Kabanata 8

3445 Words
Veronica Sandali akong natulala rito. Wala na ang kabaitan sa mukha nito dahil napalitan na iyon ng seryoso at matigas na ekspresiyon. Sinamaan ko ito ng tingin. “Ano pa ba ang kailangan mong marinig mula sa akin? Ha? Ah! ’Yong mga perang ibinigay mo sa akin? Ibabalik ko, sige!” sabi ko at akmang tutunguhin ang kuwarto nang pigilan ako nito sa braso. “I don’t need that money!” Bahagyang tumaas ang boses nito na ikinapiksi ko. “All I want is your attention, Veronica! Oo, gusto kita! And I’m willing to wait for you. Hihintayin kita,” aniya na ikinalaki ng mga mata ko. Pakiramdam ko ay sumikdo ang puso ko nang sabihin niyang gusto niya ako. Alam ko naman iyon, pero nang sa kaniya na manggaling ay para akong mababaliw. Nagtatatalon ang puso ko sa saya, ngunit kalakip niyon ang takot at pagkalito. Kinalas ko ang kamay nito sa braso ko at unti-unting napailing. “Gabriel, nahihibang ka lang. Hindi mo ba nakikita ang sitwasiyon ng buhay ko? Mahirap ako, basagulera at maldita! Ganitong babae ba ang deserve mong hintayin? Kahihiyan lang ako sa buhay mo. Ang dapat na pinapatos mo ay ang babae na kabaliktaran ko,” naiiyak ko nang turan dahil bawat salita na lumalabas sa bibig ko ay parang kutsilyo na tumatarak sa dibdib ko. Ayokong gustuhin niya ako. Ayokong ipilit pa niya ang nararamdaman at lumampas kami sa pagkakaibigan dahil natatakot din ako para sa sarili kong unti-unti nang nagugustuhan siya. Akala ko ay magbabago na ang isip nito dahil sa sinabi ko, pero iba ang nangyari. This time ay lumambot na ang tingin nito at masuyo akong pinagmasdan. Siniguro nito na hindi ako makakawala sa paningin niya kaya pakiramdam ko ay ang sikip-sikip ng espasyo ng kusina. “Nag-aalala ka ba sa sasabihin ng iba?” mahinahon niyang tanong at marahang hinaplos ang pisngi ko. “Iyon ba ang inaalala mo kaya gusto mo akong iwasan?” Nag-iwas ako ng tingin nang panghinaan ng tuhod. “Hindi lang ako nag-aalala sa sasabihin ng iba, pati sa iyo ay nag-aalala ako, Gabriel. Gaga ako at basagulera. Narinig mo? Nakikipag-away ako sa kahit sino. Kaya bakit hindi ka natu-turn-off? Sa pagkakatanda ko ay hindi naman ako gumamit ng gayuma,” kunot-noo kong turan. Napangiti naman ito at hinaplos-haplos ang ulo ko. “Kahit ako, hindi ko rin alam kung bakit nagkagusto ako nang ganito sa iyo. I don’t really care about your flaws.” “Hibang ka na nga!” akusa ko na hindi makapaniwala. Ano bang klaseng tao ito? Gustong-gusto niya ng babaeng tulad ko? What the heck? Hindi ko alam kung parehas lang ba kaming may saltik dito o ito lang. Lumayo ako rito bago ituro ang pinto. “Umalis ka na, Gabriel. Nag-usap na tayo kaya umalis ka na.” “I’m not yet done with you, Veronica,” aniya na sumeryoso muli. “Ano pa ba ang pag-uusapan?” inip kong tanong. Gusto kong umalis na ito para mapahinga ang isip ko. Gusto kong iproseso muna ang lahat dahil hindi ko talaga alam kung ano ang nagustuhan nito sa akin. Maganda lang naman ako, pangit naman ng ugali. Hindi ba’t turn-off iyon? Kahit sino naman ay aayaw sa pangit ang ugali. Lumapit ito at tumapat sa akin. Hindi ako nito tinantanan ng tingin kahit nang humawak ito sa pinto namin. “Hindi ako titigil sa paglapit sa iyo, Veronica. Ayoko rin na iniiwasan mo ako. Kapag ginawa mo ulit iyon, pupuntahan na kita araw-araw rito.” Isang halik sa pisngi ang iniwan nito sa akin bago tuluyang umalis. What the heck? Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Kaya kinabukasan ay bangag na bangag ang utak ko pagpasok. “Good morning, Sir,” bati ko sa guro na kasabayan ko lang sa pagpasok. Tumango naman ito at bumati pabalik. Napahinga ako nang malalim pag-upo sa upuan. May pagkain na naman doon na nakalapag kaya nag-init nang kusa ang mga pisngi ko nang maalala ang naging ganap kagabi. Gosh. Bakit ba ako kinikilig sa simpleng halik na iyon sa pisngi? “Argh!” Inis kong inilapag ang notes sa desk at itinabi ang pagkain. Hindi ko kayang hindi-an ang pagkain na bigay ni Gabriel dahil nagsabi siya sa akin na siya mismo ang nagluluto ng pang-almusal ko. “Hoy, ano nangyari sa iyo?” kalabit sa akin ni Kimmy. Marahas lang akong umiling bago itutok ang atensiyon sa klase. Kaso hindi ako makapag-concentrate nang husto dahil sumasagi sa isip ko minu-minuto ang ginawang paghalik ng Gabriel na iyon. Naku! Kung hindi lang siya pogi at mayaman, baka sinapak ko na iyon! Susugod sa bahay para lang dumali ng halik! Nang mag-recess ay saka ko lang kinain ang bigay ni Mayor Gabriel. “Sana all may Feeding Program Para kay Maria,” sulpot ni Kimmy na lumabas kanina para bumili ng makakain niya. Pabiro ko itong inirapan sabay subo ng pagkain. Sarap na sarap ako palagi sa mga kinakain ko lalo na sa almusal dahil pangsosyal na ang mga iyon. “Huy! Narinig ko ang usapan kahapon, a! Boyfriend mo raw si Bogart!” marahas nitong bulong at nandiri. Nagkibit-balikat ako at sumimangot. “Tanga na lang ang maniniwala roon. Alam naman nilang ambisyoso masiyado si Bogart. Ambisyosa rin naman ako pero never kong naging ambisyon na patulan si Bogart.” Natawa ito at bumato na naman ng tanong kahit puno pa ng pagkain ang bibig. “So, sinapak mo ang mukha niya dahil ipinagkalat niya na boyfriend mo raw siya?” Natigilan naman ako sa sinabi nito. “Ganoon na nga. Teka, paano mo pala nalaman na sinuntok ko ang isang ’yon?” Humalakhak ito sabay hampas sa braso ko. “Ano ka ba! Kilalang-kilala kaya kita, Maria. Kahit ako rin naman, masusuntok ko ang feelingero na iyon kapag ipinagkalat n’yon na boyfriend ko siya. Naiintindihan ko ang galit mo. Nakita ko kasi iyon kahapon na may pasa sa pisngi.” Napailing-iling ako at natawa rito. “Hindi na uulit iyon. Alam niyang wala akong sinasanto na tao.” “MARIA! Kimberly! Sama kayo sa amin mamaya! May laro sa dulo!” aya sa amin ni Allen na kasama ang tropa niyang malalakas ang tinama sa ulo. “Pass! May date si Maria ngayon!” sagot ng kasama ko na ikinatigil ni Allen. “Date? Ano ba ’yan! Akala ko ba wala munang ganiyanan!” maktol nito na umakbay sa akin na ikinangasim ng mukha ko. Siniko ko ito sa tagiliran pero dinali niya na ako palabas ng building. “Sira! Paniwala ka naman kay Kimmy.” Nginisian ako nito sabay pisil sa pisngi ko. “So, ano? Game na sa basketball-an?” anito na halatang excited na maglaro. Umingos ako rito. “Okay, basta libre mo kami ng kikiam at fishball, ha.” Doon ito napangiti at lalong natuwa. “Sige ba! Basta tropa, libre ’yan,” aniya na wala namang malisya. Pero natigilan kami nang masalubong namin ang kakaibang tingin ni Gabriel at mga kasama nito. “Hi, Miss Ganda!” bati ni Kian na agad ko namang sinuklian ng kaway. Hindi ko pa alam kung titingnan ko ba si Gabriel, pero parang hindi ko kaya. Nahihiya ako nang sobra rito. “Ikaw si Gabriel, ’di ba?” kaswal na tanong ni Allen sa lalaki na nang sulyapan ko ay walang kangiti-ngiti. Nakakunot ang noo nito na tila hindi nagustuhan ang pagiging malapit namin ni Allen. “Yeah,” salat sa emosiyon na anang Gabriel na ikinatuyo bigla ng lalamunan ko. Bumaling ito sa akin nang walang kangiti-ngiti kaya para akong kinabahan. “May pupuntahan kayo?” Ilang akong tumango rito at napatungo. “A-Ahm, oo. Manonood ng laro nila.” Sabay turo kay Allen at sa tropa nito. “Where?” Hindi na talaga ito natutuwa. Kung makatingin, parang gusto akong ilayo roon. “Sa dulo. Sa may court.” Pinasadahan ko ito ng tingin na nakapamulsa. “Ahm, ano, hindi muna ako sasabay sa lunch ninyo. Pasensiya na.” Gosh. Bakit pagdating sa kaniya, parang ang galang ko nang magsalita? Walang emosiyon itong tumango sabay baling sa mga kasama niya. “Samahan ko muna. Kayo na ang bahala magpaliwanag,” aniya na ikinabigla ng mga ito. “Gab, are you serious?” Si Lance na nanlalaki ang mga mata, isa sa dalawang kaibigan ni Gabriel. “Yeah,” tipid nitong turan sabay baling sa akin. Natigilan naman ako nang lumapit ito sa akin. “A-Ano?” tanong ko nang titigan niya ako. Tipid itong ngumiti bago marahang kuhanin ang pulso ko. “Tara, sama ako.” “Ha?” natitigilang bulalas ko. “Wala ka na bang klase?” Matagal bago ito tumango na ikinataka ko. Nagsitikhiman naman ang mga kasama nito sabay tawa nang mahina. “Damn you, cous. Huwag ka lang papahuli kay Tita,” anang Josiah sabay hatak sa mga kasama niya palayo. Kumindat pa ito nang pasimple sa akin habang may kakaibang ngisi sa mga labi. What the heck? Muli kong pinasadahan ng tingin si Gabriel na nakaiwas ang tingin sa akin. “Sure ka na wala ka nang klase?” paniniguro ko pa na agad nitong tinanguan. Nagkibit-balikat na lang ako bago kami magtungo sa court. Nakikiramdam lang ako sa lalaking nakahawak sa pulso ko habang tinatahak namin ang kahabaan ng kalsada. Mukhang na-awkward-an din ang grupo ni Allen. Panay ang bulungan ng mga ito na nauuna sa amin. “Kayo na?” lingon sa amin ni Allen na agad kong sinamaan ng tingin. “Hindi!” sagot ko sabay hila ng pulso mula kay Gabriel. “Eh?” natatawang aniya sabay ngisi nang nakakaloko. “Akala ko kayo na talaga, e. Ang sweet niya kasi sa iyo.” “Allen!” sita ko rito na lalong natawa. Ayaw ko na ngang pag-usapan pa iyon, e! “Nagtataka lang din naman ako, Maria. At saka sabi mo sa akin noon, type mo ang medyo bad boy na umiigting ang panga. Kaya napapaisip ako kung nagkagusto ka na ba sa isang good boy.” Sa inis ko ay bumunot ako ng damo na makati-kati kapag tumama sa balat at saka ito hinabol. Tawang-tawa naman ang mga ito na naghiwa-hiwalay palayo sa akin. “Eto naman si Master, hindi na mabiro!” gatong pa ni Junie na panay ang tawa. Inirapan ko ang mga ito bago pasimpleng ibalik ang tingin kay Gabriel na nahuli kong nakatingin sa akin. Seryoso pa rin ang mukha nito kaya nailang na naman ako. Gosh. Bakit ba siya ganito makatingin? Pagdating namin sa court ay may mga estudyante na roon na naglalaro ng basketball. Naghiyawan pa ang mga ito nang makita kami at itinigil ang paglalaro ng bola. “Long time no see, Nica Tisay!” anang matangkad na lalaki pagpasok namin sabay akbay sa akin. Napalayo tuloy ako kay Gabriel na natigilan sa ginawa sa akin. Diri ko itong itinulak. “Ew. Puro ka kaya pawis, Elson.” Humalakhak naman ito bago guluhin ang buhok ko. “Hindi ka pa rin nagbabago. Ang arte mo pa rin.” Napaismid ako. “Ikaw nga, pangit pa rin,” pangbubuwisit ko rito. “Ganda mo talaga, Maria!” sigaw ng isang lalaki sa kabilang panig ng court na agad tinudyo ng mga kasama. “Edi shing!” sagot ko. “Nood kayo? Libre na namin ang meryenda,” ani Elson sabay hila sa akin palabas. Sobrang tangkad nito. Hanggang dibdib lang ako at moreno pa dala ng pagbibilad palagi sa araw. Dinaig pa ang daing. Laking bulas talaga at hindi aakalain na grade eleven lang ito. Kung sa tangkad, nakikipagsabayan ito kay Gabriel. Pero kung kapogian ang usapan, lamang si Gabriel. Pagtapat namin sa street vendor na nagluluto ng mga street foods ay napangiti ako. Naalis lang ang akbay sa akin ni Elson nang dumukot ito ng pera sa wallet niya. “Veronica.” Pagkakuha ko pa lang ng stick ay narinig ko na ang tawag sa akin ni Gabriel na nasa likod ko pala. “Bakit? Gusto mo rin?” takang tanong ko. Nagtataka rin ako at parang ang sama ng mood nito ngayon. Ilang segundo pa ako nitong tinitigan nang matiim bago tumabi sa akin at pasimple akong hinigit palayo kay Elson. “Whoop! May nagseselos dito, par!” anang Allen na muntik pa akong talsikan ng laway. Sumimangot tuloy ako bago tumuhog ng fishball. At mukhang huli na nang mapansin ni Elson na kasama namin si Gabriel dahil natigilan ito nang mapansin ang lalaki sa kabilang gilid ko. “Huh? Pasensiya na, hindi ko napansin na kasama n’yo pala siya. Akala ko kasabayan n’yo lang pumasok kanina sa court,” anito sa mababang tono at kumuha ng plastic cup at tumuhog. “Kaano-ano mo pala si Gabriel, Nica?” baling nito sa akin na ikinataka ko. “Kilala mo pala si Gabriel, Elson?” Nagkamot ito ng batok at tumawa. “Oo, kilala kasi siya sa school. Nakikita ko rin madalas na natambay sa tabi ng senior high building.” Pareho kaming natigilan tatlo ni Kimmy at Gabriel dahil sa huling sinabi ni Elson. Ngingisi-ngisi tuloy ang gaga sabay pasimpleng sundot sa akin. “Ehem. May maganda kasing tanawin doon sa senior high building kaya roon tumatambay si Gabriel,” anang Kimmy na kilig na kilig. Parang gusto ko tuloy itong sabunutan. “Kuya, sampung piso na kikiam at fishball sa akin. I-charge mo na lang sa kapreng ito.” Sabay nguso kay Elson na natawa sa itinawag ko sa kaniya. Pero natigilan ako nang si Gabriel ang nag-abot ng bayad na limang daan. “Let her eat whatever she wants, Manong. Iyo na ang five hundred.” Nanlaki tuloy ang mga mata ko at muntik pang maibuga ang kinakaing fishball. “Huy!” pigil ko sa lalaki na masiyadong rich kid. Hindi ako nito pinansin at nakikain lang sa baso ko na ikinagimbal ko lalo. Iyong stick na ginagamit ko, iyon din ang ginamit niya. Sa huli ay pinakyaw namin ang halos lahat ng paninda ni Manong bago maupo sa loob ng court. May juice pa kami kaya tuwang-tuwa kami ni Kimmy. “Suwerte mo talaga kay Gabriel, Maria. Huwag mo nang pakawalan ang isang ’yan,” bulong ni Kimmy sa tainga ko na ikinahagikgik ko. Sa tabi ko ay si Gabriel na kanina pa walang imik at mukhang hindi rin interesado na manood ng laro. “Uy,” pukaw ko rito na nakatingin lang sa unahan at mukhang malalim ang iniisip. Nilingon naman ako nito, salubong ang mga kilay. Gusto ko tuloy matawa sa reaksiyon ng mukha nito. “Kain ka muna para mawala ang init ng ulo mo,” wika ko sabay lapit sa bibig niya ng fishball na isinawsaw ko sa matamis na sawsawan. Tinitigan pa muna ako nito bago iyon isubo. “Thanks.” “Ang lalim ng iniisip mo, a. Bold siguro ’yan,” tudyo ko na ikinatiim-bagang nito. Kaya lang ay nagtaka ako nang bahagyang tumalim ang tingin nito sa akin. “Matagal na kayong magkakakilala?” aniya na ang tinutukoy ay ang grupo ni Elson. Marahan akong tumango sabay subo ulit sa kaniya. “Oo. Nakakasalamuha ko madalas ang mga maaasim na ’yan sa school, ang iba ay tagaroon lang din sa amin.” “E, ’yong mga lalaki kanina na kasama mong lumabas ng building?” May maliit na ngiti na sumilay sa akin. “Si Allen na kausap ko kanina? Kaklase ko iyon. Ang mga kasama naman niya ay kaibigan niya sa kabilang section iyon.” Hindi na ito nagsalita sa sinabi ko at tumango na lang. Hindi naman ganoon karami ang mga nanonood doon dahil laro-laro lang nila iyon. Kahit mga naka-school uniform pa ang iba, naglaro pa rin ng basketball. Ang labas tuloy ay mukha silang mga ginahasa pagkatapos. Pawis na pawis din ang mga ito kaya hindi na ako lumapit. Ang dami kong kinuha kanina na fishball at kikiam para sulitin ang limang daan ni Gabriel. Ganoon din si Kimmy na tuwang-tuwa sa libre. “Nica!” tawag ni Elson sabay lapit sa amin. “Oh?” “Sabay ka sa amin pauwi? Uuwi na rin kami ngayon, e. Ganda ng laro namin, ano?” Tumango ako sabay sipsip sa straw ng palamig. Sumang-ayon na lang ako kahit na wala naman akong naintindihan sa laro nila. “Sig—” Naputol agad ang sasabihin ko nang umeksena si Gabriel. “Ihahatid ko si Veronica.” Doon nawala ang ngiti ni Elson at napatikhim. Na-awkward-an ito hilaw na natawa. “Ahm, bakit hindi na lang tayo magsabay-sabay? Tagaroon din naman kami banda sa tinitirhan ni Nica,” aniya na hindi naman inimikan ni Gabriel. “Next game ulit, Veronica, ha! Dayo ka rito!” sigaw ng isang lalaki na kinindatan ko lang. “Luh! Si Gino, tinamaan din kay Nica!” dinig kong bulong ng isang tropa ni Elson sa kaniya. “Dami ko palang kaagaw . . .” Takang binalingan ko si Gabriel na bumulong. Kinakausap ata ang sarili. “Hoy, nagri-ritual ka na naman,” puna ko ngunit naglapat lang nang mariin ang mga labi nito. Binalingan ko na lang si Allen sa gilid ko at siniko ito. “Magka-college ka?” Ngumisi ito bigla. “Hindi, mag-aasawa na agad ako,” sagot niya kaya nakatikim siya ng isang malutong na pitik sa braso mula sa akin. “Aray!” “Ni hindi ka nga marunong maglaba nang maayos, tapos pag-aasawa na agad ang iniisip mong timang ka,” sita ko rito na naging dahilan ng halakhak nito. Inakbayan ako nito kaya napalayo ako kay Gabriel na nakamasid lang sa amin, napakaseryoso. “Biro lang. Hot mo naman masiyado,” ngising aniya. “Ano pala ang pabango mo, Maria?” Umalsa ang kilay ko sabay amoy sa sarili. Muntik pa akong mahimatay. Char! OA! “Formalin. Bakit, gusto mo rin?” “Loka ka talaga. Kailan pa naging pabango iyon?” tawang-tawang aniya na inismiran ko. “Bakit ang puti mo, Maria? Nagmana ka siguro sa Mama mo, ano?” sabat ni Jepoy sa likuran namin na bahagya kong ikinatigil. Pagak akong natawa habang napapailing nang makahuma. “Aba, malay ko!” kaila ko. “Hindi mo kasi masiyadong kamukha si Tito Dante, e. Kaya baka sa nanay mo ikaw nagmana. Maganda rin siguro iyon,” aniya pa na muntik nang ikatirik ng mga mata ko. “Sino ba ang nanay mo?” tanong pa ng isa na hindi ko sinagot. Ibinaling ko lang ang atensiyon sa unahan. Si Kimmy ang sumabat. “Kamag-anak lang ni Gobernadora. Kaso ’di mahal si Maria.” Muntik ko na tuloy masakal si Kimmy. Tawang-tawa pa ito na ikinairap ko na lang. “Ano name, Kim?” usisa pa ni Jepoy na agad kong binato ng napulot kong maliit na bato. “Isa pang tanong, Jep. Kakatayin na talaga kita,” banta ko pa. Ngumisi ito. “Gusto lang naman naming malaman kung ano ang pangalan at hitsura.” Inismiran ko ito at ayoko nang makarinig ng isa pang tanong patungkol sa nanay ko sa mga oras na iyon. Mabuti na lang din at nanahimik na ang mga ito. Nawalan na ako ng gana matapos niyon at napatiim-bagang na lang sa sama ng loob. Kaso pagdaan namin sa bahay ni Kimmy ay tumigil kami. “Birthday pala ni Kenneth ngayon, ano?” naitanong ko sa babaita na tumango-tango. “Ano? May inuman sila. Tara, sama tayo,” aya nito sa amin na ikinatuwa ng grupo ni Allen at Elson. “Yown! Tara!” anang Allen bago balingan si Gabriel na nakamasid lang sa mga nag-iinuman sa tapat ng bahay ng pamilya ni Kimmy. “Game ka, Gabriel?” Agad akong humarang sa mga ito at inilingan si Allen. “Baliw! Good boy ito, huwag ninyong ayain sa mga ganiyan,” sita ko sabay baling kay Gab. “Uwi ka na. Salamat pala sa libre, ha.” Bumaling ito sa akin, nakalapat nang mariin ang mga labi at tila nag-iisip. “I’m in.” “A-Ano?” Tila ako nabingi roon. Nang mapagtanto ang nais nito ay nanlaki ang mga mata ko. “Hoy! Bawal ka! Baka pagalitan ka ng parents mo!” Oo at bad influencer ako sa mga kasama ko, pero hindi ko naman maaatim na isama pati sa kalokohan si Gabriel. Papaano na lang kapag nalaman ng parents niya na sumasama sa inuman ang good boy nilang anak? Tapos ako ang itinuro na dahilan? Edi malilintikan ako! “No, I really want to . . .” “Bawal nga! Letse ka!” kabado kong putol na ikinangiti nito. “Hayaan mo na, Maria. Baka gusto niya rin talagang sumubok ng ibang bagay,” anang Allen na ikinatigil ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD