HINDI MAPALAGAY si Sebastian mula nang sabihin sa kanya ni Mercilita ang pagtatalo na narinig nito sa kanyang ina at sa kanyang stepfather. Bihirang mag-away ang mga ito dahil likas na mahinahon ang kanyang ina sa lahat ng bagay. Nilagay na sa ICU ang kanyang ina kaya pinauwi niya na muna si Mercilita upang makatulog. Kumuha na rin siya ng private room para sa ina kung sakali man na ililipat na ito. Gustuhin niya man na matulog ay hindi niya naman magawa kaya gising siya buong magdamag. Binalikan niya ang sandaling nakasama niya ang ina at Tito Leo habang nagdi-dinner sila. Ayaw niyang mag-isip nang masama pero ang kaba na kanyang nararamdaman ay iba. Saksi siya sa pagmamahal ni Tito Leo sa ina. Mahabang panahon din na nagsama ang mga ito at wala siyang maipipintas. Siya pa nga itong nagi

