07: Ex
ASHTERIELLE LUJIH POINT OF VIEW
Nag iwas ako ng tingin nang mag tama ang mata namin. Siguro ay hindi na niya ako nakikilala o naaalala pa. Sino ba naman ako para maalala ng cheater na 'to 'di ba? Mag papanggap na lamang ako na hindi ko siya kilala, tama!
Matagal na akong naka move on sa cheater na 'to.
"What's your order ma'am?" he ask as he turn on something.
Napa deretso ako nang tayo nang marinig muli ang malalim na boses niya.
"Uhm... Iced latte and two garlic bread," malumanay na banggit ko sa order ko. Hindi ako mapakali, feeling ko bawat galaw ko mapapansin n'ya. Although, hindi naman s'ya mukhang may pake sa 'kin.
"Is that all?" he asked again.
"Omsim."
"Ha?" takang tanong niya at nag angat pa ng tingin sa akin. Hindi sinasadya tuloy na nag tagpo ang nga mata namin!
"I mean, yes that's all my order. Sorry for confusion," I answered as I hand him a couple of one hundred peso bill.
"The total is 234 miss," aniya na ikinakunot ng noo ko. Lagi akong bumibili dito at saktong 200 lang lagi ang binabayad ko, bakit naman nag mahal?
"Huh? Iced latte is 150 then 25 yung garlic bread n'yo dito 'di ba? Araw-araw akong bumibili kaya alam ko sir," I said as I raised my eyebrows.
Kapag usapang pera talaga ay kahit sino ka pa wala akong pake. Aba mahirap na kumita ng pera ngayon 'no.
"Miss, I said the total is 234. Our iced latte cost 164, the garlic bread cost 35 each. I'm not a new employee here you can't trick me," aniya na nakapag pakulo ng dugo ko. Aba! Anong akala n'ya niloloko ko s'ya?! Scammer ako ganon? Eh s'ya nga itong nag cheat!
"Sinasabi mo bang scammer ako? Excuse me lang ha! Matagal na akong costumer ng cafe na ito at isa pa ngayon lang kita nakita dito. Kahit tawagin mo pa yung kasamahan mo dito na si Steven kilala niya ako 'no!" inis na asik ko. Mabuti na lamang at walang ibang costumer kung hindi ay kakaainin ako ng hiya sa mga pinag sasabi ko.
"Steven? Huh. Tinanggal na s'ya dito dahil laging nag kukulang ang kinikita ng shop kaya naman pala eh, binibigyan n'ya ng discount ang girlfriend n'ya," he said with an irritating smirk. Aba't! Napaka sama talaga ng tabas ng dila ng lalaking 'to.
"Hoy, lalaking arogante! Unang una hindi ko boyfriend si Steven, at pangalawa hindi n'ya ako binibigyan ng discount dahil may binibigay siyang reciept sa akin everytime na bumibili ako! H'wag mo akong igaya sa'yo na araw araw nag chi-cheat!" inis na bulalas ko na agad ko ring pinag sisihan. Kumunot ang noo niya at halatang naguluhan sa sinasabi ko.
Inis na tumakbo ako palabas ng cafe at nag tungo papunta sa condo unit ko upang magpakain sa lupa.
Jusko naman ASHTERIELLE!
Ano ba naman 'yan at the end of the day ako pa din yung marupok ganon?!
Nakakainis! Bwiset ka talaga Azeil Leo!
***
I shall return)