Chapter 3

2087 Words
The next day, nagising si Allyson dahil sa mabigat na nakadantay/nakapatong sa ibabaw ng tiyan niya. Maging ang mga binti niya ay hindi niya maigalaw dahil parang may nakadagan din. At may nararamdaman din siyang hangin na tumatama sa leeg niya na nagbibigay sa kanya ng kiliti. And when she opened her eyes, medyo nagulat siya ng mukha ni Vince ang nakita niya na nakasubsob sa kanyang leeg. Ang mga braso nito ay nakapulupot sa bandang ibaba ng dibdib niya at nakapatong naman sa lower part niya ang binti nito. Sa madaling salita nakakulong siya sa bisig ng binata at wala siyang magiging takas kung gugustuhin man niya. Hindi niya akalain na magiging ganun ang pwesto nila dahil ibang-iba iyon kagabi bago sila matulog. Wala na ang pillows na nasa pagitan nila at maging ang comforter nila ay iisa na at ang nakakabilib ay sukob na lang sila. Biglang nag-init ang mukha niya nang silipin niya ang loob ng kumot at nakita niyang tanging boxer briefs lang ang suot nito. Hubad baro ito kaya ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nito na lalong nakakapagpainit sa nararamdaman niya. Kaya pala may kakaiba siyang nararamdaman sa hita niya 'yon pala ay nakadantay doon ang gitnang bahagi ng binata at ramdam na ramdam n'ya dahil siguro sa morning arousal nito. Napalunok siya ng bigla itong gumalaw at lalo pa siyang hinapit palapit sa katawan nito. And she was caught off guard sa ginawa nito habang nakapikit pa rin ang mga mata. He kissed her. "Honey..." anas nito habang hinahalikan siya habang nagsisimula nang lumikot ang kamay sa katawan niya. Nanatili lang siyang gulat habang nakatingin sa nakapikit nitong mata. Damn! He's kissing her while he's still sleeping. Mukhang nananaginip ito at siya ang napapanaginipan. Napasinghap siya nang dumapo ang kamay nito sa dibdib niya at bahagyang pinisil iyon. Dahil sa gulat niya ay naitulak niya ito kaya nahulog ito sa kama dahil napalakas ang pagkakatulak niya. Oooppss! "Damn! Ouch, my back!" dinig niyang daing nito bago tumayo habang hawak ang likod na nasaktan. Nakangiwi ito at umupo sa kama na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. "Honey!" gulat na wika nito ng napalingon ito sa gawi niya. Napatayo ito sa kama at mabilis na kumuha ng unan at itinakip sa tapat ng crotch area nito. "Damn! It means, hindi ako nananaginip? s**t! I'm sorry honey, I thought it's just part of my dream," mabilis at tarantang wika nito at hindi malaman kung lalapit o yayakapin siya. Mabilis nitong sinuot ang boxer short nito at muling umakyat sa kama. "Pasensya na tala—" "No, it's okay, Vince. Alam ko namang hindi mo sinasadya," putol niya sa sasabihin nito. Inayos niya ang suot na pang-itaas at kita pa niya ang pagsulyap nito sa dibdib niya at ang pagtaas-baba ng adams apple nito. Mahigpit din ang hawak nito sa throwpillow na nasa kandungan nito. Umalis siya sa kama at nagpaalam dito. "Sige. Bababa lang ako para magluto ng breakfast natin,"paalam niya para makaiwas sa kakaiba na namang pagtitig nito sa kabuuan niya. Hindi pa ito nakakasagot ay lumabas na agad siya ng kwarto dahil hindi maalis ang malagkit nitong titig sa kanya. Na para bang hinuhubaran na siya nito at hindi niya kaya ang malagkit nitong titig at baka mawala siya sa control ng katawan niya. Baka siya pa ang makagawa ng inaasahan niyang dapat na ito ang unang gagawa. Pagkababa niya ay nagluto lang siya ng usual na kinakain nila for breakfast. Fried rice, egg, hot dog, ham and bacon and especially hot coffee. Habang nagluluto ay nanariwa sa alala niya ang sinabi sa kanya ni Vince. Kung papaano ito nagtapat sa kanya na siya ang gusto nitong pakasalan. So it means na totoo lahat ng bawat pagpaparamdam nito sa kanya noon pa? Mabuti na lang at napigilan nya kahapon ang sariling mapatili dahil sa kilig sa mga sinabi ni Vince. Hindi naman siya manhid, marunong lang talaga siyang magtago ng emosyon at nararamdaman. Lalo na at pag tungkol kay Vince. Dahil noon pa man ay humahanga na siya sa binata. At habang tumatagal 'yon ay lumalim na mahihirapan na siyang makaalis kung ipipilit man n'yang umalis. Hindi lang niya ipinaparamdam at ipinapakita sa binata dahil baka lalo itong hindi makapagtimpi at hindi ma-control ang sarili at ganun na din sa kanya pag nalaman nito. Syempre sino pa ba naman o ano pa ang makakapigil dito kung ang magulang nga niya ay ipinagkatiwala na siya dito. But she understands them. Dahil kapakanan lang naman niya ang iniisip ng mga ito at swerte siya dahil si Vince 'yon, ang taong pinagkatiwalaan ng mga ito. Ang taong mula pagkabata ay karamay na niya, kahit away-bati sila pareho naman silang may pagpapahalaga sa isa't isa. And that is the most important thing for them. Caring for each other. "Good morning, honey," nagulat siya ng may pumulupot na braso sa bewang niya. Pinatay niya muna ang apoy bago siya pumihit paharap dito pero wrong move yata siya. Dahil saktong naglapat ang labi nila at pareho silang gulat ang reaksyon. Mabilis syang humiwalay dito at kita niya kung papaano lumawak ang ngiti nito. "G-good morning," nauutal na wika niya bago mabilis na inayos ang mesa. Hindi niya ito tinitingnan pero ramdam niya ang init ng titig nito. Umupo lang ito ng saktong matapos na siya sa paghahanda ng pagkain. Tahimik silang kumain ng breakfast at tunog lang ng kubyertos ang ingay na naririnig sa dining area. Tahimik lang sila at parang may competition sa pagkain dahil halos maubos nila ang lahat ng niluto niya. At sabay pa silang tumusok sa natitirang isang hotdog at sabay na nag-angat ng tingin. Sandaling naghinang ang kanilang mga mata. "Sige sayo na lang 'yan," wika niya at inalis ang tinidor niyang nakatusok sa hotdog. "Hindi, sayo na. Mahilig ka nga pala sa hotdog," wika nito at inilagay sa plato niya ang hotdog. "Hindi, sayo na lang. Nakadalawa na naman ako," wika niya at inilipat ang hotdog sa plato nito. "Sayo na lang, honey," muli nitong inilipat ang hotdog sa plato niya at ini-slice pa. Napangiti naman siya at kumuha ng tubig para inumin niya. "At kung gusto mo pa, meron pa ako dito. Higit na mas mahaba d'yan," naibuga niya ang tubig na iniinom niya sa huling sinabi nito. At nang mag-angat siya ng tingin ay napangiwi siya dahil basang-basa ang mukha nito at halos hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. "Sorry. Ikaw kasi eh, kung ano anong lumalabas d'yan sa bibig mo," mahinang wika niya habang pinupunasan ang mukha nito. "Huh? Ano bang mali sa sinabi ko?" maang na wika nito at bahagyang nakakunot pa ang noo. "'Yong ano.. 'Yong hotdog mong higit na mahaba," mahinang wika niya at lalong kumunot ang noo nito at nagbaba ng tingin sa sariling plato. "Mas mahaba naman talaga ang hotdog ko kaysa sa hotdog sa plato mo di'ba?" wika nito at itinaas ang sariling tinidor na may hotdog. "See? Mas mahaba pa yong akin," namula ang mukha niya dahil sa kakaibang naisip niya. Akala niya kasi 'yong 'ano' nito ang tinutukoy nito na higit na mahaba. "Wait. Don't tell me ibang hotdog ang naiisip mo," nakangising wika nito at kaagad naman siyang napaiwas ng tingin dito habang kagat ang ibabang labi. "Oh God, honey! Hindi hamak naman na mas malaki at mahaba ang hotdog ko diyan," he laughed kaya lalo siyang namula. Damn her! Bakit ba naman napaka-green minded niya! Mabilis na lang niyang tinapos ang pagkain niya at ganun din ito. Hindi na niya ito pinansin kahit na maya't maya niyang naririnig ang mahihinang tawa nito. Damn him! Pagtawanan ba naman siya... Nang matapos silang kumain ay ito na ang nag-insist na maghugas ng mga plato. Nakaupo lang siya at pinapanood ito. At hindi sinasadya ay napasulyap siya sa matambok nitong pang-upo. Tanging boxer shorts lang ang pang-ibaba nito at white sando naman ang pang-itaas. Nagpi-flex ang muscles ng braso nito every time he moved at bakat ang katawan nito dahil hapit ito sa katawan ng binata. Napakagat-labi s'ya dahil pumasok bigla sa isip niya ang ilang beses na niyang makita itong walang pang-itaas na suot kaya nakita na n'ya ang mabato nitong tiyan na may ilang balahibo hanggang dibdib. Ang malapad nitong dibdib at ang kabuuan ng katawan nito. Muling napadako ang tingin niya pababa sa katawan nito pero laking gulat n'ya ng iba na iyon. Wala na ang matambok nitong pang-upo at ang nakita na lang nya ay ang maumbok nitong harap. Dahan-dahan siyang napataas ng tingin at nakita niya itong nakangising nakatingin sa kanya. "Done eye-raping me, honey? Enjoying the view?" nakangising wika nito bago dahan-dahan na lumapit sa kanya habang hinuhubad ang apron. Damn! He's so hot... "You can touch it also honey if you want.. It's all yours," mahinang bigkas nito at bahagya pang kinagat ang labi. Is he trying to seduce her? s**t! She needs a lot of control para hindi siya bumigay. Kinuha nito ang kamay niya at dinala iyon sa dibdib nito. "Uhm... M-may gagawin pa pala ako sa kwarto," wika niya bago pa man lumapat ang palad niya sa dibdib nito. Mabilis s'ya ditong tumalikod at lakad-takbong tinungo ang kwarto. Pero bago pa s'ya nakapasok sa kwarto ay nadinig pa n'ya ang tawa nito. Damn him! He is really seducing her. 'Yon pala ang gusto nito, huh. P'wes sabi nga ni Alyana, lintik lang ang walang ganti... She's gonna seduce him too. Matira ang matibay... Nakahinga siya ng maluwag nang makapasok sya sa kwarto at agad nailock 'yon. Inis s'yang napaungol nang maalala ang naging reaksyon niya kanina sa pang-aakit nito. Nasaan na ang walang pakialam na Allyson? Nasaan na ang emotionless na pagpapanggap niya pagdating sa binata? Talaga bang nawawala na siya sa sarili pag nasa malapit lang ang binata? O hindi na kaya ng pagpipigil-power nya? Argh! Pinagpawisan siya sa kilos niya kanina kaya naisipan niyang mag-shower. Total naman wala silang pasok kaya free siya maghapon. Nagpasok siya sa bathroom at kaagad na tumapat sa shower. Hindi na siya nag-abala pang maghubad dahil talagang nag-iinit siya. Dahil sa mabilis na kilos niya kanina at idagdag pa ang naiisip ng berde niyang utak. Nang matapos siyang maligo ay binalot niya lang ng towel ang katawan niya. Wala din naman siyang dalang bihisan kaya wala siyang choice. At isa pa nailock naman niya ang pinto ng kwarto so baka hindi makakapasok si Vince unless kung hawak nito ang duplicate key ng kwarto. Paglabas niya ay muntik na siyang napasigaw ng muntik pa siyang nabangga sa isang malapad na dibdib. Wait lang? Dibdib? Kailan pa nagkadibdib sa harapa ng pinto ng bathroom. Nang mag-angat s'ya ng tingin ay tumambad sa kanya ang hubad barong si Vince. Just wearing his boxer brief at may towel na nasa balikat. s**t! He's so hot! Those abs, broad chest and muscles.. Napakagat siya sa labi at napahigpit ang hawak sa towel na tanging tumatakip sa hubad niyang katawan. "B-bakit ka nandyan?" she stutter. Namula ang mukha niya dahil harap-harapan nitong pinasadahan ang buo niyang katawan while biting his lower lip. There are different kinds of emotions in his eyes and lust is also visible on it. Napaatras siya ng bigla itong lumapit sa kanya at dama niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Napapikit pa siya nang maramdaman niyang may bagay na tumatama sa tiyan niya at alam na niya kung ano 'yon dahil kita niya kanina ang bulging crotch nito. s**t na malagkit!? Heto na yata ang katapusan niya... "I'm gonna take a bath, honey.. And I'm also waiting for you dahil gamit mo pa ang bathroom. Hindi mo naman siguro gugustuhin na sabay tayong mag-shower, right?" he whispered at dama niya ang mainit nitong hininga sa tenga niya. Napasinghap siya ng bahagya nitong kagatin ang tenga niya bago niya narinig ang pagpihit ng doorknob. Bago lang niya naibuga ang hangin na kanina pa niyang kinikimkim ng makapasok ito sa bathroom. Noon niya lang napansin na hindi na pala siya humihinga dahil sa sobrang lapit nila kanina at sobrang dikit. Mukhang nagtatagumpay ito sa pang-aakit sa kanya. Dahil ngayon lang siya naapektuhan ng sobra sa presensya ng binata at ngayon lang din siya nahirapan na itago ang kanyang emosyon. Damn! Mukha talagang mapapalaban siya, but she'll make sure na may magiging laban siya bago pa ito mag-tagumpay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD