SUOT ANG itim at eleganteng damit ay pinagmasdan ni Mercilita ang sarili sa salamin. She looks sophisticated. Tiyak na itataob niya ang mayayamang sosyalera sa party na dadaluhan nila. Taas noo niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin. "Hmmp!" ismid ni Nessie. "Baka mabasag ang salamin natin sa kakatitig mo sa mukha mo," wika pa ni Nessie sa kanya. Kakauwi lang nito galing sa event na dinaluhan nito. Marami pa siyang hindi nasasabi sa kaibigan simula nang mawala ito. "Sa tingin mo ba ay okay na itong ayos ko?" tanong niya sa kaibigan. Pinasadahan siya ng tingin ni Nessie. "Hindi mo na kailangan ng tulong ko dahil napakaganda mo na," wika ni Nessie kaya napangiti siya. Tama ito dahil noon ay kailangan niya pa itong gisingin para lang ayusan siya pero ngayon ay kayang-kaya niya nang a

