Chapter 019: Bloody Gift

2321 Words
Ryle's POV Pagkabukas ko sa giftbox na nakalapag sa teacher's table ay nagsigawan ang lahat ng babae at nagulat naman ang iba ng bumulaga sa amin ang putol na ulo ni Cristopher at kasama pa nito sa loob ay ang kanyang mga organs na puno pa ng dugo. "Ahhhhh!! Hindi ko na kaya to!" Sigaw ni Sarah na nawala ang kanyang pagkamatarayin dahil sa kanyang nakita. "Ba't ba kailangan pang mangyari ang lahat ng ito?" Napaiyak nalang siya. Sa totoo lang, Nandiri talaga ako sa aking nakita, Kasi may mga uod na ang kanyang organs at nangangamoy na. Para siyang isang patay na kambing, na daga, na pusa? Basta malapit sa mga ganyan pero di ko maipaliwanag kung ano ba talaga ang amoy. "Kailangan natin tong itago guys!" Pahayag ko sa kanilang lahat. "Itago na naman?!" Sambit pa ni Annie na halatang naiinis. "Alam niyo ba na kailangan na natin tong isabi sa mga teachers ang mga nangyayari dito sa classroom natin?! Ba't ba lage nalang sikreto dito, Sikreto doon ang ginagawa natin?! Siguro ikaw ang gumawa niyan kay Cristopher, Mayor ano?!" Dagdag pa niya na napalitan ang ekspreyon sa mukha ko. "Ang ibig ko lang naman ay dapat di natin to isabi sa mga teachers dahil magdadala lang tayo ng marami pang problema sa kanila! At tsaka isa pa, Hindi ako ang gumawa kay Cristopher niyan no! Wag mo kong pagbintangan! Mayor niyo ako dapat makinig kayo!" Suhestiyon ko. Dahil sa inis ay umupo nalang ako sa aking upuan at isinaksak ang headset ko sa aking tenga at nagsoundtrip nalang. Kainis! At pagkatapos non ay agad namang gumawa ng paraan ang iba naming mga kaklaseng lalaki para itago ang nakita namin. "Itinapon nalang namin doon sa maliit na bodega don sa ground floor para walang makakaalam." Paliwanag ni Kenedy na lumapit sa akin Di ko nalang siya pinansin dahil wala namang patutunguhan ang pag-uusapan na ito. Naging maluwag nalang ang damdamin ko dahil naitago na nila ang giftbox na naglalaman ng ulo at mga organs ni Cristopher. Jaymee's POV Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita at muntik na ngang nahulog ang salamin ko sa mata dahil sa pagkagulat ko. Ulo ni Cristopher at ang kanyang mga organs ang nakalagay sa loob ng giftbox. Halatang presko pa ito dahil sa napakapulang dugo na rumaragasa pero marami nang uod ang gumagapang dito at nangagamoy pa. Napatakip nalang ako sa ilong ko dahil sa baho nito. Pero ang mas nakakakilabot na nagpatindig pa ng balahibo ko ay dilat pa rin ang mata ni Cristopher at iniharap ang kanyang mukha sa loob ng box. "Kailangan natin tong itago guys!" Pahayag ni Ryle sa aming lahat. "Itago na naman?!"Rinig kong sambit pa ni Annie na halatang naiinis. "Alam niyo ba na kailangan na natin tong isabi sa mga teachers ang mga nangyayari dito sa classroom natin?! Ba't ba lage nalang sikreto dito, Sikreto doon ang ginagawa natin?! Siguro ikaw ang gumawa niyan kay Cristopher, Mayor ano?!" Dagdag pa niya na napalitan ang ekspreyon sa mukha ng aming mayor. "Ang ibig ko lang naman ay dapat di natin to isabi sa mga teachers dahil magdadala lang tayo ng marami pang problema sa kanila! At tsaka isa pa, Hindi ako ang gumawa kay Cristopher niyan no! Wag mo kong pagbintangan! Mayor niyo ako dapat makinig kayo!" Suhestiyon pa niya. Halatang nainis siya dahil kita sa kanyang mukha ang parang umiinit dahil nga sa pagkainis at bumalik nalang siya sa kanyang at isinaksak sa kanyang tenga ang kanyang headset. Pagkatapos nun ay agad naman nilang kinuha ni Kenedy at ng iba pa naming mga lalaking kaklase ang giftbox para itago ito. Itinago nila ito sa isang maliit bodega sa ground floor dahil alam naman naming walang halos na pumupunta doon dahil maraming sabi-sabi na meron daw multong nagpaparamdam sa bodega. Pero di naman kami naniniwala. "Jaymee, Mag drawing nalang tayo." Anyaya ni Aya sa akin na hawak hawak pa niya ang kanyang sketchpad. Inayos ko muna ang salamin sa mata ko bago tumango. "Sige!" Pumunta kami sa aming mga upuan at inilabas ko rin ang aking sketchpad at inilapag sa desk ng aking armchair. "Aya, May bago akong art style!" Wika ko sa kanya. "Whoa! Talaga?" Aniya na para bang naeexcite siya. "Patingin nga ako!" Dagdag pa niya. Agad ko namang pinakita sa kanya ang bagong artstyle ng drawing ko at para siyang na amaze. "Wow! Master ka na talaga Jaymee!" Komplimento pa niya sa akin habang tinitignan ang Sketchpad ko. "Eh ikaw nga yung Pro eh haha!" Napatawa nalang ako bigla. At pagkatapos nun ay nag drawing nalang kami at parang binura muna namin sa aming isipan ang mga nangyayari. Aya's POV Para mawalan ako ng takot at kaba sa aking nakita kanina sa giftbox ay agad ko namang kinuha ang aking sketchpad sa backpack ko at dali-daling lumapit kay Jaymee para sabihing mag drawing kami. "Jaymee, Mag drawing nalang tayo." Anyaya ko sa kanya na hawak hawak ko pa ang aking sketchpad sa kanan kong kamay. Inayos niya muna ang kanyang salamin sa mata at tumango sa kanyang ulo. "Sige!" At agad naman kaming bumalik sa aming mga upuan dahil katabi lang naman kami at nakita ko na kinuha niya ang kanyang sketchpad galing sa kanyang backpack at inilapag niya ito sa desk ng kanyang armchair at binuksan. "Aya, May bago akong art style!" Wika niya sa akin sabay bukas ng pahina sa kanyang sketchpad. Dahil sa kaexcite ko na makita ang kanyang bagong artsyle ay di na ako makahintay para makita ang bago niyang artstyle. "Whoa! Talaga?" Ani ko na naeexcite na talaga. "Patingin nga ako!" Dagdag ko pa. Agad niya namang pinakita sa akin ang drawing niya sa kanyang bagong art style at na amaze talaga ako sa drawing niya as in super amaze. "Wow! Master ka na talaga Jaymee!" Komplimento ko sa kanya habang tinitignan pa rin ang kanyang sketchpad. "Eh ikaw nga yung Pro eh haha!" At agad naman siyang napatawa. Pati ako ay napatawa nalang din. Dahil sa mga nangyayari sa section namin ay hindi ko muna inisip ang lahat ng mga susunod pa na mangyayari at nagdrawing nalang kami ni Jaymee. Class Murderer's POV Pagkalabas ni Cristopher ng room ay agad ko siyang hinampas ng stick sa kanyang ulo habang siya'y nakatalikod. Wala namang nakakita dahil kaunti lang naman ang mga tao sa hallways at ang mga pulis ay bumalik na sa kanilang opisina kaya kinuha ko ang pagkakataong ito para gawin ang nararapat sa kanya. Ang maparusahan! Bumagsak siya sa sahig at nawalan ng malay. Dali-dali ko naman siyang binuhat habang nag iingat para hindi ako makita ng kahit sino. Mahirap na pag may mga nakikialam! Idinala ko siya sa isang kwartong madilim at inilapag ko ang walang kamalay malay niyang katawan sa isang puting mesa na nasa gitna ng kwarto. Madilim tong kwartong to, Pero dahil nasanay ako, Okay na sa akin to! Tanging ang isang ilaw na nasa gitnang kisame ng kwarto ang natatanging nagdala ng liwanag sa kwartong to. Habang wala pa siyang malay ay itinali ko ang kanyang mga kamay at paa sa tig dudulo ng mesa ng mga lubid na mahihirapan kang makawala dahil sa masusugat ka nito. Ilang oras akong naghintay para magkamalay na siya upang masimulan ko na ang natatangi niyang parusa! Pasensiya na, Cris! Kaibigan kita ngunit gagawin ko to, Wag kang mag-alala magsasama naman tayo sa impyerno sa mga susunod na mga araw eh. Haha! Naramdaman ko nalang na nagkamalay na siya dahil sa kanyang paglakas na paghinga ng malalim. "Buti at nagkamalay ka na rin! Kanina pa ako nabobored dito kakahintay para dumilat yang mga mata mo!" Sarkastikong wika ko kay Cristopher na unti-unti nang dumilat ang kanyang mata. "Saan ako? Ba't ako nakatali?!" Pagtataka niya habang nagpupumiglas na makawala. "Ba't ang dilim?! Saan ako naroroon?! Pakawalan mo ko!" Sigaw niya. Dahil sa may sulok ako nakatayo at hindi niya maanigan ng masyado ang mukha ko ay agad naman akong pumunta sa gitna kung saan siya nakatali at kung saan may liwanag. "Ikaw?!!" Nanlaki ang mga mata niya sa gulat ng makita niya kung sino ang nakatayo sa harap niya ngayon. "Ikaw ba ang Class Murderer?!!" "Bakit naman kung ako? May problema ka?!" Pa sarkastiko ko na sinabayan ko pa ang pagngisi ng nakakaloko habang tinitingnan siya. "Sabi ko na nga bang di ka talaga makakapagkatiwalaan eh! May pagalit galit effect ka pa para hindi ka mapaghinalaan! Pero ikaw lang pala?!" Sambit pa niya na pabagsak na tonog ng kanyang boses. Halatang nagagalit siya, Pero kailangan ko tong gawin.... Dahil gusto niya ng hustisya! "Alam mo, Cris... Kung ako pa sa'yo ay manahimik ka nalang... Dahil magsisimula na ang palabas mo!" Tumalikod ako sa kanya at pumunta muli sa may sulok para kumuha ng isang.... kutsilyo... Nanlaki ang mga mata niya pagkakita niya sa dala-dala kong kutsilyo. Parang alam niya na talaga kung anong mangyayari sa kanya. Whoo! Genius naman! Bigyan ng tropiya at medalya! "K-Kung papatayin mo na ako, Gawin mo na! Naamin ko na ang lahat ng nagawa kong pagkakasala, Handa na ako!" Pautal niyang wika na halatang nanginginig ang boses niya. "Kaibigan kita... Di ko akalaing kaya mong gawin to..." Dagdag pa niya na nagdadrama. "Papatayin kita pagkatapos kong pahirapan ka muna HAHAHAHA! Takot ka namang mamatay eh, Nanginginig pa nga boses mo. Noob ka! Noob!" Pabirong asar ko sa kanya na may halong sarkastiko pero demonyo. Agad akong lumapit sa kanya at pumunta sa kaliwa niyang kamay na nakatali. Agad ko namang binalatan ang kanyang palad na talsik talsik pa ang dugo at halos maiyak na siya sa kakasigaw. Binalatan ng binalatan ko hanggang sa makita na ang laman niya at tinusok ko pa ang laman sa palad niya ng kutsilyo para idiin ito ng idiin. Para akong isang batang naaaliw sa laruang ibinigay sa akin. "Ahhhh!!" Sigaw niya na nagpalakas loob pa sa sarili ko para diinin pa ang pagkakatusok sa kanyang laman. Agad naman akong tumayo at kinuha na naman ang isang blade kung saan ko kinuha ang kutsilyo kanina. Iniwan ko lang na nakadiin ang kutsilyo sa laman ng kaliwa niyang palad at pumunta na naman ako sa kanan niyang kamay at agad kong nilaslas ang kanyang kanang pulso gamit ang blade. Nilaslas ng nilaslas hanggang sa maglabasan na naman ang mga dugo. Puro sigaw lang ang maririnig ko na nagmumula sa kanya. "Tama na!! Tama na!! Ayoko na!!" Sigaw pa niya ng malakas na naiiyak na. Pero bahala siya sa kakasigaw niya. Naeenjoy ko tong ginagawa ko sa kanya kaya ipagpapatuloy ko na to HAHAHA! Nasimulan ko na eh! "Oh ano, Cris? Kaya mo pa ba?" Tanong ko sa kanya na halatang nang aasar lang talaga ako sa kanya habang pinapatulo ang ginagawa kong paglaslas sa pulso niya. "Ang pula ng dugo mo Cris! Siguro masarap to no? Kung bampira pa lang ako, Malamang kanina ko pa ito ininim. Pero too bad, Cause I'm not!" Dagdag ko pa na tumawa pa ng nakakademonyong tawa. HAHAHAHA! Tumalsik pa ng tumalsik ang dugo sa kanyang pulso at parang napuputol na lahat ng ugat niya. Exciting to! Habang rumaragasa ang dugo sa kakalaslas ko sa pulso niya ay hindi pa ako kontinto sa laslas, Binalatan ko pa ang pulso niya at don tumalsik pa ng sobrang sobra ang dugo niya at idiniin ko sa paglagay ang blade sa pulso niya na sobrang diin na parang inilibing ko na siya. "TAMA NA!! PATAYIN MO NALANG AKO!!" Sigaw niya ng paulit ulit at tunog paghihirap na ang naririnig ko. Pero wala akong naramdamang awa, Mas lalo pa akong naeenjoy sa aking ginagawa. Hinatak ko ang kutsilyong idiniin ko sa palad niya at ipinatong ito sa kanyang mukha. "Ano kayang mas maganda pang gawin?" Wika ko pa na parang nag iisip pero pfft. Alam ko na ang gagawin ko di ako bobo! Sadyang nang aasar lang ako kasi naturuwa ako sa aking ginagawa hahaha! "P-Please... Patayin mo nalang ako... W-Wag mo na akong pahirapan pleasee... H-Hindi ko na kaya..." Pagmamakaawa niya ng parang isang tutang nagpapacute. Pero kagaya nga ng sinabi ko, "Ako'y natutuwa sa aking ginagawa" kaya ayaw kong palampasin to! HAHAAHHA! "Naaawa ako sayo Cristopher, Pero sa nagawa mo sa bestfriend mo, Naawa ka ba?" Wika kong pina sarkastiko. "Wala siyang kasalanan, Ngunit bakit nagawa mo pa yun sa kanya ha?! Mama niya ang kumabit, Hindi siya! Ba't dinamay mo pa siya?!" Dagdag ko pa. Nakikita kong umiiyak na siya at tumutulo na ang mga luha niya papuntang tenga dahil nakahiga siya. "Pero dahil nagmakaawa ka, Pagbibigyan kita.." Bungad ko pa. "Papatayin na kita....." At pumikit nalang siya, At agad kong isinaksak ang kutsilyo sa kanya kung saan matatama ang kanyang puso at tama naman ako sa aking nasaksakan. Sumuka siya ng dugo at ang mukha niya'y nadumihan sa kanyang sinukang dugo. Ang saya niya tignan hahaha. "H-Hindi kita makakalimutan, Kaibigan..." Huling salitang sinabi niya bago siya binawian ng buhay. Dahil dun ay agad kong isinaksak ang kutsilyo sa leeg niya at maraming dugo la ang lumabas at nagtatalsikan ang iba sa mukha ko. Sobrang saya. Parang nababaliw na yata ako sa sobrang saya. At agad ko namang ginigilitan ang leeg niya hanggang sa humiwalay na nga ang ulo sa kanyang katawan. At isinaksak ko pa ang kutsilyo sa kanyang tiyan. Halos binuksan ko pati dibdib niya at isa isa kong kinuha ang mga organs niya na wala mang pandidiri ang nararamdaman. Tanging tuwa lang ang nadadama ko ngayon. May inilabas akong isang giftbox at dahang dahang inilagay ang ulo at organs ni Cristopher sa ilalim ng box habang ang katawan niya sinunog ko nalang sa apoy para walang makaalam haha. ~~ Pagkatapos nang klase ng lahat ay bumalik ako sa campus na dala ang giftbox at pumunta ako sa classroom namin at inilapag ang Giftbox sa itaas ng teacher's table. "Good job!" Wika pa niya sa akin habang pumalakpak pa sa kanyang kamay sabay ngisi ng nakakaloko. "Time for the next sinner."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD