Kai's POV
Nanlaki ang mga mata ko at napaatras ako sa aking nakita. Ang noo ni Jenny, May butas? Ngayon ko pa lang napansin na dumudugo pala ang ulo niya at di ko namalayan na may dugo na pala sa mga kamay ko. Patay na siya?
Parang mawawalan na ako ng hininga at tinakip ko ang aking kamay sa aking bibig. Ang murderer kaya ang may gawa nito? Napako ako sa aking kinatatayuan na nanginginig sa takot ang mga tuhod ko ng biglang nakaapak ako ng isang matigas na bagay.
Tiningnan ko kung ano ang naapakan ko at nakita ko ang isang screwdriver na may dugo pa ang matulis na dulo. Siguro ito ang ginamit ng murderer para patayin niya si Jenny at agad ko naman itong pinulot. "Ito siguro ang ginamit niya para butasin ang noo ni Jenny?.."
Tiningnan ko ulit si Jenny na halatang nahihirapan siya bago siya binawian ng buhay. Pero mabuti nalang at ipinikit niya ang kanyang mata. Pero di ko pa rin siya kayang hawakan ulit dahil sa gulat pa rin ako na patay na siya.
"Ano kaya ang gusto niyang sabihin sa akin?" Napaisip ako ng may pagtataka.
"Kai?!" Rinig kong may tumawag sa aking pangalan na isang pamilyar na boses.
Nakatayo siya sa pintuan at tiningnan ko siya kung sino. Di ko siya nakilala pero nung naanigan siya ng liwanag ng buwan ay nakita ko ang mukha niya.
"S-Sarah?"
Sarah's POV
Alam ko namang may nagawa akong kasalanan eh.. Pero bakit ba paparusahan pa kami ng ganito...? Ang patayin pa kami?..
Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iiyak ko at halos mabasa na ang unan ko dahil niyakap ko ito palapit sa aking mukha. Ang sakit na kasi isipin na naghihirap na kami ngayon sa classroom namin dahil may pumapatay sa amin ni hindi nga namin alam kung sino ito... At kailangan muna naming itago to ng sikreto hangga't di pa nalulutas ang lahat ng misteryong to.. Naaawa ako sa mga magulang na akala nila'y buhay pa ang kanilang mga anak, Pero sa totoo ay patay na pala sila. Ayaw ko pang mamatay... Hindi ko pa gustong mamatay...
Tumahan na ako sa pag iyak ko dahil wala naman akong magagawa kung palagi nalang akong iiyak, Hindi ako ganito! Kailangan ko pa ring magpakataas noo as the "Maldita Beauty Queen" ng school namin. Malakas ako hindi ako mahina. Alam kong malalaman rin namin kung sino ang Class Murderer na yan..
Matutulog na nga sana ako ng biglang tumunog ang ringtone ng phone ko na nagpapahiwatig na may nag text message sa akin.
"Sino naman to?!" Tanong ko sa aking sarili na may pagtataka ng makita ko ang isang unknown number. Agad ko namang binuksan ang message.
"Recipient: 09987654321
Message Body:
Punta ka dito sa Dorm's Cafeteria! Bilis! May nangyayari!"
Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko sa kaba. Ramdam ko na may nangyayari talaga. Ano bang meron don? Anong nangyayari?
Dali-dali akong tumalon sa aking kama at agad kong binuksan ang aking pintuan at lumabas ng aking dorm room. Nagmamadali akong tumakbo patungo sa cafeteria ng dorm. Sobrang dilim sa hallway pero hindi ko nalang to inisip at patuloy na tumakbo.
Pagkadating ko sa cafeteria ay napatigil ako sa pagtakbo at hinabol ko muna ang aking hininga ng may nakita akong dalawang pigura na nasa loob ng cafeteria.
Ang isa ay nakaupo habang ang isa ay nakatayo na may hinahawakan na isang bagay. Na parang matulis na bagay. Nakatayo lang ako dun at parang di nila ako napapansin. Di ko nakilala ang pigura ng lalaking nakatayo kasi sobrang dilim ng bigla siyang aninagan ng liwanag ng buwan at nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Ang lalaki na may dala na screwdriver.... Si Kai?...
"Kai?!" Tawag ko sa kanya na may panginginig ang boses.
Agad niya naman akong tiningnan na may gulat na ekspresyon sa kanyang mukha.
"S-Sarah?"
"Anong ginagawa mo dito?" Agad akong lumapit sa kanya na tinatarayan ko pa siya. "Ano yang screwdriver na yan ha?" Tanong ko sa kanya.
Hindi siya nakasagot at itinuro niya ang babaeng nakaupo at laking gulat ko sa aking nakita. "Si Jenny ba yan?!" Tinakip ko nalang ang kamay ko sa aking bibig at tiningnan siya. "Anong ginawa mo?!"
"Wala akong alam! Pagkadating ko dito ay ganyan na siya. May butas na sa kanyang noo at patay na siya!" Bungad pa niya na halatang nagpapanic.
Tiningnan ko ang kanang kamay niya na hawak ang screwdriver na may dugo pati ang mga kamay niya may dugo. "Are you the one doing all of this, Kai?!" Napalakas ang tono ng boses ko sa kanya. "Ikaw ba ang pumapatay?! Ikaw ba ang Class Murderer?!" Dagdag ko pa na tiningnan siya ng seryoso.
"H-Hindi ako.... Maniwala ka, Sarah! Hindi ako ang gumawa ng lahat ng 'to!" Paliwanag pa niya. Really? Magrarason pa ba talaga siya ng nakita ko na ang proof? Kita ko na duguan ang mga kamay niya at hawak hawak niya pa ay isang screwdriver! Alam ko na siya na talaga ang may gawa ng lahat ng ito! Hindi niya ako maloloko!
"Just you wait until everyone knows this, Kai! Isusumbong ka namin sa mga pulis!" Sambit ko pa sabay kuha sa phone ko at dumiretso sa Groupchat ng section namin.
Sarah: Guys, I know na kung sino ang gumagawa ng lahat ng ito sa atin! Ang pumapatay sa mga kaklase natin!
Arvie: Sino?!
Ken: Huh? Sino?!!
Sarah: Eh sino pa ba?! Edi ang nagpapakahero sa ating classroom! Wala nang iba kung di si Kai!
Cool: Sabi ko na nga ba eh! Paano mo nalaman?!
Sarah: Punta kayo dito sa Dorm's Cafeteria para malaman niyo ang totoo!
Cool: Sige, Papunta na ako diyan!
Kenedy: Ako din!
Sarah: *likezone*
"Oh Kai, Now what will you do?" Pagtataray ko pa sa kanya. "I told everyone na ikaw ang Class Murderer! At papunta na sila dito!" Sambit ko pa sabay irap sa ere.
"Huh?! Hindi naman ako ang gumagawa lahat nito eh! Wala akong kasalanan!" Sigaw pa niya sa akin.
"Defensive lang?! Isn't this enough para patunayan nga na ikaw ang Class Murderer?!" Dagdag ko pa as I put both of my hands on my hips na tinatarayan ko pa siya.
"Sabing hindi ako eh!" Sigaw pa niya na kasabay pa ay ang pagtulak sa akin na nagdulot ng pagkabagsak ko sa sahig.
"Oh diba?! Hindi ka lang defensive, Nangtutulak ka pa ng babae! Ikaw nga talaga ang totoong Class Murderer! You Demon!!" Sambit ko pa sa kanya ng malakas na hindi pa rin tumatayo sa aking pagkakabagsak.
"Sarah!!" May tumawag sa aking pangalan na nangagaling sa labas ng cafeteria.
"Andito lang ako! Tulong! Help me guys!"
Agad ding nagsipasukan lahat ng mga kaklase namin at dali-dali akong tinulungan ni Art para makatayo. "Guys, Si Kai! Pinatay niya si Jenny!"
Lahat ng tingin ay nasa kay Kai lang at halatang nagagalit ang kanilang mga mata at ekspresyon sa mukha.
"Sabi ko na nga ba eh! Ikaw ang may gawa ng lahat ng ito, Kai!" Galit na sigaw ni Cool at dali-daling sinugod si Kai at pinagsusuntok niya ito. Serves him right for killing our classmates!
"Cool.... Tama na.... Maniwala ka... Hindi ako ang gumawa... Please tama na...." Pagmamakaawa pa niya hanggang sa mapaupo na siya sa sahig at sinipa pa siya ni Cool, Pero ni isa sa aming mga kaklase ay wala nang tumulong sa kanya, ngayon na alam na namin na siya ang Class Murderer.
"Ito lang ang bagay sayo na Gago ka!" Sigaw pa ni Cool na parang nangigigil na sa kasisipa niya kay Kai.
At maya-maya'y inawat na si Cool ng iba pa naming mga kaklase nung nanghihina na si Kai. Sayang! Tapos na ang palabas! Tsk!
"Lumaban kang gago ka!" Dagdag pa ni Cool na pilit na gustong makawala sa pag aawat sa kanya nila Renz at Kenedy. "Wala kang hiyang puta! Pinatay mo mga kaklase natin! Bitawan niyo ko!"
"COOL, TAMA NA!" Sigaw ni Rain sa kanya. Pfft! Nangingialam pa ang Vice Mayor namin. Really?! "Inawat ka na nga, Magpapatuloy ka pa!"
huminahon ng kunti si Cool at agad na pumaligwas sa pagkakahawak sa kanya nila Renz at Kenedy at sumandal sa pader ng nakahalukipkip. "Tandaan mo! Di pa tayo tapos!"
"Vice, Bakit mo naman siya pinigilan?! Eh dapat lang sa kanya yan eh! Pinatay niya mga kaklase natin, Remember?!" Suhestiyon ko na nagtataray na tiningnan pa si Rain.
"Eh hindi nga naman natin alam ang totoo kung si Kai nga ba ang Class Murderer eh! Hindi nga natin narinig ang paliwanag niya, Pinagbintangan mo na siya! At binugbog pa!" Balik na tingin niya sa akin na naiinis ang ekspresyon sa kanyang mukha.
"K! Whatever!" Inirapan ko siya at nanahimik nalang.
Class Murderer's POV
"That was close!" Bulong ko pa at ngumisi pa ng nakakaloko ng patago. "Sana tinuluyan nalang dapat siya ni Cool. Sayang naman sa palabas. At pinigilan tsk!"
Agad naman pinuntahan ng iba naming mga kaklase si Kai na naghihirap at tinulungang makatayo.
"Boys! Itago niyo to!" Utos pa ni Rain na ipapatago ang katawan ni Jenny.
Sobra talagang uto-uto si Sarah! Naniwala talaga siya na si Kai ang Class Murderer HAHA! Dali lang pala tong magamit na babae eh! At si Cool pwedeng pwede rin siyang magamit para hindi ako mabisto at para mapagkamalan nila si Kai at hindi ako haha!
Nakakatawang tignan si Kai kanina na marahas na binubugbog ni Cool, Pero sayang nga naman talaga kasi nga pinigilan. Anyway, Di rin naman magtatagal yang Kai na yan! Mamamatay din yan! Pero wag muna ngayon, Masyadong maaga pa para gawin yun. Hihintayin ko lang na sabihin niya sa akin kung ano ang dapat kong gawin.
Pagkatapos nang lahat ng mga nangyari ay bumalik na kami sa kanya kanya naming mga dorms at sinigurado na malinis ang dorm cafeteria para walang magtaka sa umaga. Sinabihan lang kami ni Ryle na kalimutan ang mga nangyari kanina. Tumango nalang kami. Pero di ko yun makakalimutan! Naaliw kasi ako sa aking napanood eh.. Nung bugbugin si Kai.. Haha!
"Dapat walang makialam..." Sabi pa niya sa akin bago ko binaba ang phone.
Third Person's POV
Nagsigawan lahat ng estudyante ng may makita silang lahat na isang estudyanteng lalaki na may eyeglass sa dulo ng hagdanan na duguan ang kanyang ulo.
"Diba taga Section 11P1 yan?"