Detective Harrison's POV
Napakamot lang ako sa aking ulo habang ina-analyze ko ang bawat sagot ng mga bata ng 11P1. Hindi naman siya mahirap at parang alam ko na kung ano ang sagot kung ano ang dahilan kung bakit tumalon ang isa sa kanilang mga kaklase mula sa rooftop patungong ground floor, Pero bakit parang di ko pa rin maiintindihan ang lahat ng ito? Sobrang hirap ng kasong ito. Ngayon ko pa lang to naranasan na ganitong klaseng kaso na dinadaluyan ng sobrang misteryo. Hindi ko alam kung ako lang ba 'to, Pero parang hindi ito ordinaryong kaso ang ikinakaharap ko ngayon.
"Chief Harrison, Phone Call po! Para sa inyo daw!" Sabi ng isa kong kasamahan na iniabot pa sa akin ang telepono.
"Hello, Magandang Araw! Detective Harrison Of Kingsman Police Department!" Inilagay ko ang telepono sa aking tenga at binati kung sino man ang tumawag.
"Detective Harrison, We've got another case for you!" Wika ng isang babae sa kabilang linya at napakunot noo lang ako. "The school na may isang estudyanteng babae ang tumalon na galing sa rooftop, Still Remember?" Dagdag pa niya na parang naninigurado.
"Yes, Maam! Naaalala ko pa! Bakit?"
"Kasi, Isa na naman sa mga students na nabibilang dun' sa same class ng babaeng tumalon ay naaksidente! That's why we need your help to solve this case!" Bungad pa niya na nagpabigla sa akin.
"Sige Maam! Papunta na kami diyan!" Pagkatapos nang pag-uusap namin ng babae sa kabilang linya ay binaba niya na agad ang tawag at binaba ko na rin ang telepono at inilapag sa mesa ko.
"Samahan niyo ko!" Utos ko sa aking mga kasamahan sabay kuha ko sa aking brown na sumbrero at ipinatong sa ulo ko.
Pumasok na agad kami sa sasakyan at nagsimula nang magmanobela ang isa kong kasamahan.
Sabi ko na nga ba at may nangyayari sa class na yun eh! Dapat kailangan kong alamin to!
~~
Pagkadating namin sa class na yun ay tahimik na nakaupo lang lahat ng estudyante na kabilang doon.
"Okay, 11P1, Pinadala na naman kami dito sa isa sa mga staff ng school niyo para mag imbestiga sa nangyari sa isa sa mga classmate niyo." Paliwanag ko sa kanila. "Tulad ng ginawa ko noong unang araw, Gagawin ko na naman yun ulit ngayon! Tatawagin ko kayo isa-isa sa labas at tatanungin ko kayo isa-isa ng mga tanong na may relasyon sa kaso." Dagdag ko pa at nagsimula na akong lumabas.
Kita sa mga mukha ng mga estudyante ang kaba at parang gumuguhit sa kanilang mga mata ang mga sikreto na di nila dapat ipaalam. Klarong klaro na may nangyayari talagang di maganda sa class na ito!
"Cool Arche!" Banggit ko sa aking isang kasamahan at pumasok siya sa classroom ng mga estudyante para tawagin ang estudyanteng nagngangalang 'Cool Arche'.
Lumabas kaagad ang estudyante at humarap sa akin ng may blanko pero may galit at naiinis na ekspresyon sa kanyang mukha. "Ano pong tanong niyo?" Pina sarkastiko niyang tanong. Di ko yun nagustuhan sa aking tenga na tono pero pinalampas ko nalang yun.
"May alam ka ba-" Bago ko muna matapos ang tanong ko ay sumingit siya.
"Kung may gusto man kayong tanungin sa mga nangyari, Si Kai nalang po tanungin niyo! Wala akong alam, Okay?!" Sa tono ng kanyang boses, Alam kong naiinis siya. Pero sino naman ang 'Kai' na pinagsasabi niya? Kaklase ba nila?
Papasok na sana siya pabalik ng classroom ng pinigilan ko siya.
"Sana naman sa puntong ito ay sagutin mo ako ng seryoso at hindi sarkastiko o pilosopo!" Tugon ko sa kanya na pilit na hinawakan ko ang kanyang balikat.
"Ano?!" Pabagsak ang tono ng kanyang boses at tinignan pa ako sa kanyang malamig na mga mata pero ako ang matanda kaya palalampasin ko nalang.
"Sino si Kai? Kaklase niyo? Saan siya?"
"Kaklase namin siya! Kung gusto niyong malaman kung saan siya, Marahil nasa kanyang Dorm siya ngayon nagtatago!" Paliwanag niya at pumasok na sa classroom.
