Kai's POV
"May isa na namang namatay..." Bulong ko sa aking sarili habang tinitignan ang lahat ng mga clues na nakuha ko na nakalapag sa aking mesa.
Ang video camera ng Class Murderer, Ang Red notebook ni Jordan na may nakasulat na 303 na number, Ang susi na ibinigay sa akin ni Aries at ang Mga picture ng mga classmates kong mga 13 Sinners daw.
Napakunot noo nalang ako dahil wala akong maisip na ni isang ideya kung ano ang ibig sabihin ng mga clues na ito. Wala talagang pumapasok sa utak ko kung sino ang posible na Class Murderer, Pero ginagawa ko ang lahat para lang malutas ko to bago pa niya kaming patayin lahat. Alam kong hindi lang ang 13 Sinners ang target niya, Pati kami.. Ako..
Nag ring ang phone ko na ringtone ko pag may tumatawag sa akin at agad ko namang kinuha ang phone ko sa bulsa ng aking backpack para tignan kung sino ang tumatawag. Baka importante..
"Calling: Jenny......
Answer Call or End Call"
Si Jenny pala ang tumawag? Bakit? Ano ba kailangan niya at tinawagan niya ako sa mga oras na ito? Akala ko ba'y nasa kanila siya ngayon?
"Hello, Jenny?" Sinagot ko ang tawag.
"Hello, Kai? Pwede ba kitang makausap ngayon?" Bungad niya.
"Eh, Nag-uusap na nga tayo eh!" Natawa ako ng kunti.
"Hindi, Ibig kong sabihin, Gusto kitang makausap ngayon in person. May sasabihin lang ako sa'yo. Importante to! Punta ka dito sa Dorm's Cafeteria! Bilisan mo!" Dagdag niya pa na halatang seryoso ang tono sa kanyang boses.
"Teka! Akala ko ba nasa inyo-" At bago ko pa man natapos ang sasabihin ko ay agad na niyang pinutol ang tawag. Ano bang sasabihin niya?
Wala mang kaalam alam kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin ay agad kong tinago ang mga clues sa ilalim ng kama ko at dali-daling lumabas ng aking dorm room kahit naka pantulog pa ako na attire.
Ang dilim na sa linalakaran kong hallway patungo sa cafeteria ng dorm namin. Natutulog na kasi ang lahat ng estudyante kaya in-off na lahat ng ilaw dito sa hallway. Pero ang pinagtataka ko, Bakit ngayon pa kami mag-uusap? Pwede namang bukas! And really? 12:00 midnight na kasi eh, Diba sarado na ang cafeteria sa mga oras na yun?
Kinakabahan ako. Pero seryoso kasi ang tunog ng kanyang boses kanina sa phone eh nung tumatawag siya. Kaya kahit na nanginginig sa takot ay naglakas loob pa rin akong puntahan si Jenny. Baka importante talaga ang sasabihin niya.
Nakarating na ako sa harapan ng pinto ng cafeteria, Pagkabukas ko sa pinto ay ang dilim sa loob ng cafeteria. Obviously! Eh, Tulog na nga ang mga kasera dito eh lol haha! Tanging ang liwanag lang ng buwan na nag rereflect sa salamin ng mga bintana ang natatanging ilaw.
Pumasok ako sa loob at may nakita akong isang anino na nakaupo sa isang upuan sa loob ng cafeteria sa may sulok. "Jenny?" Tawag ko sa kanya.
Pinuntahan ko siya at tinapik ang kanyang balikat. "Jenny, Ano ba pag-uusapan natin? Jenny?" Paulit-ulit kong tanong sa kanya.
Nakatalikod na upo pa rin siya sa akin at di lumingon. "Jenny? Ano ba? Bakit ba? Ano bang pag-uusapan natin?!" Napalakas ng kunti ang tunog ko at humarap ako sa kanya at biglang nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.
Jenny's POV
"S-Siya ang Class Murderer?" Napabuntong hininga ako sa takot nang makita ko kung paano niya hinampas ng stick si Cristopher habang ako'y nandito nagtatago sa isang pader at sinilip ko lang ang nangyayari. Hindi ko akalaing siya pala ang pumapatay sa mga kaklase namin!
Nadagdagan pa ng takot at kaba ang buong katawan ko nung nakita ko nung binuhat niya si Cristopher habang palingon lingon pa na parang nag iingat siya kung wala bang nakakakita sa kanya.
Balak ko sanang pumasok sa classroom namin para isabi sa lahat ang nalalaman ko, Pero ayaw ko tong palampasin! Gusto kong malaman kung saan niya dadalhin si Cristopher. Alam kong may mangyayaring masama, Kaya sinundan ko nalang siya habang nag-iingat para di ako mapansin niya.
Teka? Dorm to mga teachers ah? Ano ginagawa niya dito? Pagtataka ko ng makita siyang pumasok sa Teacher's Dorm Building habang inilagay niya na sa sahig si Cristopher at hinila nalang ang kamay nito papasok ng dorm. Siguro nahihirapan na siyang magbuhat.
Dahil sa curiousity ko ay sinundan ko siya, Pero pagpasok ko sa dorm building ay bigla nalang siyang nawala ng parang bola. "Saan ba siya?" Tanong ko sa aking isipan.
"Ako ba hinahanap mo, Jenny?" Wika ng isang tunog lalaki sa aking likuran at pagharap ko ay siya na ang bumulaga sakin at halos tumalon na ako sa kaba. "Ba't ka nandito? May pakay ka ba sa mga teachers? At diba, umuwi ka sa inyo? Bumalik ka na pala?" Binahaan niya ako ng tanong.
"A-Eh nandito ako kasi nandito ako, Masama ba? N-Nawala kasi ako ng d-daanan patungo sa c-classroom natin eh, K-kaya a-akala ko ito yung building sa classroom.." Nagkakadautal na palusot ko pa na halatang natataranta dahil hindi ako makatingin sa kanya ng diritso sa mata ng dahil natatakot ako.
"Napagtanto mo naman na dorm to ng mga teachers diba? At, Halos 5 months na tayo dito sa school, Nawawala ka pa rin?" Sarkastikong wika niya na itinaas pa ang kanyang isang kilay. "Anong rason ba yan?" Biglang napalitan ang kanyang ekspresyon ng blanko. Nanlalamig ang mga mata niya. "Talaga bang nagsasabi ka ng totoo o nagpapalusot ka lang?" Nabigla ako sa sinabi niya at halos manlambot na ang aking tuhod dahil sa panginginig.
"Pero joke lang! Hahaha ikaw naman di ka mabibiro! Natakot ka ba sa killer eye ko?" Pabiro niya na bumalik ang kanyang normal na ekspresyon sa kanyang mukha at hindi na nanlalamig ang kanyang mga titig. "Tara na! Punta na tayo sa classroom!" Anyaya pa niya na nag sprint pa palabas ng teacher's dorm building. Bigla siyang napatigil. "Nakakamatay ang palusot, Jenny! Kaya mag-ingat ka!" Sambit pa niya sa pabirong tunog at tuluyan ng tumakbo pabalik sa campus habang ako'y naiwang mag isa na nakatayo sa kinatatayuan ko kanina. Paano na to? Kung siya nga ang Class Murderer, Ibig sabihin nito'y nanganganib ang lahat ng mga kaklase ko.
~~
Hindi nalang ako pumasok at dumiritso sa dorm ko na pawis na pawis. Nag-isip ako ng paraan para malaman ng mga kaklase ko ang aking nalalaman, Pero paano? Alam kong nagmamasid masid siya palagi. Pero kailangan kong gumawa ng paraan. Teka? Posible kayang siya yung nag manipula sa aking nung una para patayin si Bea? Siya ba yung taong nakahood na nagbigay sa akin ng kutsilyo? Siya ba yung taong pumatay kina Bea at Jordan?
Maraming tanong ang naglalabasan sa utak ko na gusto kong masagutan pero hindi ko alam dahil nag iisip pa rin ako ng paraan.
Napahiga nalang ako sa kama ko at di namalayang nakatulog na pala ako.
Pagkagising ko ay agad na tumunog ang Messenger ko at pagtingin ko kung sino ang nag message sa akin ay muntik kong nabitawan ang phone ko.. S-Siya?..
"Curiousity Kills!"
Ang message niya sa akin. Anong ibig sabihin nito? Alam niya ba? Alam niya ba na alam ko na siya ang Class Murderer?
Naguguluhan na ako sa isipan ko. Tiningnan ko ang oras at 12:00 Midnight na pala, Kaya pala madilim na. Pero kailangan ko na tong ipaalam kahit na isa sa mga kaklase ko!
"Si Kai!" Napasigaw ako.
Hinanap ko kaagad sa contacts ko ang pangalan ni Kai. I'm sure na may contacts ako sa kanya! Ayun! Nakita ko na!
Dali-dali ko namang pinindot ang number niya at tinawagan siya. Sagutin mo Kai! Bilisan mo!
"Hello, Jenny?" Thank god at sinagot niya ang tawag ko.
"Hello, Kai? Pwede ba kitang makausap ngayon?" Bungad ko pa sa kanya.
"Eh, Nag-uusap na nga tayo eh!" Rinig kong natawa siya ng kunti sa kabilang linya pero seryosohan to!
"Hindi, Ibig kong sabihin, Gusto kitang makausap ngayon in person. May sasabihin lang ako sa'yo. Importante to! Punta ka dito sa Dorm's Cafeteria! Bilisan mo!" Dagdag ko pa na seryosohan na ang tunog ng boses ko at ewan kung bakit nasabi ko na sa cafeteria kami mag uusap. Wala na kasing ibang lugar eh.
"Teka! Akala ko ba nasa inyo-" At bago pa niya kumpletuhin ang sasabihin niya ay agad ko nang pinutol ang tawag at dali-dali na lumabas sa dorm room ko at pumunta sa Dorm's cafeteria.
Hingal na hingal ako pagkadating ko sa cafeteria at halos habulin ko na ang aking hininga dahil sa pagod.
Pumasok ako sa loob ng cafeteria at madilim na dahil siguro tulog na ang mga kasera kasi nga gabi na at tanging ang sinag na liwanag lang ng buwan na nagrereplek sa mga glass window ang nagbibigay ilaw sa cafe.
Umupo ako sa isa sa mga upuan sa sulok at maya maya'y narinig ko ang pagbukas ng pinto at agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko.
"Kai, Mabuti naman at nandito ka na! Nais kong sabihin sayo na ang Class Murderer ay si-" Naputol ko ang sinasabi ko ng makita ko ang mukha ng kaharap ko. Hindi si Kai! Siya?....
"Alam ko na nga ba eh! Pakialamera ka pala eh no?" Bungad niya na bumalik na naman ang blankong ekspresyon ng mukha niya at malalamig na mga mata. "Dadalhin na kita sa impyerno, Jenny!" Napaatras nalang ako ng inilabas niya sa kanyang bulsa ang isang screwdriver at unti unting lumapit sakin habang ako'y paatras ng paatras.
"Tigilan mo na to! Masama ang ginagawa mo!" Sigaw ko sa kanya na kahit binabalutan ako ng takot at nanginginig na ay paatras ng paatras pa rin ako. "Wag mo nang pahirapan ang mga kaklase natin!"
"Sino ba ang nagsabi na utos-utusan mo ako ha?!" Naiinis na sambit niya sa'kin. "Papatayin ko ang lahat ng pakialamera!" Dagdag pa niya at dali-daling tumakbo papalapit sa akin.
"Ahhh!!" Sumigaw ako sa takot habang tumakbo palayo papunta sa pintuan. Makakalabas na sana ako ng bigla niyang hinila ang buhok ko na nagdulot ng pagkabagsak ko sa sahig.
"Tatakas pala ha?!" Isinirado niya ang pintoang nakabukas at pumatong sa tiyan ko. "Alam mo, Jenny... Mabubuhay ka pa nga dapat eh dahil wala kang ginawang pagkakasala, Pero.... Pakialamera ka! Pakialamera! At sobrang landi mo pa kay Art! Di ka niya gusto! HINDI!" Diinan niya ang kanyang pagsabi sa kanyang mga salita at sinampal ako ng malakas.
"B-Bakit mo ba to ginagawa?....." Hinang-hina na tanong ko sa kanya.
"Para magkaroon ng hustisya!" Bigla siyang ngumisi ng abot tenga na parang demonyo talaga. "Ngayon, Mamamatay ka na!" Lumaki ang mga mata ko ng ukitan niya ng letter "X" ang aking noo at dumudugo pa ito. "Isipin nalang natin na kayamanan yang nasa loob ng X mark na yan! Magiging pirata muna ako ngayon, Dahil tapos na akong magpakabampira kay Cristopher! Haha!"
Ibig bang sabihin, Patay na si Cristopher?
Ramdam ko nang dumadaloy ang dugo patungo sa aking pisngi. Ang sakit...
"Handa ka na ba, Jenny?!" Bungad niya at tiningnan niya pa ako sa kanyang nakakatakot na titig na parang papatayin ka at itinuro niya pa ang tip ng screwdriver sa aking noo. "Mawawala na rin ang faker sa classroom!" Pagkasabi niya sa mga katagang yun ay may naramdaman akong isang tinik na tuminik sa utak ko dahil isinaksak niya na pala ang screw sa noo ko patungo sa utak ko. Ramdam ko talaga na sumisigaw ako sa sakit ng nadarama ko. Ito pala ang kamatayan..
Naramdaman ko pang iniscrew niya pa ang noo ko hanggang sa makalampas ito sa kabilang dulo ng aking ulo. Malapit na akong bawian ng buhay sa mga oras na yun at hindi nalang ako sumigaw dahil mamamatay naman ako. Unti unti ko nang ipinikit ang aking mga mata at nag flashback lahat. Tungkol sa nagawa ni Bea...
2 years ago
"Jenny, Puntahan ko muna si Sir Roland!" Paalam niya pa sa akin ng palabas kaming dalawa sa school at pumunta siya pabalik sa faculty office ni Sir. Ang landi talaga ng babaeng yun, Kahit guro namin nilalandi! Hay naku!
"Sige! Bilisan mo!" Sigaw ko sa kanya sabay irap sa ere habang tumakbo na siya ng mabilis patungo sa faculty.
Hindi ba niya narerealize ang ginagawa niya na mali? Na mali ang makipagrelasyon sa isang guro at estudyante? Hayst.. Galawang makating malandi ew!
Tbh, Gwapo, Chinito, Matangos ang ilong, Maputi, Mapula ang lips at Single nga si Sir. Hinahangaan nga siya ng mga iba pang mga babae na estudyante dito sa school namin eh. But me? Heh! Never in my life na magkakagusto ako sa isang guro! Lalong lalo na dahil nasa 20's na siya! Ayaw ko kaya yun eh! Ew, Di ako kagaya ni Bea na landi dito, landi doon! Duh! I'm educated naman kasi eh! Well, Educated din naman si Bea, Pero malandi lang talaga siya.
"Speaking of the devil!" Sarkastikong tugon ko pa na nakataas ang isa ko pang kilay habang nakahalukipkip.
"Sorry na friend! Andito na ako haha!" Sabi pa niya na pangiti ngiti pa. Ew plastic smile!
At agad niyang hinatak ang braso ko at nagsimula na kaming maglakad pauwi.
~~
Kinabukasan, Pumunta na naman si Bea sa faculty office ni Sir Roland habang break time namin. Talagang malandi talaga tong babae to! Dahil nacucurious ako ay sinundan ko si Bea na pumasok sa office ng ultimate crush na teacher ng mga kababaihan.
I peek a little sa labas ng pinto kung ano ang ginagawa ni Bea sa loob kung bakit pabalik balik siya don at nabigla ako sa aking nakita.
Si Bea.... Nakikipagtalikan kay Sir?....
Napaatras ako at tinakpan ang aking bibig at dahil napihit ko ng kaunti ang doorknob ay napansin ito nila Bea at Sir sa loob na nagpaconcious sa kanila.
Dahil sa gulat sa aking nakita ay dali-dali akong tumakbo palayo sa office pabalik sa classroom namin. Hinabol ko ang aking hininga sabay upo sa aking upuan.
"Jenny, Okay ka lang?" Tanong ng isa sa mga kaklase naming lalaki sa akin na hinihimas pa ang buhok ko. Nginitian ko lang siya at acted like nothing happened.
Itinago ko ang sikreto na alam ko na ang ginagawang pagkakasala ni Bea sa akin at hindi niya alam na alam ko ang kanyang kadumihan... Ang kanyang kalandian...
Matagal na pala sila ni Sir Roland...
~~
Pagkatapos nun ay nawalan na ako ng hininga at binawian na ng buhay.