EPISODE- 4

1264 Words
NICA POV. HATINGGABI, nagising akong pawisan at agad na hinagilap ang tumbler na laging nasa side table ng kama ko. Uhaw na uhaw akong uminom at halos maubos ko iyon. Ngunit hindi man lang nabawasan ang malakas na kaba ng aking dibdib. Tumayo ako at nagtungo sa gilid ng wall hanggang naisipang wahiin ang kurtina at binuksan nang bahagya ang bintana. Gusto kong sumagap ng hangin mula sa labas. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga kahit malakas naman ang buga ng ng hangin mula sa air conditioner. "Raven Montalvan, bakit hindi ka mawala sa aking isipan at kahit sa panaginip ay ginugulo mo ang sistema ko. Sino ka ba talaga upang manatiling laman ng utak ko?" Ang pagkaka dikit ng aming mga balat nang bumagsak ako sa mga bisig niya ay talagang naramdaman ko na noon pa. Ang gumapang na init mula sa matitigas niyang dibdib at ang mamasil niyang braso na lumapat sa aking likuran ay may hatid na sensasyon sa aking kaibuturan. At sa isiping iyon ay bigla kong naramdaman ang paghahangad na muling makita ang isang Raven Montalvan. Kailangan makagawa ako ng paraan na makalabas ng bahay. Pero paano ko magagawa iyon kung laging naroon sa paligid ko ang tatlong gwapong Mafia Boss? Speaking of Mafia Boss, ilang beses nang narinig ng aking matalas na pandinig ang tungkol sa triplets. Ayon sa pag-uusap ng aking ama at uncle Brent ay ang tatlong kapatid ang successor nito sa trono. Pero matagal pa naman kaya hindi ko pa kailangan makaramdam ng lungkot. Ganun pa man, dapat siguro akong magsaya sakaling maupo na sa trono ang triplets. Dahil siguradong malaya na akong makakagalaw o magagawa ang bawat naisin ko. "Princess, open the door mahal ko." Oh my God! Paano nalaman ni Kuya Luke na gising pa ako? "Mahal ko, alam kong gising ka pa kaya buksan mo ito at pag-usapan natin kung ano ang gumugulo sa iyong isipan." Fine! Sabay rolling eyes bago naglakad palapit sa pintuan at binuksan agad iyon. "Tell me mahal ko, anong problema at hindi ka makatulog?" "Wala naman Kuya Luke, isa pa kagigising ko lang at pabalik na sana ako sa higaan ng tawagin mo ako." "Sigurado ka?" "Yes, Kuya Luke, sabay hikab ng mapapaniwala niya ito. "Okay, matulog ka na at babalik na ako sa kwarto ko " "Sure Kuya Luke, at pasensya ka na pinag-alala pa kita." "Wala 'yon, Princess, alam mo naman na gagawin namin ang lahat upang masiguro ang 'iyong kaligtasan." "Alam ko naman 'yon at very thankful ako dahil nariyan kayong tatlo kaya naman lagi akong panatag." "Okay, good night mahal ko." "Good night Kuya Luke." Nang makalabas ang kapatid ay agad kong sinara ang pinto. Pagkatapos ay ini-off ang ilaw at nahiga na ako. Ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok, na-stocks na yata sa isipan ko si Raven Montalvan. Kinabukasan ay almost nine in the morning na ako nagising. Napuyat talaga ako sa kakaisip kung paano ko siya muling makikita. Biglang nangislap ang aking mga mata nang maalala ang IG. Agad akong nag search ng name niya ngunit agad ring nadismaya dahil wala akong nakita. Sinubukan ko rin ang initial name niya ngunit bigo akong mahanap. O baka naman wala talagang IG ang lalaking 'yon? Matamalay akong bumaba ngunit ng makita ko ang triplets na mga nakabihis ay nakaramdam ako ng lungkot. Alam ko aalis na ang nga ito at babalik na sa trabaho bilang mga Elite sa Angencia ni Kuya Josh. Panigurado ng matatagalan ang muling pagkikita namin. "Princess, come here sweetheart." "Aalis na ba kayo mga Kuya ko?" "Yeah, kaya mag-ingat ka rito at huwag basta lalabas okay?" "Yes, Kuya Levi." "Payakap ako baby ko, mami-miss ka agad ni Kuya." "Ako rin naman Kuya Liam, mag ingat din kayong tatlo sa trabaho niyo." "Aalis na kami Mahal ko, halika na dito at yayakap si Kuya." "Kailan ulit ang balik niyo dito?" "Hindi ko pa alam, mag-ingat sa nga pinupuntahan. Tumawag ka lang pag kailangan mo kami okay?" "Yes, Kuya Luke." Hinatid ko sila sa labas ng malaking pintuan. At nang makasakay sila sa sasakyang maghahatid sa kanila sa airport ay nakaramdam na agad ako ng lungkot. Kaya agad na bumalik sa loob at dumiretso sa kwarto ko. Sinubukan kong muling mag search ng pangalan ni Raven Montalvan. Subalit bigo pa rin ako kaya hinagis ko ang aking cellphone at nagtungo na lang sa gallery ko. Sinimulan kong magpinta hanggang hindi na namalayan ang oras at kundi pa sumakit ang likuran ko ay saka lang naalala ang oras. Pag tingin ko sa orasan ay saktong lunch time na. Kaya pansamantalang iniwan ko na ang gallery at bumaba na sa dining area. "Señorita Nica, mabuti at bumaba ka na. Kanina pa may tumatawag sa landline at ikaw nag hinahanap." "Sino po ang tumatawag Manang?" "Hindi sinabi pero tatawag raw siyang muli." "Sino naman kaya iyon, babae po ba o lalaki?" "Lalaki, ang sabi ay pangungumusta lang daw dahil miss ka na niya." "S-Salamat po Manang." Habang kumakain ay hindi ko maiwasan umasam na ang lalaking tumawag sa landline ay si Raven Montalvan. Pero napaka imposibleng mangyari dahil hindi ko naman ito nakakausap. At kung siya nga iyon ay bakit alam ang numero namin dito sa bahay? Kasalukuyan akong nakaharap sa aking canvas nang marinig ang boses ng isang kasambahay. Kaya napilitan akong tumayo at pagbuksan ito ng pinto. "Senyorita Nica, nasa linya po ang lalaking ilang beses nang tawag ng tawag dito sa bahay at hinahanap ka." "Okay, pakidala na lang dito ang cordless phone, dito ko na siya sasagutin." "Sige po Senyorita Nica." Habang naghihintay ay iniwang nakaawang ang pinto, bumalik sa harapan ng canvas at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Senyorita Nica, narito na ho ang phone." "Salamat," saka mabilis na sinagot iyon. Ngunit hindi ako nakapagsalita at kinabahan agad nang magpakilala ang aking kausap. "Remember me" "Ahm, y-yeah... b-bakit ka pala napatawag at paano mo nalaman ang number dito sa bahay?" sobrang lakas ng kabog sa aking dibdib. Ang marinig ang boses na matagal ko ng inaasam ay nakapagpangatal sa aking mga tuhod. "I have my ways, can we talk in private?" "H-How?" "I will pick you up?" "I mean, paano mo nalaman ang bahay namin?" "Sabi ko nga marami akong paraan, and I already here in front... sumilip ka sa bintana." Sa narinig ay agad akong tumakbo sa gilid ng binatana at halos tumigil ang aking paghinga ng makita ang makisig na binata. Walang iba kundi si Raven Montalvan, ang lalaking ilang gabi nang nagpapagulo sa isipan ko. Nakita kong suminsya ito sa hawak kong phone at mabilis na nilagay ko sa tenga iyon. "I'll wait here baby, go change your clothes iyong magiging kumportable ka pagsakay sa motorcycle." "Okay, sige." Halos magkandarapa ako sa pagtakbo pabalik sa aking kwarto. Hindi ko na rin naayos ang canvas dahil sa pagmamadali. Ngayon ay namimili ako ng isusuot, kagaya ng sabi ni Raven, sa motorcycle kami sasakay. Kaya nagsuot lang ako ng skinny jeans at simpleng blouse pagkatapos ay sinuot ang low cut boots ko. Nang masigurong maayos na ang suot ay mabilis na nag apply ng manipis na make-up. Ang buhok ko ay hinayaang naka lugay, sabay takbo pababa ng mataas na hangdan. "Manang, pag tumawag si daddy o mommy at kahit ang mga kapatid ko. Pakisabi ho na lumabas lang akong saglit, hindi po ako magtatagal at babalik din agad. "Sige, mag-ingat ka Senyorita Nica." "Salamat ho, bye." At tumakbo na ako palabas. Inabutan kong tila naiinip na siya sa paghihintay sa akin. Kaya naman ay apologetic akong tumingin sa kanya at sinamahan ko pa ng matamis na ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD