ASHTERIELLE LUJIH POINT OF VIEW
KASALUKUYAN kaming nasa loob ng sasakyan ni Gray, nag prisinta siyang ihatid kami. Itong si Ziella naman ang kapal kapal ng mukha. Tine-take advantage n'ya yung generosity ni Gray.
"I'm hungry, daan tayo sa fastfood na malapit. Tutal ay traffic naman," utos ng donya. HIndi man lang nakisuyo, ako na ang nahihiya kay Gray.
"Reyna ka?" asik ko ngunit nag kibi't balikat lamang siya. Nang mag tama ang mata namin ni Gray ay binigyan ko siya ng apologetic look.
"It's okay Ash. Ziel, is Mcdonald's okay with you?" he asked Ziella at the back. Tumango tango si Iella kaya agad na iniliko ni Gray ang sasakyan upang mag tungo sa drive thru. "Three mcfloat with fries and five bigmac please," sambit ni Gray nang oras na upang sabihin ang order namin.
Guess what? Lahat ng bigmac na inorder namin ay kay Iella lang lahat. Napaka takaw.
Hiyang hiya na ako dahil pati ang pinangbayad ay galing kay Gray! Habang nag e-enjoy si Iella ay hiyang hiya naman ako.
Panay ang bunttong hininga ko buong byahe, mabuti na lamang at naging payapa na iyon hanggang sa marating namin ang condominium ko.
"Thanks, babawi ako," tipid ang ngiting pasasalamat ko kay Gray. Si Iella? Nauna pa sa akin sa taas, ni hindi man lang nag thank you.
"Babawi ka? You don't have to. But, if you're going to treat me dinner, just the two of us, I'll go."
Hindi ako nakasagot agad. What does he mean by that? Nginitian niya ako and he pat my head then he left...
I can't believe what just happened, wala sa sarili akong nag tungo na sa condo ko at nag pahinga. Nakatulog agad ako dahil sa pagod.
`MORNING`
I WOKE up early dahil sanay naman na akong gumising ng maaga kahit puyat ako, kailangan kong mag luto ng breakfast.
When I checked Iella's room she's already gone. I think umuwi na siya agad. I kinda miss her presence here.
Nag lakad ako patungo sa kitchen, my brows furrowed when I saw a cloud of smoke coming out from my kitchen! I can smell that something is getting burned. I headed towards the kitchen entrance and saw Iella on the corner holding the spatula and just about to cry.
What the heck? Nilingon ko ang kalan at nakita ang sunog na bacon, hotdog, and egg sabay sabay n'yang niluto?! Sa kabilang stove naman ay sunog na kanin. Jusmeyo marimar!
Agad kong dinampot ang telang nakita ko at binasa iyon sa katabi kong sink, saka ko iyon ipinangtaklob upang mapatay ang apoy. Pucha, nasira pa yung kalan ko.
Nilingon ko si Ziella na ngayon ay nakayuko na, bumuntong hininga ako at nag tungo sa sala, ramdam ko ang presensya aniya sa likod ko. Nang umupo na ako ay umupo na rin siya.
"What happened?" nag pipigil ang galit kong tanong. Galit ako, galit na galit.
"I tried to cook," she reasoned out. She tried to cook? Ang alam ko ay marunong naman siyang mag luto ng hotdog at egg, marunong din naman siyang mag saing.
"But you already know how to fry hotdog and egg!" inis na asik ko sa kaniya. Nag angat siya ng tingin ngunit nang masalubong ang masama kong tingin ay yumuko s'ya ulit.
"Ano kasi... ang tagal maluto kaya sinabay sabay ko na tapos nilakasan ko yung apoy, eh hindi ko naman namalayan yung sinaing na sunog na pala dahil hinuhugasan ko yung isda sa sink," paliwanag niya na nakapag pa face palm sa akin. Ano bang trip n'ya? Hindi naman siya multi tasker.
"Umuwi ka na sa bahay n'yo," malumanay na sabi ko and headed towards the kitchen to clean up her mess.
I'm worried about her too, paano kung mapaso s'ya or madikit sa apoy?
"Ashti..." nakanguso niya akong sinundan sa kitchen. Kuno't noo ko siyang nilingon.
"I told you to go home. I'll call Sinon," kuno't noo kong tugon at nag tungo sa kwarto ko upang kuhanin ang phone ko. Hindi ako makakpag linis kung narito siya.
I dialed Sinon's number, after a couple of rings ay nasagot na niya ang call. Ziella is in her room and taking a bath by the way.
"Hey," bati niya mula sa kabilang linya.
"Pick up your wife, do you know my address?"
"Ziel-," hindi ko na narinig pa ag sunod niyang sasabihin nang bigla na lamang agawin at patayin ni Iella ang call.
"Putcha, anong trip 'yan?" takang tanong ko sa kaniya.
"H'wag mong sabihin yung address mo sa kan'ya," tugon niya na ikinataka ko. Bakit naman?
"Bakit naman hindi? Bahay ko naman 'to," takang tanong ko. Galit ako 'di ba? Nag kaka-limutan na eh.
"I don't want him to know where I am, just don't tell him. I'll take a cab," she reasoned out then left.
Bumuntong hininga lamang ako at nag tungo na muli sa kitchen para linisin ang kalat. Kailangan ko pa tuloy bumili ng bagong stove. Nang mahagip ng tingin ko ang isda sa sink ay may yelo-yelo pa iyon. Mukhang alam ko na kung anong dahilan ng sunog!
Paniguradong pinag laruan pa ni Iella 'tong isda kaya hindi niya namalayan ang niluluto. Parang naging coal na lang yung bacon eh, hindi na edible. Sayang isang pack pa naman yung niluto ni Iella tapos anim na hotdog, then apat na egg. Wala pa naman akong sweldo at paniguradong may bawas y'yon kung saksa-sakali kaya hindi ako agad makakabili ng bagong stove.
Kailangan ko na namang mangutang, usually ay kay Gray ako nangungtang pero ngayon parang nahihiya na akonng mangutang pa sa kaniya.
Tipid na tipid ako pero tuwing pumupunta si Iella dito sa bahay hindi ko magawa iyon, ayokong isipin niya na hindi ko natutustusan ang pangangailangan ko. Kung hindi siya nakiki-kain dito edi sana ginhawa ako, charot.
MATAPOS kong linisin ang lahat ng kalat at dapat linisin ay lumabas na lamang ako at nag tungo sa paborito kong cafe, which is the AL Cafe. Paborito ko ang iced latte nila.
Nasa baba lamang iyon ng building kaya madali lamang akong nakarating ro'n. When I entered the cafe, guminhawa agad yung pakiramdam ko. Naamoy ko na kasi ang mabong ambiance ng cafe nila.
Nag tungo ako sa counter upang umorder. Nakatalikod ang cashier kaya kinailangan ko pang i-ring ang bell.
Nang humarap siya sa akin ay natigilan ako saglit, what the hell is he doing here?
***
-KLV
DO SHARE. DO SHARE. DO SHARE.