Ano naman ang meron sa kaklase nilang si Kai?
Sharmaine's POV
Hindi sa nag-aalala ako sa kaklase naming Kai ang pangalan dahil nga pinagbintangan siya ng kaklase naming si Sarah na siya ang Class Murderer "daw" dahil nakita niya ito na may hawak na screwdriver sa harapan ng patay na katawan sa isa naming mga kaklase na hindi ko nakilala. Gusto ko lang malaman ang kalagayan niya dahil nga seatmate ko siya, Yun lang duh!
Nasa harap na kami ngayon sa pintuan ng dorm room ni Kai at kasama ko ngayon ang iba pa naming mga kaklase na sina Annie, Aya, Leslie, Kenedy, At syempre si Rain..
"Wait! Di na ba tayo kakatok? Parang ang rude naman kung papasok lang tayo ng hindi man lang kumakatok!" Suhestiyon ko kay Kenedy ng pilit na niyang pihitin ang doorknob.
"Chill ka lang! Hindi naglolock ng pinto si Kai every morning! At sanay na naman kaming pumapasok sa kanyang room na hindi kumakatok at nasanay na rin siya sa amin na pumapasok lang ng diritso!" Wika pa niya at tuluyan na ngang pinihit ang doorknob at pumasok na sa loob ng kwarto.
Ang weird naman. Bakit hindi siya naglolock? What if the Class Murderer tries to get in and kill him? Hindi ba siya aware? Haysst... Really?
Anyway, Papasok na din sana ako ng kwarto ng pinigilan ako ni by none other than my ex bestfriend, Rain...
"What do you want?" Pagtataray ko pa sa kanya.
"Alam ko na ang pakay mo kung bakit ka nagtransfer sa school namin!" Bungad pa niya.
"Well, Congratulations dahil nalaman mo!" Sarkastiko kung sagot habang pumapalakpak pa ng mahina. "Pfft.. As if you know me, Rain!" Inirapan ko siya.
"Oo!" Suhestiyon niya. "Alam kita, Sharmaine! Sobrang kilala kita! Nandito ka para isabi sa lahat ang sikreto ko! Diba yan naman ang pakay mo at the first place kung bakit ka napadpad dito diba?!" Dagdag pa niya na halatang naiinis dahil sa tono ng kanyang boses.
"Oh my god, Rain! You thought that I'm going to burst out your bubbles to everyone in this school? Heck no! I'm just here cause napilitan ako ng parents ko para daw maging independent ako! I'm not here to talk about what you've done! You're still an evil queen, Rain! You still don't change! Sana man lang nakonsensiya ka sa ginawa mo at aminin mo na sa lahat ang nagawa mo!" Diin na diin kong pagkakasabi sa kanya na nasa pagtataray na tono. Nawala ang mala anghel kong ekspresyon at ngiti habang sinasabi ko ang bawat salitang binubuga ng bibig ko sa twing kausap ko si Rain.
Hindi na siya nakapagsalita at tinignan nalang ako sa mga mata. "Oh ano? Speechless ka?" I flip my hair and go inside Kai's dorm room at sumunod naman si Rain na nilock pa ang pinto. Mabuti naman at nagpakabait siya!
"Oyy Okay ka na ba?" Tanong ni Annie sa kanya na may halong pag-aalala sa kanyang boses.
"Oo, Okay lang ako! Salamat sa pag-aalala. Kailangan ko lang magpahinga para makapasok na ako bukas." Wika pa ni Kai na naghihirap na lagyan ng yelo ang kanyang kaliwang mata para mawala ang kanyang blackeye na ibinigay ni Cool sa kanya. Grabe pala ang suntok ni Cool. Tatayo na sana siya sa kanyang kinahihigaan ng muntik na siyang nadapa.
"Uii Kai mag ingat ka!" Paalala sa kanya ni Rain na tinutungan pa siya makabalik sa higaan niya. "Alam mo namang hindi pa maayos ang kalagayan mo eh!"
"Gusto ko lang naman kasing uminom ng tubig eh." Wika ni Kai na parang nagmamakaawa na bata na naghihintay na merong kumuha sa kanya ng tubig na maiinom.
"Ako na!" Alok ko pa at agad naman akong kumuha ng malamig na tubig sa refrigerator ni Kai na nakalagay sa glass bottle at kumuha ako ng baso para lagyan sa tubig. "Kai oh!" Abot ko sa kanya at inabot niya naman ito ng dahan-dahan.
"Salamat, Sharmaine!" Wika pa niya na ngumiti pa ng matamis. Ngitian ko nalang siya bilang ganti pero bakit ang weird? Ba't parang tumitibok ang puso ko ng mabilis pagngiti niya? Hay nako! Ano na naman ba 'to?
Habang kami ay nag-uusap sa loob ng kwarto ay may biglang kumatok sa labas ng pintoan.
Nagkatinginan lang ang lahat na para bang nagpapasa pasahan kung sino ang tatayo para buksan ang pinto.
"Leslie, Ikaw nalang kaya magbukas ng pinto?" Utos ni Kenedy sa kanina pa na nanahimik na si Leslie at tumango lang din naman siya sa kanyang ulo at tumayo para buksan ang pinto.
"Ahhm Guys...." Tawag ni Leslie sa amin pagkabukas niya sa pinto.
Biglang pumasok ang mayor namin na Ryle ang pangalan kasama ang detective na nag imbestiga sa amin noong unang araw.
"Anong ginagawa ni Detective Harrison dito?" Pagtataka ni Kenedy.
"Guys, Kasi-" Putol ni Ryle ng biglang sumingit si Detective Harrison.
"Sino ba sa inyo ang nagngangalang Kai?" Tanong niya sa amin habang nilibot niya ang kanyang paningin.
Napakunot noo kaming lahat kung bakit niya hinahanap si Kai. Anong kailangan niya sa kanya?
"A-Ako po!" Pautal na sagot ni Kai na tinaas pa ang kanan niyang kamay. "Bakit po?"
Agad na nilapitan ni Detective Harrison si Kai na nakaupo sa kanyang kama.
"Gusto kitang makausap bukas sa aking opisina, May gusto lang akong ipakompirma sa'yo." Rinig kong sabi niya kay Kai at agad lang naman na tumango si Kai na gumuguhit pa sa kanyang mukha ang pagtataka.
Pagkatapos nun' ay lumabas na sila ng tuluyan sa kwarto at sa tingin namin ay bumalik na sila sa kanilang opisina.
"Anong pakay nun, Ryle?" Tanong ni Rain.
"Ewan ko." Napakibit balikat si Ryle ng sagutin niya ang tanong ni Rain. "Ang tanging sinabi lang niya ay gusto niyang kausapin si Kai." Paliwanag pa nito.
"Wag mong sabihing, Baka pati ang mga pulis pinaghihinalaan din si Kai!" Napatingin sa aming lahat si Aya.
"Hindi!" Suhestiyon pa ni Ryle. "Narinig ko kasi si Cool kanina na sinabihan niya si Detective Harrison na si Kai ang makakasagot sa mga nangyayari!"
"Talaga naman oh!" Napakamot sa kanyang ulo si Kenedy. "Hanggang ngayon ba ay si Kai pa rin ang pinagbibintangan niya sa nangyari kay Jenny?"
Magsasalita na muna ulit si Ryle ng biglang nagsalita si Kai.
"Okay lang yun, Guys! Kahit na pagbintangan niyo pa ako, Okay lang sa akin. Dahil alam kong inosente ako at wala akong ginagawa na masama. Kaya kahit ano pa man ang maaari nilang ipagtapon sa akin ma mga salita, Okay lang sa'kin yun!" Wika niya na pinilit pa ang ngumiti.
Okay, I don't really get him! Pinagbibintangan na nga siya, Okay pa rin sa kanya? Like hello? Kung ako niyan magagalit talaga ako! Ano bang nasa Kai na to? Sobra niya namang nagpapakabait sa mga demonyong tao na nakapalibot sa kanya. Tss.. Anyway, I don't think na fake siya cause watching him being like that, It only proves na totoo siya. Not like someone I know.. Rain!
Jilly's POV
Wala akong ibang narinig sa room kanina kundi puro Kai dito Kai doon. Ano bang problema nila kay Kai? Talaga bang sinisisi at pinagbibintangan talaga nila si Kai sa mga nangyayari? Hindi naman sila sigurado kung si Kai nga yung pumatay kay Jenny eh! Sumusobra na talaga sila!
Anyway, Naglalakad na ako ngayon pabalik ng dorm ko dahil nag cuttinh classes ako. Wala namang pumasok na mga teacher namin ngayomg araw eh, So ano pa gagawin ko don?
Habang naglalakad ay nadaanan ko muli ang lumang abandonadong bahay kung saan narinig ko na nag-uusapan ang mga Class Murderers.
"I check ko kaya ulit siguro..." Sabi ko sa aking sarili na pilit na lumapit sa bahay at sumilip na naman sa glass window.
Nakabukas ang ilaw sa loob ng bahay at nakita ko ang isa naming kaklase sa loob na umuupo lang sa isang upuan sa gilid ng mesa. Si..... Aries?