalawa at hinawakan ang braso ni Allyson. Inalalayan niya itong bumaba mula sa hood ng kanyang sasakyan hanggang sa makasakay ito sa loob. Hinintay niya munang makasakay sina Keane sa sasakyan nito bago siya pumasok sa loob at pinatakbo ang sasakyan. Pagkarating sa condo niya ay napangiti siya dahil agad na nilibot ni Allyson ang loob. Taas-noo siyang sumunod dito at hinintay n'ya ang pagpuri nito sa condo niya. Pero hanggang sa makapasok ito sa room niya na magiging room nila ay wala itong naging sabi o puri kaya napasimangot siya at nagdadabog na nakasunod dito. "Oh? Anong nangyari sa'yo?" puna nito sa kanya ng basta na lang niya ihagis sa sofa ang dala n'yang bag at padabog na umupo sa kama. He's pouting like a child na parang inagawan ng laruan. "Hindi mo man lang ba na-appreciate ang effort ko sa paglilinis ng unit ko? Lagi na lang pag nag-iistay ka dito hindi mo man lang magawang purihin ako," nagtatampo na saad niya at binigay todo na niya ang pagsimangot niya. Lumapit ito sa pwesto niya at umupo sa tabi niya. Napalunok siya nang ipatong nito ng braso sa balikat niya at bahagyang nag-lean ito sa kanya. Damn! Bumibilis na naman ang t***k ng puso n'ya. He's really inlove with this lady... "Vince.. Magkababata tayo. So it means, kilala na kita dahil hindi naman tayo nagkakahiwalay at lagi tayong magkasama. Kilalang-kilala na kita at kahit yata kalokohan mo alam ko na. Naa-appreciate ko ang ginagawa mo kaya nga taas-noo akong humahanga sa kababata ko dahil napakalinis niya kahit nag-iisa s'ya. You're independent, Vince. At lahat na sa'yo na," nakangiting wika nito at bahagya pa siyang niyakap.  Napangiti siya at sumandal din dito. Nanatili silang ganun ng ilang minuto at hindi mawala ang ngiti sa labi n'ya. 'Yon ang unang pagkakataon na may narinig siyang ganun mula sa dalaga. At para sa kanya ay malaking bagay na 'yon dahil nanggaling 'yon sa babaeng minamahal niya. Kinagabihan, siya na ang nagluto ng dinner nila dahil sanay naman siya sa gawaing bahay. Dahil mula ng magkaisip siya ay bumukod na siya sa mga magulang dahil na din sa laging busy ang mga ito pero dumadating naman pag kailangan niya. Hindi siya nagtatampo sa magulang o kahit nagtanim ng galit man lang. Dahil naiintindihan naman niya ang mga ito. Nang matapos ang niluluto n'yang adobo ay sakto namang dating ni Allyson wearing her casual outfit. "Oh good, you're already here. Dinner is ready," nakangiting wika n'ya. Pinaghila niya ito ng upuan at nagpasalamat naman ito sa kanya. She smiled at him kaya naman 'yon naman ang abnormal na t***k ng puso niya. "You're really good at this stuff, Vince. Pwede ka ng mag-asawa," wika nito ng simulan nilang kumain. Malaki ang ngiti niya dahil sa halatang sarap na sarap ito sa luto niya base sa sunod-sunod nitong pagsubo. "Talaga? So, mabubuhay ka na sa mga luto ko," nakangiting wika niya. Bahagya itong natigilan at napatingin sa kanya habang nasa bibig pa ang kutsara. Damn! She's so cute... "Bakit ako? Sabi ko pwede ka ng mag-asawa—" "Dahil ikaw naman ang gusto kong mapangasawa," he cut her off by saying those words. Saglit itong natigilan pero kalaunan ay napatawa na lang ito. Pero nang makita siya nitong seryoso ay unti-unting nawala ang tawa nito. "I'm serious, honey. You're the one na kailangan ko. At kung dumating man ang araw na magpapakasal ako, gusto ko ay sayo." He admits. Her reaction is priceless. Nakabukas ang bibig nito at nanlalaki ang mata habang nakatingin sa kanya. "V-vince..." mahinang wika nito nang maka-get over sa sinabi niya. "You don't have to say anything, honey. I'm just saying my feelings and from now on, treat me as your suitor or lover, honey, not just only your bestfriend. And expect something unexpected dahil lahat ng bagay na hindi ko nagagawa noon ay gagawin ko sa'yo ngayon. With or without your consent," he said seriously. Lihim siyang napangiti nang mabitawan nito ang kubyertos at mabilis na uminom. He's smiling while watching her at hindi nakaligtas sa kanya ang pamumula ng mukha nito. "Thinking something green, honey? That's right. Dahil hindi mo kayang isaisip ang mga bagay na gagawin ko sa'yo." he thought. He grinned and finished his food.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD