05
ASHTERIELLE LUJIH POINT OF VIEW
"Tell me more," pangungulit na naman ni Ziella sa akin. Kanina pa siya kulit ng kulit.
"Shut up. I told you already, I'm not yet sure," kanina ko pa paulit-lit na sinasabi sa kaniya iyan. Mabutii na lamang at lumabas yung dalawang lalaki dahil bibili raw ng foods. Napakatakaw kasi ni Iella.
Antakaw takaw pero napaka-sexy.
"And why is that? I'm sure there's a reason," takas kilay niyang usal. Napa buntong hininga na lamang ako at napailitan ng sabihin ang totoong dahilan, upang matigil na ang kakulitan niya.
"Because I still can't freaking move on!" natahimik siya bigla at natawa ng mahina. Joke ba yung isnbai ko? Joke ba? Joke ba, ha?
"Freaking move on with what? I don't remember you having relationship with someone," taas kilay na sabi niya. Humihingi ng paliwanag. I can't tell her! Napaka chismosa naman kase.
"Nag ka boy friend ako noong last year ko sa collage. Happy?" mabilisang sabi ko na nakapag pa nga-nga sa kania ng literal. Ano ka ngayon, nga-nga sige nang mapsukan ng langaw 'yang bunganga mo.
"What? And you didn't tell me about that? Fake friend!" nag tatampo pa niya kunwaring tugon at pinag krus ang braso sa may dibdib, kailangan kong sabihin sa kaniya ito ng mabilisan dahil tiyak na babalik na yung dalawa anytime soon. "Sino naman ang pumatol sa 'yo? Charot lang ansama makatingin! So, sino na nga ang maswerteng ex mo?" dagdag tanong pa niya. Ayan padami na ng padami nalalaman ng babaeng 'to. Dapat na s'yang itumba..
"Hindi ko sasabihin sa 'yo," pairap kunwari na sabi ko.
I want to tell her who it is, but the thing is, yung doggie n'ya I mean si Sinon, Lekarpon ang surname, parehas sila ng ex ko. It's not coincidence dahil iilan lang naman ang Lekarpon sa Pilipinas! At isa pa, ayoko na muli pang makita ang mukha n'ya.
"Why not?" kuno't noo niyang tugon at pasimpleng nag balat na naman ng prutas. Pucha, s'ya lang din kumain nung pinampalit ni Sinon.
"Dahil madaldal ka- teka nga hoy! H'wag mo namang ubusin 'yan!" suway ko dahil mauubos na naman niya ang prutas KO!
"Fine. Hindi kita pipilitin, but suggest ko lang dun ka na kay Gray. Ex is ex hindi mo na dapat balikan pa, tsaka sabi mo di ba noong collage pa 'yon?" tanong niya at tumango naman ako. "Grabe girl, may itinatago ka rin pa lang landi no'n," natatawang dagdag niya na nakapag patawa rin sa akin ng kaunti.
"Buwisit ka talaga," natatawang tugon. Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok yung dalawa dala yung sandamakmak na pinabiling pag kain ni Iella. Minsan gusto ko na silang kotongan. Hindi ba uso sa kanila yung salitang 'katok'?
"Andami."
"Ang konti."
We said in unison, Ziella and I. Grabe kaunti pa sa kaniya yung 4 na burger at isang bucket ng chicken wings? Sa kaniya lang lahat ng 'yon. Ayaw pa kami bigyan.
Sabay sabay kaming kumaing apat, payapa at tahimik na sana kung hindi lang nag basag ng katahimikan si Iella.
"We should try, double date next time," pag babasag niya sa taimtim na katahimikan. Napa face palm ako dahil nasamid bigla si Gray! Si Sinon naman ay naka suporta lang sa kung anong sasabihin ni Iella.
"Baliw ka ba?" inis na sitik ko sa kaniya. Kindat lang naman ang sinukli sa akin!
"Bakit Gray? Ayaw mo ba?" taas kilay at mataray niyang tanong kay Gray, napaka bwiset talaga ng kaibigan ko! Hindi ko alam kung bakit ko nga ba s'ya naging kaibigan?
"It's not like that. Okay lang sa akin, but is it okay to Ash?" his voice is so soft. Nag init ang pisngi ko nang nag tama ag tingin namin. Nag iwas ako ng tingin, sakto namang bumulong bigla sa akin si Iella.
"Go girl, suportahan kita sa landi mo," bulong niya sa mismong tainga ko. Napalayo tuloy agad ako sa kaniya, yung suporta niya nakaka takot.
"A-Ayos lang naman sa akin," iwas ang tingin kong sagot. Nakakahiya naman kasi, nang mahagip ng paningin ko si Ziella ay nag pipigil na siya ng tawa. Nakakinis naman 'to.
MATAPOS kumain ay nasabihan na kami ng doctor na pwede na akong makalabas. Agad akong tumayo at nag ttungo na sa C.R para mag palit habang si Iella ay inaayos ang mga gamit ko. Sinon already left dahil may meeting pa daw siya, si Gray naman ay inihanda nag sasakyan na gagamitin namin, which is his white mercedes.
"Take your time, pero bilisan mo!" sigaw ni Iella mula sa labas ng banyo. Jusmeyo ano raw? Take my time pero bilisan ko?
Bakit ko nga ba naging kaibigan 'to?
Binilisan ko na lamang ang pag bibihis, dahil baka kung nao-ano na naman ang isigaw ni Iella. Saka nag hihintay si Gray sa labas.
***
@itsyour_kl on IG
@KLVermilion on WATTY
@K.L. Vermilion on DREAME
Follow me for more updates and more upcoming storieeees!
DO SHARE. DO SHAAAARE. DO SHAAAAAREEEE.