Cool's POV
"Sabi ko na nga ba eh! Si Kai talaga ang may gawa nito lahat!" Inis na inis kong pinagsusuntok ang pader. "Papakahero pa para sa lahat, Pero siya lang pala ang gumawa ng lahat ng ito! Ang putang yon! Di siya tao! Isa siyang demonyo!"
"Huminahon ka, Cool! Di pa naman natin alam kung totoo nga na si Kai ang may gawa nito lahat eh!" Pakalma daw sa akin ni Ricky, Pero imbis na pakalmahin ako ay uminit ng sobra ang ulo ko.
"Hindi pa ba sapat yun sa inyo ang nakita niyo kagabi?!" Suhestiyon ko na napalakas ang aking boses. Kainis talaga! "Malinaw nga na si Kai talaga ang Class Murderer! Sigurado na ako!" At agad kong binulsa ang aking mga kamay sa magkabilang bulsa ng pants ko at agad na naglakad palayo para makapaghangin sa aking mainit na ulo. Bakit pa ba naging Cool ang pangalan ko kung maiinitin ang ulo ko? Fck!
Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kagabi, Alam ko namang walang kasalanan si Kai at alam ko namang hindi siya ang Class Murderer, Pero ang mga nakita ko kagabi ang nagpapatunay na siya nga ang Class Murderer!
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Jilly na patungo ng campus. Matagal ko na rin siyang hindi nakikita dahil sa palagi siyang absent dahil sa kanyang sakit na palaging nilalagnat.
"Uyy Jilly!" Tawag ko sa kanya at inakbayan pa siya na biglang nagpalamig ng aking ulo at nawala ang pagkamainitin.
"Cool?" Nagulat siya pagkaakbay ko sa kanya. "Bakit mo ko inaakbayan?" Napakunot nalang siya na tumingin sa akin.
"Wala lang! Miss na kasi kita! Kaytagal mo kayang hindi pumasok, Saan ka ba galing? Di pa ba nawawala ang lagnat mo? Nag worry kaya ako sayo!" Binahaan ko siya ng mga matatamis na salita at biglang napalitan ang ekspresyon ng kanyang mukha. Parang nandidiri.
"Ew! Kadiri mo!" Sambit pa niya na tinanggal pa niya ang kamay kong nakaakbay sa kanya. Natatawa nalang ako sa kanyang pagka boyish. Cute nya kasi eh. "Kung matagal tagal man akong hindi pumasok, Wala ka nang paki don! Wag kang matsismoso, Di ka gwapo!" At nagmamadali siyang naglakad patungo campus ng naiinis.
Natawa lang ako dito sa kinatatayuan ko habang tinitignan siyang naglakad palayo. Tanging siya na nga lang ang nagpapasaya sa akin. Ang nagpapawala ng init sa ulo ko!
Pero, Bigla ko na namang naisip si Kai, Ang natatanging taong nagpapainit na naman ng ulo ko. Hindi pa tayo tapos, Gago!
Jaymee's POV
Maaga akong nakarating sa campus namin at ako pa ang unang estudyante sa classroom namin. May gagawin kasi akong project ngayon sa filipino subject namin kaya napaaga ako ng dating.
Inihanda ko na ang aking mga kagamitan para sa paggawa ko ng aking project sa teacher's table. Hindi kasi ako nakagawa kagabi dahil sa mga nangyari.
Dahil nga sa mga nangyari, Hindi ako nakatulog ng maayos. Paulit ulit ko kasi yung inisip kahit na sinabihan na kami ni Mayor na kalimutan na muna ang mga nangyari. Pero hindi ganun kadali eh! Nabaon na sa utak ko ang mga nangyari.
"Pero hindi pa rin ako naniniwala na si Kai ang Class Murderer! Kilala ko kaya siya, At alam kong hindi niya iyon magagawa!" Nasabi ko sa aking sarili habang nilalagay ang mga design sa aking project. Inayos ko muna ang salamin sa aking mata at nagmamadaling tapusin ang project ko para di ako mag panic mamaya.
~~
Pagkatapos ng 30 minutes ay natapos na rin ako sa aking project. "Yeheey!" Napasigaw ako sa aking isipan. Lumabas muna ako ng classroom namin at tumayo sa may hagdan na nilalanghap pa ang hangin na nangagaling sa labas.
"Jaymee!" May tumawag sa aking pangalan na isang pamilyar na boses at alam kong parating siya. Dahil nga nakatalikod ako, Humarap ako sa kanya, Pero pag harap ko ay naramdaman ko nalang na itinulak niya ako at bigla nalang ako nahulog sa mga hagdan. Ramdam ko ang bawat untog ng ulo ko sa hagdanan pababa. Di ko akalaing magagawa niya sa akin to. Parang nababasag na yung bungo at mga buto ko dahil hindi pa rin ako tumigil sa pag kakahulog at nauuntog pa rin ang ulo ko at ramdam ko na ang pagragasa ng dugo na galing sa aking ulo.
Nakaabot na ako sa dulo ng hagdanan at wala na akong lakas para tumayo. Ang huli ko nalang nakita ay ang mukha ng tumulak sa akin. Siya nga....
At unti-unting nandilim ang paningin ko at bigla nalang ako nawalan ng malay. Patay na siguro ako...
Rain's POV
Sabay kaming sumakay ng elevator ni Renz patungo 5th floor kung saan ang classroom namin.
"Sa tingin mo, Naniniwala ka bang si Kai yung Class Murderer?" Napalingon ako sa sinabi niya.
"Oo? Hindi? Siguro? Ewan ko? Wala naman akong alam eh.. Hindi pa naman tayo sigurado eh. Wag muna tayong mambintang, Hindi tama yun." Sagot ko sa kanya ng diritso na nagkibit balikat pa ako.
Nanahimik nalang siya hanggang sa makarating kami sa 5th floor.
"Ahhh!!" May narinig kaming sumigaw na parang nangagaling malapit sa classroom namin. Nagkatinginan kami ni Renz at dali-dali na tumakbo ng mabilis patungo kung saan may sumigaw.
"Ano yun?" Pagtataka ni Renz nang may nakita kaming maraming estudyante na nagtitipon tipon sa dulo ng hagdanan.
"Anong nangyari?" Tanong ko sa isang estudyanteng tatakbo sana para pumunta sa mga nagkatipon tipong estudyante.
"May nahulog daw na estudyante sa hagdanan! Duguan ang kanyang ulo! May eyeglasses siya at sabi nila na taga Section 11P1 daw yung estudyante!" Paliwanag niya na nagpatibok ng mabilis sa aking puso dahil sa kaba. Wag naman sana.
Pagkapunta namin doon ay hindi nga ako nagkamali. Si Jaymee!
Nakahandusay ang kanyang katawan na duguan ang kanyang ulo sa dulo ng hagdanan. Patay na ba siya?
Pumunta ako kaagad sa kanya kasi bilang Vice Mayor ng class namin, Kailangan kong gawin ang part ko. Kailangan na talaga tong malaman ng mga teachers! Ng mga parents! Ayaw kong naghihirap kami!
"Jaymee! Gumising ka! Jaymee!" Sigaw ko sa kanya na inilagay ang kanyang ulo sa binti ko dahil lumuhod ako.
"Renz!" Tawag ko. "Tumawag ka ng Teacher! Bilis!" Utos ko sa kanya at agad naman siyang tumakbo ng mabilis patungo sa faculty.
Pagkatapos non' ay may mga teachers na dumating at kasama rin ang Class Adviser naming si Miss Aede na pinatawag na ang ambulansiya.
"Ano bang nangyari, Bretaña?" Tanong ni Miss sa'kin.
"Hindi ko po alam, Miss. Kakarating lang po kasi namin ng nakita namin na nagkakagulo na ang ibang mga estudyante, Miss." Paliwanag ko sa kanya ng diritso.
Napahinga nalang si Miss ng malalim na napalitan ang kanyang ekspresyon na parang nag-aalala. "Alam niyo ba? Nag-aalala na ako sa class niyo! Hindi ko na kayo maintindihang lahat. Para kayong isa-isang nawawala ng parang bola. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang to pero pansin ko ay may nakukulang na sa Class niyo. Maliban sa pagkamatay ng kaklase niyong si Illie, Dahil nalaman kong wala na siya. Pero ang iba mong mga kaklase. Parang nawawala na!" Nagulat ako sa mga sinabi ni Miss. Pansin niya na pala? Hindi ko na alam ang gagawin kung sasabihin ko na nga ba sa kanya ang totoong mga nangyayari sa classroom namin.
"Miss, Kasi-" Naputol nalang ang gusto kong sabihin ng may tumawag sa kanya na isang guro.
"Sige, Bretaña. Punta na ako!" Paalam niya sa akin.
"Ano nang gagawin namin?" Bulong ko sa aking sarili.
Ryle's POV
Sumama ako sa hospital kung saan si Jaymee dinala. Nakontak na rin ang mga magulang niya at parating na sila dito any minute now.
"Saan si Jaymee?" Tanong sa akin ng isang Babae na may kasama pa na isang lalaki na para bang nagmamadali sila.
"Kayo po ba ang mga magulang ni Jaymee?" Paninigurado ko at tumango lang sila. "Nasa room 407 po siya naka confine po." Agad kong tinuro ang kwartong may number na 407 at dali dali naman silang pumasok doon. Ewan ko kung paano nila ako nakilala. Siguro sa uniform ko.
As their Mayor, Feeling ko hindi ko na pinoprotektahan ang mga kaklase namin kung di pinapahamak ko na silang lahat dahil hanggang ngayon tinatago pa rin namin ang sikreto na to sa class namin. Tanging ang parents lang ni Jaymee ang nakaalam sa nangyari na sinapit ng anak nila. Pero ang ibang parents ng kaklase namin na namatay ay hindi pa nila alam ang lahat. Pakiramdam ko ang sama ko. Pinangako ko na naman dapat na di na maging masama pero ang nagawa ko ay mas sobra pa na nagbibigay ng kapahamakan sa buong klase namin. Naalala ko tuloy ang ginawa kong pagkakasala noon... Ang pagkakamali ko ng dahil sa selos..
~~
2 years ago
"Happy 9th monthsary, Bae!" Bati ko sa aking boyfriend. Oops! Nagkakamali kayo, Hindi ako bakla o ang boyfriend ko. Bisexual kaming dalawa. So what? Mahal namin ang isa't-isa wala na akong paki sa mga sasabihin pa ng iba! Duh! Love wins kaya.
"Happy 9th monthsary din, Bae! Stay strong tayong dalawa ha?" Bati niya rin sa akin pabalik sabay halik sa pisngi ko na nagpapula sa akin dahil sa kilig.
9 months na kami ng boyfriend ko at of course stay strong talaga kami, Nangako kaya kami sa isa't isa na dapat kami lang habang buhay. Magpapakasal kami sa Thailand dahil pwede doon ang same s*x marriage.
Sa mall kasi kami nagkameet ng boyfriend ko dahil sa Near group chat. Iniwan kasi ako ng girlfriend ko sa mga panahong yun at kaya ti-nry ko ang Neargroup at dun ko siya nakilala. Hanggang sa hingiin niya sa akin ang profile name ko sa sss then nagkalabuan na at nagkaaminan hanggang sa nagkameet kami sa personal at niligawan niya na ako. Sinagot ko naman siya dali ng Oo kasi gusto ko siya eh haha. Cute ng love story namin no?
Palagi kaming nagsasama dalawa tuwing namamasyal at wala namang makakahalata dahil discrete kaming dalawa pareho, At Bestfriend ang tingin sa amin ng mga tao so Okay na yun haha!
Kahit na palagi kaming nag-aaway dahil sa mga pagkakamali ay nadaan lang naman namin to sa paglalambingan. Kaya hanggang ngayon, Kahit mag aaway pa kami ay naglalambingan lang kami para makapagbati. Yiieee. Cute namin.
Alam kong di niya ako lolokohin dahil loyal siya alam ko yun'. Pero may isang linta na palaging pabalik balik na magchat sa kanya. Ang kanyang Ex-Girlfriend.
Sabi niya na gusto daw ng girlfriend niyang makapagsimula muli silang dalawa at nagsisisi na daw siya na hiniwalayan niya ang boyfriend ko. Pero sinasabihan na lang niya ito na di na siya kasi may mahal na siyang iba. At AKO yun! Duh! Serves that girl right!
~~
Fast forward.... Isang araw nalang at Mag wa-1 year monthsary na kami. Esshh. Matagal na pala kaming dalawa, Yiiee stay strong talaga haha.
"Bae! Stay strong sa atin yiee!" Sabi ko pa sa kanya sabay abot ng rosas na pula.
"Salamat babe! Stay strong din! Walang hiwalayan ha?" Wika pa niya na inabot ang rosas at hinalikan ako sa lips ko. Syempre! Sobrang kilig ko! "Bukas na ang 1 year anniversary natin yiiee!" At kiniliti niya ako sa gilid at napatalon nalang ako.
~~
Matagal akong naghintay sa kanya sa meeting place namin, Pero di siya dumating. Kaya umalis nalang ako na inisip na may sorpresa siya sa akin, Kasi ganun naman ang lagi niyang ginagawa niya sa akin eh. Mga surprises.
Habang naglalakad ako ay napadaan ako sa isang restaurant at nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
Ang boyfriend ko at ang kanyang ex girlfriend magkasama na naghalikan pa sa lips?...
Halos tumigil ang kamay ng orasan nang makita ko ang pagchecheat niya sa akin. Tumulo ang luha ko at tumakbo nalang ng mabilis para makaalis sa restaurant na yun.
"Hindi yun totoo, diba? Hindi yun totoo!" Mga katagang paulit ulit kong sinasabi sa utak ko. Umiiyak pa rin ako kasi di ko akalaing kaya niya yung gawin sa akin. Ang lokohin ako! May pasabi sabi pa siyang stay strong! Puta! Stay strong niya mukha niya!
Napuno ng galit ang aking puso at isipan at dali dali akong nagbihis ng tshirt at pantalon na black, At dali akong kumuha ng kutsilyo sa kusina at lumabas ako ng bahay namin at agad na pumunta sa bahay ng boyfriend ko. Alam kong wala ang parents niya ngayon. Boyfriend kaya niya ako, kaya alam ko! Hehe!
Nag doorbell ako sa pintoan nila at binuksan niya naman ito at pagkabukas niya sa pinto ay bumulaga sa akin na yakap yakap sa kanya ang kanyang ex girlfriend. Nagulat siya ng makita ako. "R-Ryle?"
Ngumisi lang ako sa kanya. "So, Ryle nalang pala ngayon ang tawag mo sa akin? Hmm... Akala ko ba Bae ang tawag mo sa akin?" Pabiro ko pa sa kanya na pumasok pa sa kanilang bahay.
"Babe, Sino yan?" Tanong sa kanya ng kanyang chakang ex gf.
Bago pa man siya makapagsalita ay linapitan ko ang ex niya. "Oh hi! I'm Ryle Belotindos! Your Ex's Boyfriend!" Nakita ko na napakunot noo ang babae na para bang nagtaka.
"Ahh-Excuse me? Hindi bakla ang boyfriend ko para pumatol sayo! Your quite handsome, But my boyfriend's ain't no gay!" Bungad pa niya na nagtataray pa.
"Your boyfriend? Excuse me, Correction! YOUR EX-BOYFRIEND to be exact! Baka nalilimutan mo, Wala na kayo! Kaya Ex ang tawag! Makati ka pala no?" Pagkasabi ko sa mga katagang yun ay agad na nainis ang ekspresyon ng mukha niya at bumitaw sa pagkakayakap sa BOYFRIEND KO!
"You dont have the right to say that to me, You gay!" Sambit pa niya sa akin na tinuturo pa ako sa kanyang hintuturo. Agad kong kinuha ang kutsilyo ko at pinutol ang hintuturo niyang tinuturo sakin. Serves her right!
"Ahhhh! What did you do?!" Sumigaw siya ng naputol ang hintuturo niya at dumudugo pa ito.
"Ryle? Anong ginawa mo?!" Sambit sa akin ng bf ko ng may pagtataka. "Bakit mo ginawa yun?!"
"Kasi makati kayong dalawa!" Pagkasabi ko sa mga katagang yun ay sinaksak ko sila sa kutsilyo sa kanilang dibdib at nawalan na sila ng buhay. Patay na sila.
Parang inulanan ng dugo ang sala ng bahay dahil sa baha ng dugo nilang dalawa sa sahig.
Doon ko pa napagtanto na mali ang ginawa ko at agad kong lininis ang sarili ko para di mahalata at dinala ko rin ang kutsilyo pabalik sa akin pagkatapos kung linisin ito.
"Sorry..."
~~~
Hanggang ngayon, Wala pa ring nakaalam sa tinatago kong pagkakasala, Kaya pala siguro gusto akong patayin ng Class Murderer kasi ay malaki ang nagawa komg kasalanan ng dahil sa selos.
"Kaklase ka ni Jayme hindi ba?" Tanong sa akin ng babae, Mama ni Jaymee.
"O-Oo po! Mayor niya po ako sa classroom! Kamusta po siya? Okay lang po ba siya?" Tanong ko sa kanya na may pag-aalala.
"Okay lang naman siya sabi ng doctor." Napahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. "Pero...... Comatose nga lang daw siya.." Pansin ko ang pagluha ng kanyang mga mata at tinakpan niya ito sa kanyang mga kamay. Kahit na ako, Naluluha sa kanyang sinabi. Buhay nga si Jaymee, Pero comatose naman.
Agad naman siyang yinakap ng kanyang asawa, Ang Papa ni Jaymee at umupo sila sa isang upuan sa labas ng kwarto ni Jaymee kung saan siya naka confine.
"Malakas po si Jaymee! Sigurado po akong magiging Okay po siya! Tiwala lang po kayo sa kanya!" Lumapit ako sa kanila at nginitian ng matamis.
Lumapit ang Mama ni Jaymee sa akin at yinakap ako ng matagal. "Salamat...."
"W-Walang anuman po.."
Pagkatapos nun ay nagpaalam na ako sa kanila at bumalik sa school namin at pagdating ko doon ay nakita ko na bumalik si Detective Harrison sa aming class.
Mag-iimbestiga na naman ba sila?