Veronica Present . . . “Waaa! Osang! Osang!” Kinalampag ko ang pinto ng bahay ng kapitbahay habang mangiyak-ngiyak. Hatinggabi na pero hindi ko na ata kayang ipagpabukas pa ang gusto kong mangyari ngayon. Kahahatid lang sa akin ni Gabriel mula sa restaurant at hindi ko na ito inimik mula nang malaman ko na bistado na ako nito. Nais pa ako nitong bigyan ng pera na kapalit sa pagkuha niya sa akin sa car wash kanina pero hindi ko na tinanggap. Ayoko na siyang makita! At saka bakit niya ako bibigyan ng pera, e, alam naman niyang hindi ko pa siya nababayaran sa perang inutang ko sa kaniya noon?! Nakakatuwang marinig na natupad na ni Gabriel ang mga pangarap para sa kaniya ng pamilya niya na mag-abroad at doon magpayaman. Sa Spain pa nga. Pero tila imposibleng hindi siya magkaroon ng asawa

