EPISODE- 3

1310 Words
NICA POV. SIMULA nang mangyari 'yon sa akin ay hindi ko na alam kung paano kikilos ng tama. Hindi na maalis sa aking isipan ang lalaking nakasama ko. Ang huling kong natatandaan sa kanya ay may tattoo siya sa gilid ng leeg. At ang perpektong katawan. Maliban doon ay wala na akong ibang maalala tungkol sa lalaki nakatabi ko.... "Mahal ko, gising ka na ba?" naputol ang aking pagmumunimuni dahil sa pagtawag ng kapatid kong panganay. "Yes, kuya Luke, pasok ka." "Kumusta ka na, ang sabi ni Mommy ay hindi ka raw naglalalabas ng kwarto?" "Mas gusto ko kasi dito sa loob ng kwarto, kuya. Pag naroon ako sa labas ay wala rin naman akong makausap." "Gusto mo ba na mamasyal tayo?" "Talaga?" "Yeah, kasama rin natin ang dalawa, kaya maligo ka na at hihintayin ka namin sa living room." "Sige, kuya Luke." "Take your time at huwag kang magmadali makakapaghintay naman kaming tatlo." "Salamat, kuya Luke." Nang makalabas ang kapatid ko ay agad na tumakbo ako sa loob nang banyo upang maligo. At habang nakatapat sa dutsa ay nag-iisip ako kung saan ang magandang pasyalan. Dalawampung minuto lang at lumabas na ako upang magbihis. Isang summer dress ang suot ko at manipis na sandals pagkatapos ay bumaba na ako ng hagdanan. “Mahal ko, halika at ako na ang magtutuyo ng buhok mo. At ikaw Liam, ihanda mo na ang sasakyan natin.” “Sige, kuya.” “Sweetheart, wala ka bang medyo mahaba ng konti diyan sa suot mo?” “Bakit, ayaw mo ba nito kuya Levi?” “Kasi masyadong maiksi at siguradong pagpipyestahan ka na naman ng mga lalaki sa labas.” Natawa ako sa sinabi ni Kuya Levi, kahit kailan talaga ay nakapa-conservative nito sa akin. Samantala ay saksakan naman ng pagkababaero. “Ikaw na ang pumili ng damit niya Levi, at malapit nang matuyo ang buhok ni Mahal.” “Okay, wait for me.” Minsan napapaisip ako kung normal ba ang buhay ko na ganito, laging nakapalibot ang mga Kuya ko at parang mga guwardiya sibil sa higpit. Kahit minsan hindi ko naranasan ang lumabas mag-isa, kaunting pagsama ng pakiramdam ko ay nag-aalala agad silang lahat sa akin. Kagaya na lang ngayon, kahit busy sila sa trabaho sa pagiging Elite nila sa SA Agencia ay naririto silang tatlo upang dalawin ako at dalhin sa lugar na gusto kong puntahan. Paano pa kaya kung makilala nila ang lalaking ‘yon ano kaya ang kaya nilang gawin, magagawa kaya nila ang manakit dahil sa nangyari sa akin? “Hey, sweetheart anong iniisip mo at malayo yata ang nililipad ng imahinasyon mo?” “Ahm, wala naman kuya ko masaya lang ako dahil naririto kayong tatlo.” “Okay, halika na at palitan na ang suot mo. Hintayin ka namin dito, go!” Matapos kong abutin ang mga damit na dala ni Kuya Levi, ay pumasok na ako sa isang silid. Ang kulay puti na summer dress ang isinuot ko at puti rin na sandals. Pagkatapos ay lumabas na ako at tinawag ang attention nila. "Ayos na ba ang suot ko mga kuya ko?" nakita kong pinasadahan nila ang kabuuan ko at saka tumango-tango kaya napangiti na ako at lumapit na sa kanila. “Shall we?” “Okay, let’s go!” Sobra ang saya na aking nararamdaman, ang pagpaparamdam nila sa akin ng kahalagahan ko at ang walang kapantay na pagmamahal nila ay nakapagpapalimot sa aking kalungkutan. Magmula kasi ng mangyari sa akin ang gabing iyon ay naging malulungkutin na ako. Everytime na makakaita ako ng lalaki na maskulado at guwapo ay hindi mawala sa akin isipan ang lalaking ‘yon. Ini-imagine ko na napaka guwapo niya at sa totoo lang ay hinahanap hanap ko ang presence niya. Pero ngayon na naririto ang tatlong napaka guwapo kong mga kuya ay napapawi ang sobrang kalungkutan sa aking puso. Masasabi kong in love ako sa mga kuya ko, pero siyempre pagmamahal bilang kapatid. “Baby ko, alam namin kung ano ang pinagdadaanan mo, ngunit ang masasabi ko lang ay lagi kaming nasa tabi mo. Lagi mo sanang iisipin na walang ibang mahalaga sa amin kundi ikaw lang kaya naman pag nalulungkot ka ay mas doble ang aming nararamdaman.” “Thank you kuya Liam, alam ko naman ‘yon eh. Kaya nga sinisikap ko rin na maibalik sa normal ang buhay ko.” “Forget him, mas marami ka pang makikilala na higit sa kaniya hindi ang gano’ng lalaki ang dapat mong bigyan ng atensyon.” “Sinusubukan ko naman kuya Luke, kaya lang hindi siya mawala sa isipan ko.” “Humn…mas guwapo ba sa akin ang lalaking ‘yon sweetheart at hindi mo siya magawang limutin?” “I don’t know kuya Levi, hindi ko pa naman nakita ang mukha niya eh.” Subalit sa halip na sumagot ang kuya ko ay naramdaman ko ang yakap nito sa akin at haplos sa aking buhok. “But I think mas guwapo ka sa kaniya.” nakangiti ko na lang pahayag kay kuya.” “That’s my girl, kaya huwag ka nang tumingin pa sa iba dahil kaming tatlo lang ay sapat na ang kaguwapohan.” Malakas kaming nagkatawanan at sa mga sandaling iyon ay tila bumalik na ang buhay ko sa normal. Dinala nila ako sa cable car, first time kong makasakay doon at talaga naman nag-enjoy ako. Sa una nakakaramdam ako ng pagkalula ngunit nang tumagal kami sa kalawakan ay napakasarap pala sa pakiramdam. Ang akala ko ay nasa ibang mundo na ako habang nakatanaw sa magagandang tanawin. Ngunit ang kasiyahan ko ay unti-unting nawala nang makababa kami, sa aking paghakbang ay nawalan ako ng panimbang at bumagsak kaya napasigaw sabay pikit at hinitay ang aking babagsakan. Ngunit bigla rin napadilat nang sa mainit na bagay ako bumaksak at nang magmulat ako ng mata ay nasa isang bisig ako matipunong katawan. At nang dahan dahan akong tumingala ay para akong na-hypnotize sa kaguwapohan niya. “Let her go!” ang malakas na boses na ‘yon ang aking narinig at nang magbaling ako ng mukha ay furious na mukha ni Kuya Levi ang sumalubong sa akin. “Raven Montalvan! Anong ginagawa mo rito?” “Sinamahan ko lang ang mga kaibigan ko.” “Oh, talaga?” “Babe, let’s ride na bilis!” “Kaibigan pala huh! Alis nga riyan at pwede ba bitawan mo ang kapatid ko!” “Fine! Tinulungan lang eh.” Sabay hakbang palayo nito sa amin. Nasundan ko na lang ng tingin ang palayong lalaki habang may babaeng nakayakap dito. At hindi ko alam kung ano itong aking nararamdaman, parang may pumipiga sa aking puso at gusto kong umiyak. “Halika na sweetheart, at kakain pa tayo.” “K-kuya Levi, sino ang babaeng kasama niya?” “Ah, huwag mo nang pansinin ang tarantadong ‘yon, gano’n talaga ang mga babaero iba’t-ibang babae kagi ang kasama.” Sa aking narinig ay nadagdagan ang sakit na aking nararamdaman. Unti-unti rin ang paninikip ng aking dibdib at hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking luha. “Mahal ko, bakit umiiyak ka may masakita sa’yo?” “K-kuya, bakit ganito ang nararamdam ko, ang makita na may kasamang ibang babae si Raven Montalvan, ay nagpapasakit sa aking loob?” “Baby, bakit ganyan ang sinasabi mo? Ay pangalawang beses mo pa lang yata na nakita ang tarantadong ‘yon?” “H-hindi ko alam, pero nasasaktan ako at ayaw ko ng ganitong pakiramdam.” “F*ck that asshole! Bakit kasi naririto ang g*go na ‘yon?” Napansin ko ang pagsisinyasan ni Kuya Levi at Kuya Luke, ngunit hindi ko na lang sila pinansin. Hindi ko makalimutan ang pakiramdam na parang familiar siya sa akin kanina no’ng bumaksak ako sa mga bisig niya. Parang naramdaman ko na ‘yon dati pa, pero hindi ko naman maalala kong kailan at saan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD