Kabanata 5

3113 Words
Veronica Nakangiti nitong inilapag ang mga binili. Nagtaka pa ako nang tumama ang tingin ko sa dalawang plastik ng ulam at kanin na itinabi niya. Mukhang napansin niya rin ang pagtataka ko kaya napahawak ito sa batok. “Uhm, para kay Kimberly iyan.” Wait? Seryoso ba talaga siya? “Huy, alam mo, nahihiya na ako,” sabi ko rito na natigilan. “Why?” “Hindi ka ba pinapagalitan ng parents mo dahil lagi mo kaming nililibre ni Kimmy? Baka maubos ang allowance mo niyan.” Kahit naman siguro ako kung may malaking halaga na allowance, kapag puro gastos ay nanghihinayang din ako. Pero nang ngumiti ito at sumagot ay tuluyang nawala ang alinlangan ko. “This is my own money, Veronica. Hindi ako nanghihingi ng allowance sa parents ko.” “Talaga? E, saan naman nanggagaling ang pera mo?” Sa sunod nitong sinabi ako napatanga nang sobra. “I have my own clothing line.” “Oh, e, dapat bentahan mo ako ng mga damit mo!” paghahambog ko sabay kunwaring labas ng cash at ipinalipad iyon sa ere. Natawa naman ito sa nasaksihan. Kumain na rin kami matapos niyon. Hanggang sa mabilis na lumipas ang mga araw at linggo. Patuloy lang ako sa pag-aaral, habang nililibre pa rin ako ng agahan, tanghalian, minsan pa ay hapunan ni Gabriel. Wala naman itong sinasabi na takot siyang magutuman ako, pero ang mga pinsan niya at kaibigan, iyon lagi ang bukambibig sa akin. Araw ng Biyernes n’yon, idineklarang walang pasok dahil sa activity na gaganapin sa school. Plano na namin ni Kimmy na mag-jogging niyon dahil wala naman kaming gagawin. Maglalaba lang ako mamaya dahil abala na ako sa Sabado at Linggo. “Kimmy!” kalampag ko sa pinto ng bahay nito. Alas cinco pa lang kaya madilim-dilim pa. Naka-ready na ako suot ang aking leggings na itim, saka t-shirt na puti. Wala na akong ibang dala maliban sa wallet para may pambili ng tubig at makakain mamaya. “Kimmy!” Mukhang tulog pa ata ang bruha na iyon. Siya itong ang lakas-lakas magyaya na mag-jogging kami, e! Sa ikatlong katok ko ay bumukas na ang pinto. Pero si Tita Lany iyon na nanay ni Kimmy. Nakangiti ko itong binati sabay tanong na rin kung gising na ba si Kimmy. At doon, nalaman ko ngang tulog na tulog pa ang babae. Napakamot na lang ako ng sentido bago pumasok at gisingin ang babaita. Agad naman itong nagising at nagbihis. “Oh, bakit parang tinatamad mag-jogging? Nasaan na ’yong plano kahapon na tuloy-tuloy na ang pagpapapayat mo?” sabi ko rito matapos naming makapagpaalam kay Tita Lany. Napakamot tuloy ito ng ulo. “Lamig kasi, e. Nakakaantok.” Inismiran ko ito bago mag-umpisang maglakad. “Saan tayo ngayon nito?” “Doon na lang sa park! Tiyak na wala masiyadong tao roon,” suhestiyon niya na agad ko namang tinanguan. Tulad ng plano, doon kami nagtungo. Lakad lang kami ng lakad papunta sa park. Pagdating namin doon ay saka lang kami nag-umpisang tumakbo paikot sa buong park. Inabot pa kami ng isang oras sa pagja-jogging na may halong lakad, bago kami makabalik sa entrance ng parke. Pero nagulat ako nang kalabitin ako ni Kimmy sabay nguso sa grupo ng kalalakihan na nakatambay sa gilid. “Si Gabriel, o! Kanina pa nakatitig sa iyo!” marahas nitong bulong na ikinatulos ko sa kinatatayuan. Daglian kong nilingon ang itinuturo nito at ganoon na lang ang pagkagulat ko nang mapansin na naroon nga si Gabriel, kasama ang tatlong pinsan nito. May mga bitbit silang mga malalaking aso! Letsugas! Gusto ko sanang umiwas dahil alam kong manunukso na naman ang mga pinsan niya, pero huli na dahil kanina pa pala nakatingin ang mga ito sa amin. Malay ko ba naman kasi na naroon pala sila?! E, nasa harapan lang naman ang atensiyon ko kanina! “Miss Ganda!” sigaw ni Kian na pinapalapit kami roon. Bigla na lang akong naasiwa sa mga tingin na ipinupukol ni Gabriel. Hindi ba talaga nito mapigilan ang paghanga sa kagandahan ko? Bakit kailangan pa talagang lantaran? “Hello! Nag-jogging kami ni Maria, e! Nandito pala kayo!” anang Kimmy na hindi na napigilan ang ngiting malandi sa mga pinsan na mestiso ni Gabriel. Pasimple ko itong hinatak palayo dahil baka kung ano na naman ang isiwalat nito. “Oo nga, e. Lagi kaming natambay rito kapag walang pasok. Lagi ba kayong nagja-jogging dito?” Si Lucio. Umiling ang kasama ko sabay tawa. “Hindi, e. Ngayon lang kasi natuloy ang jogging namin.” “Ah, ganoon ba,” anang Lucio sabay baling kay Gabriel na nakatanga pa rin sa akin. Siniko niya iyon na ikinatikhim ng huli. “Kausapin mo na,” dinig kong bulong nito sa namumula na ngayong lalaki. Bumaling ito sa akin sabay hawak aa batok. “Uhm, tapos na ba kayo mag-jogging?” Sa akin ito nakatingin kaya ako na ang sumagot. “Oo, e. Nilibot na namin ang parke. Pauwi na rin sana para mag-almusal.” Ngumiti naman ito at tumayo. “Sama na kayo sa amin. Maglalakad-lakad kami riyan sa labas,” aya nito kaya nilingon ko si Kimmy na dali-daling tumango. Inismiran ko ito nang pabiro dahil halata namang may crush sa mga pinsan ni Gabriel. Sumama kami rito. Nilagyan lang namin ng distansiya ang pagitan dahil baka sakmalin kami ng mga aso nilang malalaki. Nadaanan pa namin ang school na maingay sa loob. Nang silipin ko ay palakad-lakad doon ang mga guro. “Veronica,” mahinang tawag sa akin ni Gabriel na ikinabaling ko rito. “Dito ka. Hindi naman nangangagat ang aso ko,” dagdag pa niya. Lihim tuloy akong napangiwi. Wala akong hilig sa aso, lalo naman kung hindi pamilyar sa akin. Takot ako at baka sakmalin ang legs ko. Lumapit ako kay Gabriel at hindi naman ako pinansin ng aso niya kaya nakahinga ako nang maluwag. “Bakit?” tanong ko at tumabi rito. Hindi ito umimik at inilapit lang lalo ang sarili sa akin. Sa kabila nito ay ang aso niyang parang lobo. Kaso, sa katitingin ko sa aso niya ay nagulat na lang ako nang may malaki na kamay na humawak sa kamay ko. Napatingin tuloy ako kay Gabriel na nasa unahan lang ang tingin. Pero halata na kumikislap sa tuwa ang mga mata nito kahit hindi nakaharap sa akin. Sisitahin ko sana ito lalo’t hindi kami pansin ng mga kasama niya dahil nahuhuli kami. Kaya lang ay parang ako na ang nahiya. Shems. Para kaming magkarelasiyon na magkahawak kamay sa daan. Iyong mga nakikita ko sa daan na mga couple na kinaiinisan ko dahil maliban sa ang bagal maglakad at sabagal sa dinaraanan ko, ang sakit din nila sa mata tingnan. “Saan mo gustong kumain?” Marahan kong nakagat ang ibabang labi sa tanong nito. Kung umasta naman ito, parang boyfriend ko. Ang feeling niya, ha. “Kehet sheen leng,” pag-iinarte ko sabay halakhak nang kumunot ang noo nito. Napalingon tuloy sila sa amin at nabigla nang makita ang magkahawak na kamay namin. “Nice one, bro,” kantyaw ni Josiah. Nagulat na lang ako nang pagtingin ko kay Kian ay nakatutok na sa amin ang phone nito. Huli na para makatakas pa mula sa camera nito dahil naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa akin ni Gabriel nang mapansin na balak kong lumayo. “Nice shot. Ipa-print mo ito, pre,” anito sabay pakita sa amin ng picture. Halos mag-usok ako sa inis at kahihiyan dahil nasaktuhan pa na nakatingin ako sa kamay naming magkahawak dahil sa pagyuko ko kanina habang nakakunot ang noo. Nakangiti naman sa litrato si Gabriel at nakatingin sa camera. “Loko ka, a! Huwag mong ipagkalat iyan at malilintikan ka sa akin,” banta ko rito. Wala akong pakialam kung mas matanda ito sa akin. Babanatan ko talaga ito kapag kumalat ang litrato na iyon. Imbis na tumigil ay tinawanan pa ako nito sabay tago ng phone. “Ang sweet-sweet n’yo nga sa picture, e.” Gigil ko itong tiningnan. Nang maibalik kay Gabriel ang tingin ko ay sinamaan ko ito ng tingin. “Bitiw na nga! Nasasarapan ka na, e.” Bumitiw naman ito pero pangiti-ngiti na. Sa isang karinderya kami napadpad. Kami pa lang kustomer doon kaya tahimik. “Ano sa iyo?” Naks. Libre ulit. Itinuro ko ang lugaw na may karne ng manok with egg at napangiti. “Got it. Upo ka na roon,” aniya kaya sinunod ko ito. Ang mga aso nilang dala ay itinali sa labas ng karinderya. “Suwerte mo talaga sa mapapangasawa mo, Maria. Hindi ka gugutumin,” hagikgik ng katabi kaya mahina ko itong pinitik sa noo. “Edi shing!” “Alam mo, hindi mahilig sa babae ’yang si Gabriel,” bulong naman ng nasa kabilang gilid ko na ikinatingin ko rito. “Ha? Ano naman ngayon?” takang tanong ko kay Lucio na nakangiti. “Hindi mahilig sa babae ’yan si Gabriel. Kaya nagulat kami nang ayain niya kaming tumambay sa garden s—” Tumigil ito nang sikuhin ni Kian at sinenyasan na nariyan na si Gabriel. Nabitin na naman tuloy ako. “Here,” anang Gabriel sabay lapag ng natipuhan kong pagkain. Nanuot sa ilong ko ang amoy ng lugaw kaya lalo akong natakam. “Birthday ni Gabriel next week,” siwalat ni Lucio na tumikhim-tikhim pa. Nanlaki tuloy ang mga mata ko. “Hala! Invited ba kami sa handaan?” Kinapalan ko na ang mukha ko. Sayang din iyon kung may kainan. Nagtawanan ang mga ito. “Ah, yes. Your presence is much appreciated,” banat ni Gabriel kaya naghalakhakan ang mga kasama namin at tinukso-tukso kami. Halos lumubog naman ako sa hiya. Much appreciated daw? Grabe naman iyon! Napatakip tuloy ako ng bibig. Gosh. Nagharutan pa ang mga ito bago kami matapos sa pagkain. Busog na busog na naman si Kimmy na hindi na naalala ang plano niyang magpapayat. “Mahilig ka sa aso?” tanong ko sa lalaki nang maglakad-lakad kaming muli. Marahan naman itong tumango sabay ngiti sa akin. “Yeah. Ikaw?” Daglian akong umiling. “Hindi, e. Wala akong hilig sa mga hayop. Pero may pusa sa bahay namin. Nakitira na lang bigla.” Nag-smile na naman ito. Gosh. Bakit ba ang bait-bait ng mukha nito? “Cats can give people pure happiness. Nakatadhana siguro siya sa iyo para pasayahin ka kahit may galit ka sa mundo,” aniya na ikinamaang ko. Napagtanto ko rin ang bagay na iyon nang sabihin niya. Tama siya. Si Rosalinda ang nagbibigay ng kasiyahan sa akin, lalo na kapag nag-iisa ako sa bahay. Kahit ang daming problema, napapatawa pa rin ako ni Rosalinda. Kahit na hindi naman masarap ang ulam sa bahay namin, nananatili pa rin siya roon—nagtyatyagang maghintay sa pag-uwi ko. Kahit wala siyang cat food, excited pa rin siya sa tuwing kakain at laging sinisimot ang mga ibinibigay ko sa kaniya. Napag-isip-isip ko rin na masuwerte na rin pala ako sa pusang iyon dahil hindi maarte sa pagkain. Hindi rin ma-attitude. Kahit halatang wala sa mood minsan, hindi ito umaangal kapag hinaharot ko. Aw. “Naku! Magiging lola na pala ako. Buntis kasi iyon, e.” Kinagat ko ang hintuturo at kinabahan sa katotohanang iyon. Kinakabahan ako sa panganganak ni Rosalinda. Tao nga na nanganganak ay ayaw na ayaw kong makita. “Tawagan mo ako kapag manganganak na siya, ha? I will come right away to help you,” aniya kaya napatulala ako rito. Sabagay, nag-take siya ng course na related sa panggagamot at pag-aalaga ng mga hayop. Malamang ay alam niya ang mga ganitong bagay. May number na rin naman niya ako kaya walang problema. Napangiti naman ako. At least ay hindi na ako mangangamba. “Sige. Pero ano ba ang senyales na manganganak na ang pusa?” “When you notice it panting, or when they become very vocal, and their nesting behavior begins. Gawan mo ng nesting place ang alaga mo. Kahit iyong karton lang,” aniya na tinanguan ko. “Ilang buwan na ba ’yong buntis?” Kibit-balikat ako. “Malay ko, e. Hindi ko rin kasi napansin noong una. Basta nakita ko na lang na lumulobo na ang tiyan niya. Akala ko nga busog lang.” “Their pregnancy is only up to two months. Baka malapit na ring manganak ang iyo,” aniya pa kaya muli akong napatango-tango. “Yes, doc. Everything is noted.” Nilingon ako nito, kinunotan ng noo bago matawa. Hindi naman ito umimik kaya natahimik na rin ako. Pero mayamaya lang ay lumingon na naman ito at nagtanong. “You’re eighteen, right?” paninigirado nito na agad ko namang tinanguan. Ngumiti lang ito bago muling mag-iwas. Pero pakshet, may daraang motor sa gilid namin na pamilyar na pamilyar sa akin. May angkas iyon at parehas mukhang riding-in-tandem. Puro mga naka-helmet pa. Malalaki ang katawan ng mga ito kaya talagang iisipin ng iba na nakakatakot. Huli na para makaiwas pa dahil akala ko ay daraan lang sila. ’Yon pala ang may plano sa akin. Bahagyang bumagal ang takbo niyon pagtapat sa akin sabay hablot ng nasa likuran sa braso ko. “Luh!” react ko agad. Sinamaan ko ito ng tingin, pero nang iangat nito ang salamin ng helmet at bumungad sa akin ang masasamang tingin ay para akong tutang napalo. Hinigit nito lalo ang braso ko sabay sulyap sa mga kasama ko na nakakunot ang noo. “Sino ’yang mga ’yan?” tukoy niya kay Gabriel at sa mga pinsan nito. “Mga nag-aaral ’yan sa school na pinapasukan namin! Nakita namin sa park kanina kaya nagsabay na kami pauwi tutal friend namin ’yan sila,” katwiran ko pero mukhang hindi ito naniwala. Binalingan ko ang nagda-drive na tumawa. Boses pa lang ay si Tito Steve na. Tss. “Kaibigan? Bakit may nagsumbong sa akin kanina na nakita kayong magka-holding hands ng isa sa mga ’yan? Iyong mestiso raw,” pagalit na nitong turan kaya namutla ako sa kaba. Dinig kong napaubo ang mga kasama ko kaya lalo akong natuyuan ng laway. May nakakita sa amin? Sino naman? “Hayaan mo na ang mga kabataan sa mga ganiyan, pre. Natural lang na maglandi ang mga tao,” sabat ni Tito Steve na agad tinutulan ni Kuya Damian. “Gusto mong loko-lokohin at buntisin ng kung sino-sinong lalaki ang kapatid ko? Tapos ano? Iiwanan?” dinig kong bulong nito sa kasama na narinig ko naman. Halos mag-usok tuloy ang ilong ko rito. “Hindi naman ako naglalandi, Kuya! Kaibigan nga lang namin sila!” depensa ko rito. Napasimangot tuloy ito at binitiwan din ako. “Siguraduhin mo lang, Veronica. Oras na makarinig ulit ako sa iba na may ka-holding hands ka ay isusumbong na kita kay Papa.” Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang makaalis na ang mga ito. “Your brother?” lapit sa akin ni Gabriel at kinuha ang braso ko. Pasimple niya iyong pinasadahan ng tingin bago ako harapin. “Oo, ’yong kumausap sa akin, kuya ko iyon. Pero ’yong isa, hindi ko kapatid ’yon. Mukhang barumbado ’yon, e,” simangot kong sagot na ikinatahimik nito. Napahinga na lang tuloy ako nang malalim, saka tiningala ang matangkad na lalaki. “Uuwi na kami, Gabriel. Salamat pala sa libre, ha.” Ngumiti lang ito sabay haplos sa buhok ko. “Take care . . .” “Ayiee! Take care raw!” tudyo ni Kimmy habang nasa daan kami pauwi. Napadaan pa kami sa bilihan ng mga pagkain ng hayop kaya napatigil ako sa paglalakad. Bilhan ko kaya si Rosalinda ng pagkain ng pusa? Parang kawawa naman kasi iyon. Buntis pa naman. Napatingin tuloy ako sa wallet ko. May pera pa naman ako. Halos hindi na nga iyon nababawasan dahil palagi akong nililibre ng pagkain ni Gabriel. Simula nang sabihin ko noon na ang sarap ng unang bigay niya na almusal, naging sunod-sunod na iyon kaya hindi na ako nag-aalmusal dito sa bahay. Ang tanghalian ko ay sagot niya rin palagi. “Pabili!” turan ko at naghanap ng tingin ko ay masasarapan si Rosalinda. Salmon flavor, tuna, chicken . . . Ano kaya ang masarap? “Oh! First time mong bumili rito, Ganda, ah,” anang binata na si Popoy. Anak ng may-ari ng tindahan na si Aling Linda. At proud pa talaga ito nang lumabas na topless. Halatang-halata ang buto-buto. “Pabili ng pagkain ng pusa,” walang gana kong turan sabay labas ng fifty pesos. “Ubos ’yan. ’Yong tuna.” Tumango naman ito pero nakasimangot na. “Maldita talaga.” “Hoy! Narinig ko ’yon!” Parang nagdadabog pa ito nang magsandok ng pagkain. “E, ano naman? May dine-date ka na ba?!” Aba’t! Naninigaw pa, a! “Hoy, Popoy! Huwag ka ngang nagagalit diyan! Wala ka namang karapatan kay Maria!” asar na sabat ni Kimmy. “MaRiel lang ang dapat na isi-ship!” Kunot-noo ko tuloy itong binalingan. “Anong MaRiel?” Hinampas ako nito sa braso na ikinalaki ng mga mata ko. Ang sakit niyon, a! “Tangeks! Maria at Gabriel iyon!” Natigilan ako, makaraan ay natuptop ang bibig. Gosh. Bakit ako nakakaramdam ng kilig? “Sino’ng Gabriel na ’yan?” singit ni Popoy na tumalim na ang tingin sa akin. “’Yan ba ’yong naghatid sa ’yo sa inyo noong nakaraan?” Hindi na ako umimik nang maging spokesperson ko na si Kimmy. “Oo, iyon nga. Pogi ’yon, mabango at mayaman. Plus, medyo may pagka-macho pa. ’Di tulad mo! Kaya huwag ka nang umasa na papatusin ka ni Maria.” “Edi ’wag!” sigaw nito sabay abot sa akin ng plastik na may cat food. “Hindi rin naman ako papatol sa babaeng pa-easy! Mana siguro sa nanay!” Sa narinig ay napantig ang tainga ko. “Hoy, gago! Ang pangit mo, tanga!” asar kong ganti dahil nag-iinit talaga ang ulo ko kapag sinasabi nilang mana ako sa nanay ko. Bakit? Kilala ba nila iyon para sabihin nilang nagmana ako roon?! Wala akong minana roon! Dinuro ko ito sa galit. “Kaya walang pumapatol sa iyo kasi ang pangit mo pati ng kaibuturan mo! Mabaog ka sana, walis tambo!” pandadali ko pa ng asar sa buhok nitong parang walis tambo dahil kinulayan ng dilaw at medyo mahaba. “Pag-igihan mo pa ang pagdadala ng mga lalaki sa inyo! Diyan ka yayaman sa pagiging pokpok!” pahabol pa nito kaya napigtas na nang tuluyan ang pasensiya ko. Hinawakan pa ako ni Kimmy sa braso pero nagdire-diretso na ako papunta sa lalaki at pinatumba ito sa isang malakas na suntok. “Sa susunod na sabihin mo pa ’yan, di lang suntok ang aabutin mo sa kin, tambo,” matigas kong turan bago ito iwanan doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD