HINDI NAMAN nainip si Sebastian sa paghihintay kay Nessie. Nasa tabi lamang siya ng restaurant habang nakikipagkita ito kay Neil. Ang hindi alam ni Neil ay nakaheadset si Nessie at naririnig niya ang pag-uusap ng mga ito. Ang pagkikita ng mga ito ay nakaplano na kahit pa ang bahay na tutuluyan ng lalaki. Hindi niya mapigilang hindi magalit kay Pinky dahil sa kanyang mga narinig. Malinaw pa sa sikat ng araw na sinadyang lokohin talaga siya ng babae. Pinagplanuhan siya nito para gamitin sa umpisa pa lang. At ngayon ay magkakaanak pa sila. Kung kailan na maayos na sila ni Mercilita. Hindi niya mapigilang hindi manggigil kay Pinky. Kung hindi lang nito dinadala ang kanyang anak ay baka nasaktan niya na ito. Kahit na inamin ni Neil na anak niya ang dinadala ni Pinky ay kailangan niya pa rin

