HINDI pa naman nakikita ni Nessie si Neil ay tumataas na ang kanyang presyon. Hanggat maari ay ayaw niya na sana itong makita pero dahil kay Mercilita ay gagawin. Maging masaya lamang ang kanyang kaibigan. Sa isang kilalang restaurant sila nagkita ni Neil. Nakita niya kaagad ang kumag nang pumasok ito sa restaurant. Kaagad itong ngumiti sa kanya. Gusto niya sana itong taasan ng kilay pero naalala niyang siya ang may kailangan sa lalaki. Kailangan niyang makuha ang loob ni Neil upang makakuha siya ng impormasyon. Gumanti siya ng ngiti kay Neil. "Kanina ka pa?" tanong sa kanya ni Neil sabay upo sa tabi niya. "Hindi naman pero inorder ko na ang mga gusto mong pagkain," wika niya sa lalaki. "Kumain na muna tayo," "Sure," nakangiting sagot sa kanya ni Neil. Inasikaso niya pa ito sa p

