EPISODE- 2

1194 Words
RAVEN POV. MAGMULA nang gabing ‘yon ay nangako ako sa aking sarili na si Nica Angelic, ang babaeng magiging ina ng aking mga anak at siya ang babaeng nakatakda para sa akin. Ang babaeng kaisa-isang bibigyan ko ng aking pangalan. “Pare, kung ano man ang yung iniisip ay kalimutan mo na dahil napakaraming babae upang ang pinsan ko ang pag-interesan mo. Dahil kahit mag best friend pa tayong dalawa ay hindi ako mangingiming kalabanin ka. Kung mapapabilang lang sa mga collection mo ang pinsan kong si Angelic." “Dude, bakit ‘yon ang iniisip mo sa akin para namang hindi mo ako kilala, matagal na tayong magkaibigan at kilala mo naman ako ‘di ba?” “Tama ka kilalang kilala kita kaya nga ayaw kong lumalapit ka sa pinsan ko dahil alam ko ang mga ganyang da-moves mo.” “So, alam mo rin ba ang laman ng puso at isipan ko?” “Yes, kahit dulo ng daliri mo at amoy ng yung utot ay alam na alam ko na may pinaplano ka. Kaya kung ayaw mong tuluyang masira ang pagkakaibigan natin ay huwag ang pinsan ko. Ang isipin o balakin at kahit ang pagpantasyahan ay huwag mong gawin, sapagkat hindi siya kagaya ng mga babaeng humahabol lagi sa’yo." “Hindi ba at may kasabihan naman? People change for the two main reason, lalo pa at natagpuan na ang babaeng mamahalin ko?” “Huwag mo akong papaniwalain sa ganyan katamis mong dila, just leave her alone at wala tayong pag-uusapan pa.” Tinitigan ko si Xion, ang kaisa-isang kaibigan para sa akin at alam kong seryoso ito sa binitawang salita. Kaya hindi na lang ako sumagot at bumaling na lang sa aking ginagawa. Hindi nagtagal ay may tumawag at nang aking lingunin ay may kausap na ito sa kanyang cellphone. “Pare, aalis na ako dahil magkikita kami ng mga pinsan ko.” “Baka naman gusto mo akong isama?” “Hindi maaari dahil family bonding raw at walang outsider.” “So, ibang tao pala talaga ako sa’yo at hindi kaibigan?” aniko pa na tila nagtatampo. “Hindi naman sa gano’n kaya lang sigurado akong may mahalaga silang sasabihin sa akin.” “Okay sige, dude mag-ingat ka sa pagmamaneho mo.” “Huwag kang mag-alala lagi akong nag-iingat sa bawat lakad ko.” Nang mawala sa aking paningin ang kaibigan ko ay pumasok na ako sa loob at naupo sa mahabang sofa. Hindi ko maiwasang balikan ang alaala ng gabing ‘yon. Subalit napalingon ako sa nakabukas na tv, nasa flash report ang pamilya Montemayor at palabas ang mga ito ng bansa. Alam kong siya ang babaeng nakasuot ng hoodie jacket, mask and cap. At nakaramdam ako ng panghihinyang na hindi ko man lang nakita ang kanyang mukha. Ngunit nang ma-realize ko na paalis nga pala ito ng bansa ay gustong mag-alburuto ng aking dibdib. Lalo pa at ayon sa short interview sa parents nito na walang kasiguraduhan kong kailan muling babalik ang mga ito. Matamlay ang aking pakiramdam na ini-off ang tv-screen at dinampot ang susi ng aking sports car. Mabuti pang umalis na lang muna at nang mawala sa isipan ang babaeng lately ay laging laman ng aking isipan. Sa gym ng isang bagong kakilala ako tumuloy, mabuti pa ay maglibang na lang muna roon sa paglalaro ng billiard. “Anong masamang hangin ang nagtaboy sa’yo dito bro?” “Wala naman tol, wala lang akong magawa sa bahay at nakakainip kaya naisipan kong pumasyal dito.” “Tamang tama ang dating mo bro, kahapon pa tanong nang tanong si Fiona tungkol sa’yo.” “Sino naman ‘yon?” “Babaero ka talaga, nakalimutan mo na agad ang babaeng naka-make out mo last time?” “Last time?” napakunot noo ako habang pinipilit alalahanin ang tungkol sa nagngangalang Fiona. “Hey! Narito ka pala, mabuti naman at naalala mo akong puntahan?” Natawa ako sa sinabi ng babaeng ito, hindi ko nga siya matandaan para sabihing naalala ko huh! “Marunong ka bang mag billiard?” at iyon na lang ang tanging nasabi ko sa babae. “Hindi pero kung tuturuan mo akong magpasok ng bola ay hindi ko tatanggihan ‘yon.” Wika nito na may double meaning kaya bahagya akong natawa. “Okay, halika at simulan na natin.” Paanyaya ko sa kanya na kinangiti pa niya sa akin. Sa bawat pagsasalita ko kung paano ipapasok ang bola ay sinasabayan ni Fiona nang pagyuko at kitang kita ko na ang biyak ng gitna nito sa sobrang iksi ng suot na mini-skirt. At isa akong malusog na lalaking hindi tumatanggi sa grasya lalo pa at nakahain na sa harapan ko. “I miss your d*ck, darling.” Bulong pa niya sa aking taenga at sa init ng hininga na tumatama sa aking pisngi ay tuluyang nabuhay ang init ng aking pagnanasa. “Paano mo nasabing na-miss mo ang aking-alaga samantalang hindi mo pa ito na kikita?” “Yeah, tama ka hindi pa pero nahawakan ko na ‘yan at nakain na rin.” Sa sinabing ‘yon ni Fiona ay unti unting pumasok sa aking isipan ang alaala ng madaling-araw na ‘yon. Ibig sabihin pala ay siya ang babaeng iyon sa dilim, ang tila uhaw na uhaw na makaulayaw ako kaya kahit sa gilid ng wall ay lumuhod sa aking harapan at walang pakundangan na nagbaba taas ang ulo sa aking matigas na p*********i. “Let’s s*x, matagal na akong walang boyfriend.” “Are you sure?" “Yeah, gusto kong matikman kung gaano ka kagaling sa ibabaw ng kama.” “Sa bagay na ‘yon ay hindi ka magsisisi ngunit ipapaalala ko lang sa’yo na hindi ako nakikipag-commitment sa kahit na sino. Lalong hindi ako umuulit makipag-s*x sa isang babae lang, once is enough kaya kung payag ka ay pagbibigyan kita.” “Huwag kang mag-alala hindi ako namimilit ng lalaki, kung ayaw niya sa akin ay ayos lang.” “Fine! Let’s s*x, gusto mo sa loob ng ladies’ room, gilid ng wall, sa kotse o gusto mong kahit dito na lang?” “Let’s ride the car, gusto kong maka-experience kung paano makipag-s*x habang tumatakbo ang sasakyan.” “Sa bagay na ‘yon ay delikado para sa ating dalawa, mas mabuti na nakahinto ang sasakyan at doon kita palalasapin ng multiple orgasm.” “Sh*t!” narinig ko pa ang mahina niyang pagmumura, siguro ay hindi makapaniwala sa aking sinabi. Few minutes later… Sa loob nang kotse habang nakaparada sa malawak na parking lot ay doon ko sinimulang alisin ang lahat ng saplot sa kanyang katawan. Ngunit bigla ko siyang naitulak nang akmang hahalikan niya ako sa labi. Isang babae lang ang hinalikan ko at papayagang halikan ako. Ang babaeng magmula ng maangkin ko ay parang isang droga na hindi na nagpapatulog sa akin. "Bakit ayaw mong magpahalik?" "Get out of my car!" sa halip ay malakas ko siyang sinigawan sabay tulak palabas ng aking sasakyan. At nakita ko pa ang kanyang pagkalupasay sa semento pero wala na akong paki sa babaeng yon. Pinasibad ko ang aking sasakyan palayo sa lugar na yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD