KULANG NA LANG ay sirain ni Brent ang gate ng bahay ni Charlotte. Kanina pa kasi siya nag dodoorbell pero hindi ito sumasagot. Tinandyakan niya ang bakal na gate. Lahat ng kanyang gigil at galit ay ibinuhos niya sa gate. Mayat-maya pa ay pinagbuksan siya ni Charlotte. Bagong ligo ito. Nakaangat ang kilay nito na tiningnan siya. Marunong din pala ito mahiya sa mga kapitbahay nito. Kung hindi pa siguro siya nagwawala sa labas ay hindi siya nito pagbubuksan. "What's wrong with you?" asik sa kanya ni Charlotte. "f**k you! Sino ka para sugurin si Mercy sa trabaho?" galit niyang tanong sa babae. Tinalikuran siya ni Charlotte. At iniwan siya sa pinto ng gate. Marahas niyang isinara ang gate nito bago niya ito sinundan. "I'm talking to you damn it!" sabay hila niya sa braso ng asawa. Wala s

