Veronica “’Tay naman! Ang sakit, a! Ipinambayad ko naman iyong pera sa hospital bill at mga gamot mo, a!” hindi ko mapigilang bulalas nang kurutin na naman ako nito. “E, bakit pinagtataguan mo ang pinagkakautangan mo? Balak mo bang sumunod sa mga kapatid mo at iwan ako rito?” Sa sinabi nitong iyon ay napanguso ako at lumamlam ang mga mata. Umiling agad ako. Umayos na lang ako ng upo at tumungo. “By the way, this is my uncle, Veronica. Tito Leonardo Marquez. Just call him Tito Leo,” pakilala bigla ni Gabriel sa uncle niya. Saka ko lang din napagtanto na ito pala ’yong pulis na tito niya na ginagawang panakot sa akin ni Kimmy noon. After eight years, ngayon ko lang ito nakita. Matipuno at bagamat nakangiti sa akin ay makikitaan ng katapangan at mukhang respetado. At saka, haler?! B

