“Aba naman, Eros!” sigaw ni Clyde sa pinsan. “Kulang na lang ay matunaw na parang ice cream ‘yang si Cyllene. Halos hindi ka na nga kumukurap matitigan mo lang siya,” dagdag niya pa. Nandito kami ngayon sa bleachers sa open field ng university. Abala ako sa pagbabasa sa chemical case study na ibinigay sa amin ng aming professor, noong isang linggo na may kinalaman sa surprise practical exam namin noong linggo rin na ‘yon. Samantalang si Eros, ay nandito sa tabi ko at para bang walang balak na pag-aralan at basahin ang ibinigay sa amin na photocopies ng case study. Sa halip ay hindi matinag ang titig niya sa akin. Kaya hindi na ako makapag-concentrate dahil pakiramdam ko ay may kung sinong humahalukay sa aking sikmura. At may kung anong kakaibang kaba akong nararamdaman habang patuloy s

