Bago ang aksidente… MULA SA KUSINA ay palihim na kinuha ni Leo ang lagayan ng mantika at umakyat siya sa kanilang silid. Tiningnan niya pa si Sebastian habang kausap ang asawa at si Mercilita. Nasa hapag-kainan ang mga ito. Kailangan niya nang isagawa ang nasa isip. Hindi pwedeng sabihin pa ni Marietta ang lahat kay Sebastian. Kailangan nitong mawala sa buhay niya. Mabilis siyang pumasok ng banyo at nilagyan ng mantika ang ilalim ng tsinelas ni Marietta. Hiling niya na sana ay magtagumpay siya sa kanyang plano. Hindi siya pwedeng magkamali. Sinadya niya rin na tapunan ng juice si Marietta upang umakyat ito at magpalit ng damit pero hindi nangyari ang kanyang plano. Hanggang sa ang pinakahihintay niya ay nangyari. Nauna siyang pumasok sa silid nila at ilang sandali pa ay pumasok si Marie

