Chapter 024: The One Who Knows

2636 Words
Aries' POV Alam ko na siya ang pumatay kay Jenny dahil wala na namang iba ang gagawa nang ganun ka brutal na pagpatay sa mga kaklase namin. Kaya hindi nga ako pwede magkamali, Siya nga talaga ang pumatay. "Bakit mo pinatay si Jenny?!" Bagkus ang naiinis na ekspresyon sa mukha ko habang hinila ko siya sa likod ng school namin. "Dahil sa ginawa mo ay napagbintangan si Kai! Ano bang pumasok diyan sa kukuti mo at nagawa mo yun ha?!" Ngumisi lang siya at tumalikod sa akin na hindi man ako sinasagot. "Sagutin mo ako!" Sigaw ko sa kanya. "Ayaw na ayaw ko sa mga pakialamera!" Sagot niya na humarap pa sa akin ng blanko ang ekspresyon sa kanyang mukha na tiningnan pa niya ako sa kanyang mala demonyong mga mata. "Muntik na akong mabisto dahil sa babaeng yun, Kaya ayun nararapat lang sa kanya ang Mamatay!" "Pero kahit na-" Naputol ko ang sasabihin ko sa kanya ng bigla siyang sumingit. "Atleast hindi ako traydor!" Wika pa niya na ngumisi pa ng nakakaloko. "Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka ko. "Pfft! Wag ka ngang umarte ng wala kang alam!" Sarkastiko niyang panimula na lumalakad palapit sa akin. "Sabihin mo nga, Aries! Bakit mo ibinigay ang Susi mo kay Kai? Gusto mo atang mabisto tayo ah!" Dagdag pa niya na hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Tapos na ang pinagawa niya sa akin!" Sambit ko pa sabay tulak sa kanya palayo sa akin. "Kaya wala ng rason para manatili sa akin ang susing yun! Hindi ko na kinakailangan yun!" "Tignan lang natin kung saan ka magtatagal sa iyong katrayduhan na ginawa mo, Aries.... Mag-ingat ingat ka, Baka sa mga oras na ito, Ikaw ang isusunod ko!" Pagbabanta pa niya sa akin na may ngiti pang hindi ko maipaliwanag kung masama ba ang ngiti na yun o ano nga ba. "Wag na wag mo kong bantaan, Kung sa salita ka lang naman at hindi sa gawa!" Pang-aasar ko sa kanya na sinabayan ko pa ang ngumisi ng nakakaloko. Nakita ko ang pagkainis ng ekspresyon sa kanyang mukha nung inasar ko siya. "Wag na wag mong kalimutan na may pagkakasala ka ring nagawa.... Pasalamat ka at hindi konektado ang nagawa mong mali sa kanya." Dagdag pa niya at lumakad na palayo sa akin na bumalik na sa loob ng school. Bakit? Ano bang pakialam niya sa nagawa ko? Hindi naman niya alam ang lahat ng nangyari ah! Wala talaga siyang alam sa buong nangyari! 3 years ago Inihanda ko na ang Jersey shirt at Jersey short ko na may numero pang 10 dahil excited na ako sa basketball championship namin bukas. Ilang araw ko rin itong pinaghahandaan. Mabibigyan na din ng bunga ang pawis at pagod ko. ~~ Kinaumagahan, Gumising ako ng maaga para makapaghanda na. Sabi kasi nang Coach namin ay kung posible ay dapat 7:00 Am Sharp ay nandun na kaming lahat ng team ko kung saan iheheld ang basketball championship. Sa MR3 Court! Mga bandang 6:30 ay umalis na ako ng bahay para mag antay na ng Jeep. At pagkatindig ko palang sa labas ng gate namin ay may huminto ng isang Jeep sa harapan ko. Ayos! Maaga talaga ako makakarating sa MR3 nito! At agad na akong sumakay sa Jeep at dahil swerte ako, Hindi siksikang Jeep ang sinasakyan ko. Mga pito lang kaming pasahero. Nakarating na ako sa tapat ng MR3 sa eksaktong 6:50. Agad kong ipinaabot ang bayad ko at bumaba na ng Jeep. "Uyy, Bro! Mabuti at nandito ka na!" Bati sa akin ng isa sa mga ka Teammate ko sa aming team na nakipag apir pa sa akin. "Kaya nga bro eh! Napaaga kasi ako ng gising dahil sa excited ako!" Tugon ko sa kanya at ngumiti nalang sabay apir din sa kanya pabalik. "Parating na daw si Coach Joey, Guys!" Pahayag sa amin ng isa pa naming ka teammate na hawak hawak pa ang kanyang phone dahil chinat niya ang Coach namin. "Himala at matagal dumating si Coach!" Pagbibiro pa ng isa naming ka teammate na nagdulot ng pagtawa ng lahat. "Guys, Andiyan na si Coach oh!" Wika pa ng isa naming ka teammate sabay turo sa isang pulang jeep na pumara at lumabas nga ang Coach namin at nilapitan kami ng team ko. "Maaga kayong lahat ah! Mabuti naman!" Bungad pa niya sa amin na sinabayan pang ngumiti. Yung ngitin na bubuo ng araw mo. Yan ang Coach namin. "Hands in guys! Hands in!" Sabi pa ng isa naming ka teammate at lahat kami ng hands in sabay sigaw sa team name namin. "GO! CARAVANIZAS!" Pagkatapos naming mag hands in ay pumasok na kami sa loob ng Court at dun namin nakasalubong ang team na makakalaban namin ngayon sa Basketball Championship. Ang Ninjazeros! Agad namang nilapitan ng coach namin ang coach ng kabilang team at mukha yatang nag-uusap ang mga coach namin. "Aries! Tayo pala ang maglalaban ngayon!" May tumawag sa akin at paglingon ko ay ang aking nakakabatang kaibigan na si "Jerick". Ngayon ko lang napagtanto na kasama pala siya sa kabilang team. "Uyy Jerick! Ikaw pala makakalaban ko ngayon! Good luck sa atin!" Bungad ko pa sa kanya na nakipag apir pa at ngumiti. "Nabigla nga ako pag anunsiyo sa Coach namin na team niyo pala ang makakalaban namin eh! Pero sa kabilang dako, Ay excited ako na ikaw ang kalalabanin ko!" Sabi pa niya na nasa pagbibiro ang tono at tumawa pa ng mahina. "I wont go easy on you, Dude!" Pabiro ko sa kanya na parang nagyayabang at tumawa pa. "As am I, Dude!" Sambit pa niya at iniabot pa ang kamay niya sa akin wari'y makipagshake hands. "May the best team wins, Dude!" At iniabot ko na rin ang kamay ko sa kanya at nakipag kamayan. Hindi pa rin kami nagbabagong dalawa haha. Ganito talaga kami simula pa pagkabata namin, Nagyayabangan at nagbibiruan haha. Kaya masaya ako na team nila ang makakalaban namin. Pagkatapos ng ilang oras ay nagsipasok na ang mga mararaming tao para manood ng laro namin at inanunsiyo na rin na magsisimula na ang laro namin. ~~ "Delicano for 3 points!" Rinig kong sigaw ng nag sasalita sa mic nung naka 3 pointer ako. May titig 6 na members ang naglalaban laban sa 1st batch at kasali ako sa 1st habang ang kaibigan ko na si Jerick ay hindi pa pinayagang maglaro dahil alas daw siya ng team nila. "Aries! Sayo!" Tawag sa akin ng isa kong ka teammate sabay hagis patungo sa akin ang bola. "Sige!" At nasalo ko naman ang bola at dali dali akong tumakbo patungo sa ring at hindi ko inisip ang mga ibang team na nasa defense at diri-diritso lang ako sa pagtakbo na binibiswal ko sa aking utak na mashoshoot ko ang bola. Nakasunod rin sa akin ang ibang team pero hindi ko na sila inisip at nag 2 points shoot ako! Maraming tao ang naghihiyawan at nagsisigawan sa galak na nakita nila na nag 30 points na sa amin habang sa kabilang team ay 27 points lang. ~~ Sa 2nd batch ng game ay nandito na si Jerick sa harapan ko na para bang naghahanda na talunin ako. Pero hindi ako papatalo! Kahit kababata ko pa yan haha! "Humanda ka na, Aries!" Wika pa niya na nagbibiro pero ang ekspresyon sa mukha niya ay nagbago. Parang hindi na si Jerick na nakilala ko sa bagong ekspresyon niya sa mukha na blanko. Ilang beses niya akong pasikretong sinangga pero binalewala ko nalang ito kasi alam kong basketball tong linalaro namin eh kaya ganun. Pero ramdam ko na talaga na sinasadya niya na ang lahat ng ito ng apakan niya ang paa ko ng sobrang lakas na napa aray pa ako dahil sa sakit pero hindi ko na inisip yun at pilit nalang ako tumakbo patungo sa kanya para agawin ang bola na nasa kamay niya. "Last 2 points to decide the winner!" Sigaw ng nagsasalita ng mic. Nasa akin na ang bola at alam kong mananalo na kami nito pero nakasunod pa rin sa akin si Jerick na ngumisi ng nakakaiba. Dahil parang nadistract ako ay agad niyang naagaw ang bola at tinulak pa ako na nagdulot ng pagbagsak ko sa sahug pero di lang yun pinansin ng mga tagapanood. Naka 2 pointer si Jerick at nanalo ang team nila sa championship. ~~ "Angas mo, Pare!" Rinig kong sabi ng isa king ka teammate ng lapitan niya si Jerick. Naiinis man dahil sa nangdaya siya dahil tinulak ako pero di ko nalang yun inisip at naiinis nalang ako sa sarili ko dahil sa pagkatalo ng team namin.. "Dude, Lampa ka pala!" May biglang tumapik sa balikat ko pagkalabas ko ng court at paglingon ko ay si Jerick pala. Pilit ko nalang na ngumiti sa kanya at hindi umimik at inalis ang kamay niya sa aking balikat at lumakad na palayo ng bigla niya akong sigawan. "Wag mo kong tatalikuran, Gago! Lampa! Noob! Weak!" Pagkarinig na pagkarinig ko sa mga katagang iyon ay napunan ng galit ang utak ko na para bang sasabog na ako dahil sa sobrang galit na di ko na matiis dahil sa mga sinabi niya. Bigla akong huminto sa paglalakad at lumingon at dahan dahan akong lumapit sa kanya at may ibinulong sa kanyang tenga. "Kung di dahil sa kadayaan mo, Kami na sana ang panalo. Kaso nangdaya ka eh, Kaya nanalo kayo!" Ng sa isang iglap ay madali niyang hinablot ang braso ko at sinuntok ang aking kanang pisngi. "Ano ngayon kung nangdaya?! Lampa ka lang talaga kasi eh kaya natalo namin ang Team niyo! Gagong Noob!" Itinulak ko siya papalayo sa akin at sinuntok ko siya sa kanyang kaliwang mata pabalik dahil nakakapang asar na talaga ang gago! "Ganun pala ha?! Ikaw ang mas gago kasi ikaw ang nangdaya! Palibhasa, Nabubuhay ka dahil sa pandaraya mo! Hindi ka tao, Jerick! Demonyo ka!" Sigaw ko sa kanya na marami pa ang taong nanonood sa amin. "Puta ka, Aries!" At sinugod niya ako pabalik at dun kami nagsimula nang magbugbugan ng sobra. Hampas doon, Hampas dito, Suntok doon, Suntok dito, Sipa doon, Sipa dito, at Tulak doon, Tulak dito. Halos masira na ang mga mukha namin dahil sa mga sugat na natama namin sa aming mga kamao pero wala lang yun, Kaya ko pa at parang kaya pa rin niya kaya okay lang hanggang sa di nagtagal ay nagsilabasan ang mga teammates at coaches namin at inawat kami sa pag aaway. "Ano bang napasok sa mga kukuti niyo at gumawa kayo ng gulo dito?!" Sigaw sa amin ni Coach Joey. "Mandaraya kasi yang Jerick Juno na yan, Coach! Nung naglalaro kami kanina ay tinulak niya ako kaya tayo natalo!" Paliwanag ko sa kanya na nagngingitngit pa ang aking mga ngipin dahil sa galit. "Puta ka, Aries! Ikaw yung nagpapakalampa! Hindi ako mandaraya! Sadyang lampa ka lang talaga! Tang'na mo!" Sigaw niya pabalik sa akin hanggat sa ipinaglayo na kami ng mga coaches namin at ipinahatid kami sa aming mga pamamahay na hindi man lang natapos ang pag aaway namin. Shet kainis! ~~ Dahil sa galit ko sa kanya ichinat ko siya na magkita kami sa may seawall para mag usap. Hindi niya alam na may pinaplano ako. Pagkadating ko sa seawall ay nakita ko siyang nakaupo sa isang bench at nilapitan ko pa ito. "Ano bang kailangan nating pag-usapan ha?!" Bungad pa niya at tumayo. "Ang katapusan mo!" Sambit ko sa kanya at hinatak ang kanyang kamay patungo sa dulo ng seawall at itinulak. Hindi siya marunong lumangoy at malalim lalim na amg kinahuhulugan niya na dagat at marami pang mga salungo sa ilalim. Kaya patay na siya sa ilalim. "Mabulok ka diyan!" Sigaw ko pa sa kanya habang tumatawa pa ako ng malakas na tinitignan siya na naghihirap na sa paglangoy at paghinga. "W-Walang hiya.... kang gago ka...." Pautal niyang sabi habang nalulubog na ang kanyang ulo sa tubig. Tumawa lang ako ng tumawa dahil wala namang tao kaya pinanood ko nalang siya hanggang sa mawalan na talaga siya ng hininga. Ulit akong nabuhayan ng pag-iisip at ngayon ko palang napagtanto na mali ang nagawa ko. Mali ang nagawa ko dahil nadadala lang ako ng aking emosyon. Pero huli na ang lahat.... Patay na si Jerick... Pinatay ko siya...... ~~~~ Dahil sa mga nangyari ay pinilit kong iwasan ang lahat. Ayaw kong maalala pa ang mga nangyari noon. Gusto ko nang kalimutan ang lahat ng yun at isipin nalang na nanaginip lang ako ng masama sa mga oras na yun. Pero hindi... Totoo talaga ang lahat na nangyari. Pero, Nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit may nagawa akong pagkakasala ay hindi ako kabilang sa mga papatayin ng Gagong yun! Hindi konektado ang pagkakasala ko sa mga pagkakasala ng iba naming mga kaklase. Pero ang pagkakasala ko ay isa pa ring sikreto... Nawalan ako ng ganang pumasok dahil wala namang mga teachers at dahil uwian na sa ibang klase ay tumuloy na rin ako sa pag uwi. Pero imbis na sa Dorm room ko ay pumunta ako sa abandonadong bahay kung saan palagi kaming nag-uusap kung sino ang isusunod na patayin. Pero hindi ako ang pumapatay! Kusang nasali lang ako dito simula nung nanghingi siya ng tulong sa akin na pumatay para mapagbigyan ng hustisya ang lahat. Dahil nga, Ayaw ko nang pumatay pa ay sumusunod nalang ako sa mga utos nila na kunin ang mga nagkasala para sila nalang ang tatapos sa kanila. Binuksan ko agad ang ilaw sa abandonadong bahay pagkapasok ko at umupo sa upuan na nasa gilid ng mesa at nagmumuni muni dahil sa napakatahimik ang paligid. Pero.... Ang ikinababahala ko lang ay parang may tumitingin na mga mata sa akin habang umuupo ako dito... Parang nasa glass window? Nabigla ako sa aking nakita na meron talagang sumisilip sa labas ng glass window. Kaklase namin siya. Si Jilly? Lumabas ako kaagad ng bahay at pumunta sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pa sa kanya na may halong pagtataka. "Diba dapat ikaw ang tanungin ko kung bakit ka nandito?" Pa sarkastiko niyang sabi sabay irap ng nakahalukipkip. "Wala ka nang paki don! Ikaw ang tinatanong ko!" Bungad ko pa sa kanya. "Wala ka na ring paki don!" Sambit niya pabalik sa akin. Ano bang nasa babaeng to? Kahit umabsent na nga ng ilang weeks ay hindi pa rin nagbabago. Lalaki pa rin pumorma dahil sa kaangasan niya. "Sabihin mo nga, Aries...." Napatalbog ang puso ko sa kaba pagkarinig ko ng mga katagang yun sa kanya. Pero mas kinabahan ako sa kanyang dinagdag. "Isa ka ba sa kanila?" Dahil hindi ako ang tipo ng tao na magpaligoy ligoy pa, Tumango ako sa aking ulo bilang Oo. "Pumapatay ka rin ba gaya nila? Ikaw ba ang Class Murderer?!" Nanlaki ang mga mata niya pagkatanong niya sa akin ng mga tanong. "Hindi ako ang pumapatay! At lalong lalo na ay hindi rin ako ang Class Murderer! Ako lang yung nagdadala sa kamatayan ng mga gusto nilang patayin. Kung baga sa maikling salita, Inaalay ko sa kanila ang gusto nilang patayin." Paliwanag ko sa kanya na tinignan pa siya ng diritso. "Kahit na! Isa ka pa rin sa gumagawa ng p*****n! Ano bang naging kasalanan ng mga kaklase natin at ginagawa niyo ang mga ito? Dahil porket ba nagkasala lang ang iilan sa atin ay papatayin niyo na?!" Sigaw pa niya sa akin ng malakas. "Jilly-" Bago ko pa man masabi ang gusto kong sabihin kay Jilly kung sino ang totoong Class Murderer ay bigla nalang sumingit siya sa usapan. "Traydor ka nga pala talaga, Aries no? Akala mo kakampi, Pero sinaksak ka na pala ng kutsilyo pag tumalikod! Siguro kailangan mo nang manahimik rin!" Lumingon ako sa kanya na ngumisi pa siya ng nakakaloko na may blankong ekspresyon sa mukha at bumalik na naman ang malamig niyang mga mata. "I-Ikaw?!" Rinig kong pagtataka na sabi ni Jilly. "Time to zip your mouths!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD