Chapter 025: Where this lead?

2241 Words
Kai's POV "Gusto kitang makausap bukas sa aking opisina, May gusto lang aking ipakompirma sa'yo." Naalala ko ang sinabi sa akin ni Detective Harrison nung bumisita siya dito noong isang araw. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa kanyang sinasabi pero kailangan ko siyang puntahan para malaman kung ano ang pakay niya. Magaling na ang pakaramdam ko kaya papasok na ako sa araw na ito,Pero kita pa rin ang blackeye sa kaliwa kong mata na tinama ko galing sa kamao ni Cool pero kailangan ko nang pumasok sa araw na ito para makausap si Detictive Harrison mamayang lunch sa kanyang opisina. Habang naglalakad ako sa hallway, Pakiramdam ko ay pinagtitinginan ako ng mga tao sa t'wing dumadaan ako. Para akong natutunaw sa mga malalamig nilang tingin. Ewan ko ba kung bakit nararamdaman ko ito, Pero dahil siguro to sa nangyari noong unang gabi na feeling ko pinagtitinginan ko ako ng mga tao kahit hindi naman. Huminga ako ng malalim nang makatayo na ako sa labas ng classroom namin. Inosente ka Kai, Wag kang matakot! Sabi ko sa aking sarili at pinihit ko na ang doorknob at binuksan ang pinto at pumasok na sa classroom namin. Biglang natahimik ang classroom namin pagpasok ko at lahat sila nakatingin sa akin. "Look who's back? It's the Class Murderer, Guys!" Rinig kong wika ni Sarah habang kinukuha niya ang atensiyon ng lahat at nagsimula nang magbulong bulongan ang lahat. Hindi ko nalang sila pinansin at dumiritso nalang ako sa aking upuan. Inilapag ko na ang bag ko sa armchair na inuupuan ko at umupo nalang. "Wag mo nalang silang pansinin, Kai!" Sabi pa ng katabi ko na si Sharmaine. "Wala lang kasi silang magawa sa mga buhay nila, Kaya ganyan sila eh!" Dagdag pa niya at tiningnan ang ibang mga kaklase namin. Nginitian ko nalang siya bilang sagot ko at hindi nalang din siya pinansin. "Guys sa tingin niyo, Mabubuhay pa kaya tayong lahat until at the end of the school year? I mean... Mamamatay lang naman tayong lahat diba?" Rinig kong pagtataray na sabi na naman ni Sarah na parang nagpaparinig ng mga salita at ako yung pinapatamaan niya. "Hay naku! Di na talaga tayo mabubuhay nito.. Omaygash nakakahaggard!" Kahit masakit sa damdamin ang pinapatama niyang mga salita sa akin ay di ko na talaga siya pinansin at chinecheck ko nalang ang phone ko para maaliw ang sarili ko. "Pilit pang nagpapakabayani para magmukhang inosente pero sa totoo, Siya lang pala ang may gawa! Gaguhan eh!" Kumuros pa si Cool habang nakikipagtawanan pa siya sa kanyang mga kaibigan. "Mamamatay tao talaga haha!" Alam kong kahit hindi ako nakatingin sa kanila ay ako ang tinitignan nila sa kanilang mga matutulis na mga mata na parang kutsilyo. Halakhak dito, Halakhak doon, Pambibintang dito, Pambibintang doon lang ang naririnig ko sa kanila. Mga masasakit na mga salita na tila'y patalim na nakakamatay. Pero binalewala ko lang yun at hindi ko nalang yun isinaulo at patuloy lang na inaaliw ang sarili ko sa pag scroll up and down sa phone ko. "Palibhasa, Feeling Inosente kahit hindi naman!" "Bro wag kang ganyan, Baka iiyak na siya HAHAHAAHHAHAHA!" "Bayaning Mamatay Tao!" "Baka papatayin niya na tayong lahat omaygaad! Hahaha!" Patuloy ko pa ring naririnig sa iba naming mga kaklase ang masasakit na mga salita na pinangungunahan nila Sarah at Cool. At dumating na nga sa point na hindi ko na kinaya at sumabog na ang bulkan sa ulo ko dahil napupuno na ako sa kanila. Agad akong tumayo at hinampas ko ang aking armchair ng malakas gamit ang kamay ko at agad kong tinignan ang mga taong nagtatapon sa akin ng mga masasakit na mga salitang hindi naman totoo. Alam kung wala akong karapatan dapat na magalit dahil alam ko naman na inosente ako, Pero sa akin nila pinapatama lahat ng kanilang masasakit na mga salita kaya hindi ko na sila palalampasin pa. "Aba, Aba, Galit ka na?" Pa sarkastikong tunog na tanong ni Cool na tumayo rin sa kanyang upuan at lumakad palapit sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat. "Alam mo, Kahit magalit ka pa.... Alam na naman ng lahat na ikaw ang Class Murderer eh, Wala ka nang rason pa na maibuga sa amin dahil hindi ka inosente! Demonyo at mamamatay tao ka!" Diniianan niya ang pagkakasabi sa bawat salitang sinasabi niya na ngumingisi pa ng nakakaloko. Nagstinginan lang ang iba naming kaklase na parang hindi nila alam kung ano ang gagawin. Agad ko namang inalis ang mga kamay ni Cool sa aking mga balikat at itinulak siya palayo. "Uulit-Ulitin kong sasabihin sayo to, Cool. Wala kang karapatan na pagbintangan ako dahil hindi ka sigurado kung ako ba talaga ang Class Murderer! Wala kayong mga proof bara pagbintangan niyo ako! Malay niyo, Kayo lang pala ang mga gumagawa ng lahat ng ito at ipinasa lang sa akin para ako ang magmukhang masama! Mga gago kayo!" Galit na galit kong sabi sa kanya habang inilibot ko ng ang aking paningin sa kanyang mga kakampi "daw" para maipatama ko rin ang mga salitang dapat na maipatama sa kanila. Pasensiya nalang sa kanila kung lalabas ang Kai na di nila magugustuhan. "Aba'y Gago ka rin pala ano?!" Sambit pa ni Cool at itinulak ako ng malakas at napabagsak nalang ako sa sahig at nasanga ang gilid ko mesa ng isa sa mga armchair na nasa likod ko. Napa aray nalang ako sa sakit dahil sa lakas ng pagkakatama ko. "Tandaan mo, Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng Gago! Kami lang ang may karapatan na sabihan ka nun kasi DEMONYO KA NA NGA, MAMAMATAY TAO KA PA!" At tinuturo pa niya ako habang sinisigaw niya ang mga salitang yun. Tatayo na dapat sana ako para sugurin siya ng biglang tumayo si Sharmaine at tinulungan akong tumayo at pinaupo ako sa upuan ko. "Diyan ka lang muna, Kai." Sabi pa niya ng mahinhin na sinabayan pa niyang ngumiti ng matamis. Kita kong naglakad siya patungo sa harapan ni Cool at nginisihan niya ito na para bang hindi siya si Sharmaine dahil nawala ang kanyang pagka anghel na mukha at ngiti. "Alam mo, Sharmaine, Hindi ka dapat nakikipagkampi-" Bago pa man maitapos ni Cool ang kanyang sasabihin ay namaga at namula na ang kanyang kanang pisngi dahil sa malakas na pagkakasampal sa kanya ni Sharmaine. "Ano, Cool? Mambibintang ka pa?" Kalmado pero sarkastikong turan niya kay Cool. Nanlaki ang mga mata ng lahat ng kaklase namin dahil siguro nabigla sila na kayang gawin ni Sharmaine yun kay Cool. Pati ako nabigla. Hindi ko akalain na magagawa niya yun. Napahawak nalang si Cool sa kanyang pisngi at tumingin ng pagkabigla kay Sharmaine pero wala lang si Sharmaine at nginitian lang niya si Cool. "Kai, Kunin mo na bag mo pati sakin! Bilisan mo!" Utos niya sa akin at tumango nalang ako at ginawa ang kanyang pinagawa. Lumabas na siya ng classroom at sinundan ko na lamang siya na habang nakanganga ang lahat na naiwan naming mga kaklase. "Uyy saan tayo pupunta?" Tawag ko sa kanya na hinawakan ko pa ang balikat niya dahil nakatalikod siya. "Diba, Pinapunta ka ni Detective Harrison sa opisina niya para makipag usap siya sayo? Dun tayo pupunta! " Lumingon siya sa akin at tiningnan niya ako. Bumalik na ang mala anghel niyang mukha at mala anghel na ngiti. Dali-dali niyang hinablot ang kanyang bag sa aking kamay at hinatak ako at agad kaming tumakbo palabas ng school namin. "Teka- May klase pa tayo, Sharmaine!" Bungad ko pa sa kanya pero di siya nakinig at hinigpitan pa niya ng hawak ang kamay ko habang nagtatakbo. Ano tong nararamdaman ko? Bakit tumitibok ng malakas ang puso ko? Hindi naman sana.... Detective Harrison's POV Nandito pa rin ako sa opisina ko at hinihintay ang estudyanteng nagngangalang Kai para makausap at matanong ko siya ng mga bagay tungkol sa mga nangyayaring kababalaghan sa klase nila. Kinuha ko ang maliit kong notebook at tinignan ulit isa-isa ang sagot ng mga estudyanteng nabibilang sa klaseng yun. "Ang babaeng tumalon.... At ang Lalaking nahulog sa hagdanan..." Napaisip ako ng mga maaaring mga kasagutan sa mga bugtong na nasa mga kamay ko. To be exact, Alam ko na ang sagot ng mga ito pero meron lang akong gustong ipakompirma para lahat ay maunawaan ko na. Alam kong may isang taong gumagawa ng masama sa klaseng yun. Pero para makompirma, Gusto kong tanungin ang esstudyante na si Kai. Hindi ko alam kung makapagtitiwalaan ang batang yun' pero nararamdaman kong magiging malaking tulong siya para mabigyan na ng kasagutan ang mga ito. "Chief Harrison?.." May tumawag sa aking pangalan sa labas ng pintuan ng opisina ko sabay katok. "Pasok!" Bungad ko pa na pagbukas ng pinto ay bumulaga ang isa sa mga kasamahan ko. "Chief, May naghahanap po sa inyo!" Sabi pa niya na nagpakunot ng noo ko dahil sa pagtataka. "Sige, Papasukin mo!" Utos ko pa at may pumasok na dalawang estudyante na galing sa Saviour Boarding University dahil sa mga uniporme nila at kabilang sila sa Class na iniimbestigahan ko. Pagkatingin ko sa mukha ng lalaking estudyante na nasa harapan ko ay si Kai pala. Agad namang lumabas ang kasamahan ko at isinara na ang pinto para bigyan ako ng pribado na pakikipag usap sa mga estudyante. "Maupo muna kayo." Wika ko pa sa kanila sabay upo sa dalawang upuan na nasa tigdudulo ng mesa ko. "Detective Harrison, Ano po ang gusto niyong ipakompirma sa akin?" Mahinhing tanong ni Kai. "Gusto ko lang ipakompirma sa'yo ang natuklasan ko tungkol sa Section niyo." Seryosong sagot ko pa sa kanya at kita ko sa kanyang mukha ang pagkagulat at napalunok siya. "Sabihin mo nga, May nangyayari bang hindi maganda sa loob ng Class niyo?" "K-Kung meron man po akong nalalaman ay kaunti lang po at hindi po pwedeng sabihin..." Pautal na tugon pa niya na nagpagulat sa akin dahil sa mga sinabi niya. Tama ako ng hinala! May nangyayari talaga sa section ng mga batang to. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa loob ng opisina ko at ulit ko silang kinausap. "Alam niyo, Bago pa lang akong nagsimula na mag imbestiga sa Class ninyo pero marami na akong natuklasan." Panimula ko pa at tumingin ang dalawang estudyante sa'kin na parang nacucurious sila sa mga susunod na sasabihin ko. "Alam kong may mga nangyayaring kakaiba sa klase niyo pero hindi pa ako sigurado. Alam ko ring may isang taong gumagawa ng masama sa section niyo at nabibilang lang siya sa klase niyo! Pero gusto ko lang ikompirma sa'yo kung totoo nga ba ang mga natuklasan ko. Kasi kung hindi man totoo ay di ko nalang ipagpapatuloy pa ang paghinalaan ang Section niyo!" Nanlaki ang mga mata ng dalawang estudyante na nasa harapan ko at nagkasitinginan lang silang dalawa at yumuko sa kanilang mga ulo. Akala ko ay wala na naman akong makukuhang sagot ng biglang magsalita si Kai. "T-Totoo po ang lahat ng natuklasan niyo, Detective Harrison!" Tumingin siya ng diritso sa aking mata kahit na nagkadautal na siya. "Pero kung tatanungin niyo pa po kami kung ano mga sikreto sa Class namin, Kayo nalang po ang tumuklas nun. Hindi po naming sabihin sa inyo, Ayaw naming may masali pa sa mga nangyayari sa Class namin. Yun lang naman po ang pakay niyo diba? Ang ipakompirma sa akin ang mga nalalaman at natuklasan niyo po? Nabigyan ko na po kayo ng sagot kaya maaari po bang aalis na po kami?" Paliwanag niya at tumango lang ako sa aking ulo ng dahan dahan at lumabas na sila ng tuluyan sa aking opisina. Kailangan talaga ako nalang muna ang kikilos nito para malaman ko ang lahat. Sharmaine's POV Kakalabas lang namin sa Opisina ni Detective Harrison at naglalakad kami ngayon palabas ng Kingsman Police Department at kanina pa tahimik si Kai. Pilit ko siyang kinausap ng paulit-ulit pero di siya nakikinig. Ano bang iniisip ng lalaking to?! "Uyy Kai!" Tinawag ko ulit ang pangalan niya ng malakas pagkalabas namin ng Kingsman at mahinang itinulak ko pa siya. "H-Huh? Bakit?" Pagtataka niya na para bang galing siya sa ibang planeta dahil sa ekspresyon niya ngayon na parang gumuguhit ang malaking question mark sa kanyang mukha. Gosh! What's with him?! "Anong huh at bakit ka diyan?! Kanina pa kaya tinatawag at kinakausap pero hindi mo naman ako pinapansin! Ano?! Nagbibingihan ka ba o sadyang nananadya ka lang na hindi ako pansinin!" Pagtataray ko sa kanya as I put both of my hands on my hips dahil naiinis ako sa kanya. "S-Sorry." Wika pa niya na kinamot pa ang kanyang ulo at pinilit pa ang ngumiti. "Napaisip lang kasi ako sa mga sinabi ni Detective Harrison eh." Napalitan ang ekspresyon niya sa mukha na may halong pag-aalala. "Mukhang kunti nalang at malalaman niya na ang lahat lahat sa Class natin." Napatingin pa siya sa akin ng may nangungusap na mga mata. What the heck?! Ano na naman tong nararamdaman ko?! I'm feeling weird! Tumitibok na naman ng malakas ang puso ko! Please wag naman sana.... Agad ko namang hinalukipkip ang kamay ko at patuloy siyang tinarayan. "So? Ano ngayon kung malalaman ni Detective Harrison ang lahat ng nasa section natin? Diba mas mabuti na nga yun para di ka na mapagbintangan nila?! Duh! Make some sense, Kai!" At inirapan ko pa siya. Napansin ko siyang huminga ng malalim at tumalikod siya sa akin at may binulong siya pero rinig na rinig ko pa rin kung ano ang ibinulong niya. "Ayaw ko nang may masali pa na ibang inosenteng tao sa gulo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD