KAHIT NA MAY PAG-ASA naman na isawalang bisa ang kasal niya kay Pinky ay binigyan niya pa rin ng twenty million ang babae. Hindi niya mapigilang maawa rito at gusto niyang magbagong-buhay ito kahit pa sa maling paraan. Isa pa ay gusto niya na rin madaliin ang pagsasawalang bisa ng kanilang kasal. Gusto niya nang makasama si Mercilita. Tatlong araw nang nasa ICU ang kanyang ina at pati ang mga Doctor ay nawawalan na nang pag-asa na magigising pa ang kanyang ina pero siya ay patuloy na kumakapit. Kakapit siya hanggat humihinga ang kanyang ina. Hindi siya susuko. Gustuhin niya man na ilipat ang kanyang ina sa private room ay hindi na siya pumayag dahil mas ligtas ito kapag nasa loob ng ICU. Pakiramdam niya kasi ay hindi ito ligtas kapag nasa paligid lang si Tito Leo. Ang kanyang paghihinal

