bc

Promise of Eternity

book_age12+
691
FOLLOW
3.4K
READ
goodgirl
aloof
bxg
lighthearted
ambitious
female lead
campus
office/work place
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Does eternity exist? Does forever exist?

Ano ba ang pakiramdam ng minamahal at nagmamahal?

And what is love? Ano ba ang ibig sabihin nito? Paano at kailan mo nga ba masasabi na mahal mo na ang isang tao? Ano ang batayan at sukatan nito?

Eris Cyllene Natividad, ang babaeng hindi naniniwala sa forever, eternity, at love. Simula nang maghiwalay ang kaniyang magulang ay binura na rin niya ang mga salitang ito sa kaniyang bokabularyo.

Ngunit nagbago ito nang makilala niya si Eros Zen Mandela. Ang binatang kaagad na nagpahayag ng kaniyang pag-ibig sa dalaga, ilang araw matapos ang una nilang pag-uusap.

Paulit-ulit na ipinahayag ni Eros ang pagmamahal sa dalaga. At hindi naman nabigo si Eros dahil matagumpay niyang nasungkit ang puso ni Eris Cyllene.

Naging maganda ang takbo ng kanilang relasyon, ine-enjoy nila ang natitirang mga buwan nila bilang college students nang dumating ang problemang sumubok sa tatag at lalim ng pagmamahalan nila.

Eris Cyllene was torn between her career goals, the man she loves, her life and her health.

Ano ang dapat niyang piliin? Dapat ba niyang sundin ang kaniyang puso? O tama ba na piliin niya ang kaniyang sarili at pangarap?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Coffee Shop?   Kaagad kong muling binasa ang address na nakasulat sa sticky note na ibinigay ni Ms. Kristel sa akin kanina. Ipinatawag niya ako upang utusan na ihatid ang print outs ng lectures namin sa isa sa mga kaklase ko sa kaniyang klase. Ilang beses ko pa muling binasa ang nakasulat sa papel at ang address plate na nasa pader ng coffee shop, tama naman ang address na napuntahan ko. Pero bakit dito? Sa coffee shop ba siya nakatira? Nagtatrabaho ba siya dito? “Excuse me?” pukaw ko sa atensyon ng lalaki na nasa counter ng pumasok ako sa coffee shop. “Yes? How may I help you?” magalang at nakangiti nitong tanong sa akin. “Dito ba nagtatrabaho si Eros Zen Mandela?” tanong ko. “Si Eros? Anong kailangan mo sa kaniya?” tanong nito habang seryoso akong pinagmamasdan na para bang may atraso ako sa kaniya. “Ibibigay ko lang sana ito,” sagot ko ng ipinakita ko ang brown envelope na na may lamng print outs ng mga lessons at topics para hindi siya mapag-iwanan sa mga susunod na klase. “Oh! He’s here,” bulalas ng lalaki ng itinuro ang direksyon ni Eros. Nang lingunin ko ang direksyon na itinuturo nito ay tumambad sa harapan ko ang isang binata na may mapupungay na mata. Nakasuot siya ng puting hoodie jacket, ang hood nito ay nakasuot sa kaniyang ulo habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng jacket. Ngunit may kakaiba sa kaniya, hindi dahil sa may pasa at sugat siya sa ibabang bahagi ng labi na nakuha niya matapos makipagsuntukan sa ilang estudyante. Hindi ko alam kung bakit at paanong tila may kakaiba akong naramdaman ng makita ko siya. “Hoy! Eros, nandito ang classmate mo!” sigaw ng lalaki na nasa counter kay Eros na ngayon ay naglalakad na patungo sa glass door ng cafe. “Hindi niya ba narinig na tinatawag siya?” tanong ko sa sarili ng hindi huminto si Eros. “Hoy!” sigaw pa muli ng lalaki na nasa counter bago tuluyang magsara ang glass door kung saan lumabas si Eros at naiwan kaming nakatunghay. “Pasensya ka na ha, ganoon talaga ang isang ‘yon,” paghingi nito ng paumanhin. “Okay lang. Sa ‘yo ko na lang ito iiwanan,” sagot ko ng inabot ko sa kaniya ang hawak kong envelope. “Sure. By the way, I’m Clyde Santos,” nakangiti nitong sabi ng inilahad ang isa pang kamay upang makipagkamay. “Pinsan ko si Eros.” “Eris Cyllene,” pakilala ko kasabay ng pagtanggap ko sa kamay niya. “What a beautiful name,” komento nito. “Don’t worry ako na ang bahalang magbigay sa kaniya nitong print outs n’yo,” he added as he lifted the envelope on the same level as his face. “Thank you, then excuse me I’ll go ahead,” paalam ko. “Wait lang,” pigil sa akin ni Clyde nang sundan niya ako bago pa ako makarating sa tapat ng glass door. “Would you mind to have a cup of coffee? Don’t worry it’s free,” nakangiti nitong alok. “Thank you, pero huwag na,” pagtanggi ko dahil kahit pa na libre ang alok niya ay hindi ko pa rin tatanggapin, nakakahiya. At saka sino ba namang boss ang matutuwa kung malaman mo na ibinigay ng libre ng isang empleyado ang nasa menu niyo. “Baka magalit ang boss n’yo,” dagdag ko. “Magagalit? Walang magagalit,” malapad ang ngiti niyang sabi. “Dahil kami ni Eros ang boss dito,” he added as he pointed the counter behind him using his thumb. Boss? Silang dalawa? Imposible! Halos magkasing edad lang kami at heto sila may sarili nang negosyo. “Both of our parents entrusted this cafe to us. Para raw maging independent kami. And since kami na nga ang nag ma-manage nito, hindi na nila kami bibigyan ng pera bilang allowance at pangbayad sa tuition,” paliwanag naman nito na para bang nagku-kwento sa isang kaibigan. “So was it okay now if I treat you a cup of coffee and a slice of cake? Or, a piece of bread?” pag-aalok niyang muli at saka niya ako hinila papunta sa bakanteng lamesa. “Sit here, ikukuha na kita ng coffee,” dagdag niya bago umalis papuntang counter. Sandali kong iginala ang aking paningin sa coffee shop at masasabi ko na hindi ito basta-bastang cafe lang, halatang may laban ito sa mga sikat na cafe sa lugar. Sa kabila ng katotohanan na pawang college students pa lamang ang nagma-manage nito. “Cyllene, pasensya ka na pala sa inasal ni Eros kanina,” muling paghingi ng paumanhin ni Clyde habang papalapit sa kinauupuan ko dala ang isang tray na may tasa ng kape at isang slice ng cheese cake. “Ganoon lang talaga ‘yong pinsan ko na ‘yon minsan may topak,” natatawa niyang dagdag. “Thank you, it doesn’t bother me anyway.” sagot ko. “Besides, I almost forgot that our professor wants him to attend class soon, it’s been two weeks since na discharged siya. At kung hindi pa siya papasok sa klase, he might not be able to catch up.” paalala ko. “Don’t worry, I’ll try to convince him na pumasok na ulit,” nakangiting sambit nito na tila ba ina-assure na mapapabalik niya sa pagpasok sa klase si Eros. “Thanks,” I simply replied as I bowed my head a little. I tried to focus my attention on the slice of cake in front of me. “Wait lang ha, may customer. Aasikasuhin ko muna sila,” sabi niya ng may pumasok na customer. May empleyado rin naman sila sa cafe, pero mas pinili niya na asikasuhin ang customer dahil hindi naman siguro porque boss ka ay hindi ka na gagalaw at magtatrabaho. “Clyde, mauna na ako,” paalam ko habang busy siya sa pagkuha ng orders ng mga bagong dating na customers. “Okay, pero hintayin mo ako saglit ihahatid na kita,” alok niya ng saglit niyang ibaling ang tingin sa akin. “Huwag na,” sagot ko naman bago ako naglakad palabas. “Ingat ka!” narinig kong sigaw nito bago ako tuluyang makalabas ng coffee shop.   ***   “Mama!” gulat kong tili nang biglang may humila sa akin mula sa likuran. Hinatak ako nito sa isang sulok ng kalsada. Nagkataon pa na madilim na dahil pasado alas-sais na at wala masyadong dumadaan sa bahaging ito. “Anong kailangan mo at pumunta ka sa shop namin?” tanong ng lalaking may hawak sa akin ngayon. “Sino ka ba?” tanong ko ng buong lakas ko itong hinarap kahit pa na hawak nito ang aking braso. And here he is, in front me. It was Eros who has been discharged after being hospitalized for a week. Dahil binugbog at pinagka-isahan siya ng mga senior student mula sa kabilang department sa mismong unang araw ng first semester namin bilang third year college students. Halos dalawang linggo na matapos ang insedenteng ‘yon pero hindi pa rin ito bumabalik sa klase. “Ano tititigan mo na lang ba ako at hindi sasagutin ang tanong ko?” malamig ang tono nitong tanong kasunod ng pagbitiw niya sa aking braso. “Inutusan ako ni Ms.Kristel na ihatid ang print outs ng mga lessons sa subject niya. At para sabihing kailangan mo ng pumasok kung ayaw mong ma-drop out  at balikan ang units na maiiwan mo,” paliwanag ko. Ilang sandali siyang hindi umimik kaya naman dahan-dahan na akong naglakad palayo. “Hoy!” sigaw niya ng nakaka-ilang hakbang pa lamang ako. Nilingon ko lamang siya, dahil puwede naman na hindi ako ang sinisigawan niya. Pero mukhang ako nga ang sinigawan niya dahil sa akin siya nakatingin at ang mga tingin na iyon ay para bang anumang oras ay handa na niya akong kainin ng buhay. O, kaya ay itapon sa kung saang lupalop ng mundo. “What’s your name?” tanong niya habang naglalakad papalapit sa akin. “Sabi ko anong pangalan mo?” ulit niya nang hindi ko sinagot ang kaniyang tanong. “E-Eris Cyllene,” nauutal kong sabi. “Eris,” ulit niya sa aking pangalan. “So I guess this is what it feels like when you have a caring and worried friend, right?” nakangiting bulong niya sa sarili habang nakayuko at bahagyang minasahe ang batok . Kunot-noo ko lamang siyang pinagmasdan. “You can call me Eros, since you will be my friend now,” masigla at abot tenga ang ngiti niyang sabi ng inangat niya ang kaniyang ulo upang magtama ang aming tingin. Friend? Ano bang sinasabi niya? “I’m Eros, and then you’re Eris what a coincidence,” dagdag pa niya. “Isang letra lang ang pinagkaiba ng pangalan natin, can I call you Eris?” nakangiti pa rin niyang tanong. Ano ba kasing ginagawa ko rito? At ano ba ang trip nitong lalaki na ito? Kanina lang ay para siyang mangangain ng tao, tapos bigla-bigla ay friendly na siya. Hindi na ako nagsalita pa, sa halip ay tinalikuran ko na lamang siya at saka ako naglakad palayo. I can’t even believe that this kind of person exist. He was far different from his cousin Clyde, a total opposite. “See you later Eris! Ingat ka pauwi!” sigaw niya dahilan para mapalingon sa amin ang ilan sa mga naglalakad na naroon.     KINABUKASAN ay hindi pa rin pumasok si Eros. At hindi ko na problema kung papasok ba siya o hindi. “Mama!” piping sigaw ko ng muli ay may biglang humila sa akin bago pa man ako makalayo sa building ng department namin. Tinakpan nito ang bibig ko habang hawak niya ako sa balikat. Kaya hindi ako makagalaw ng maayos upang makaalis. “Huwag kang sisigaw,” babala ng lalaking humila sa akin. Tumango na lamang ako bilang sagot. Dahil nakatakip ang kamay niya sa bibig ko. Hindi ko man nakikita ang mukha niya ay pamilyar naman sa akin ang boses nito. “Good,” bulong nito at saka ako binitawan at iniharap sa kaniya. “Eros,” kunot-noo kong bangit sa kaniyang pangalan. Ano naman ang kailangan nito sa akin? “Follow me,” he said as he put on the hood of his jacket. Hindi ko siya sinundan. Sa halip ay nanatili lamang akong nakatayo at pinagmasdan siyang maglakad palayo. I don’t have any reason to follow him . “What? I said follow me!” sigaw niya nang mapansing hindi ko siya sinundan. “Halika,” sabi pa niya ng makalapit siya sa akin at saka ako muling hinawakan sa pupulsuhan. Pero bago pa man niya ako mahila sa kung saan ay may dalawang lalaki ang tumigil sa harap ni Eros. “Kale, Nix,” narinig kong bulong niya. “Yo! Sino siya?” tanong ng lalaki na mukhang foreigner ng ituro niya ako. Matangkad ito at magkahalong kulay asul at abo ang kulay ng kaniyang mata, matangos ang ilong at maputi ang kaniyang kutis. “My friend,” sagot ni Eros sa dalawa. Friend? Hindi ko matandaan na pumayag ako na maging kaibigan niya. “Eros, can you lend us some money?” sabi ng mukhang foreigner na lalaki. “Ulit?” nagtatakang tanong naman ni Eros. “Pinutol ni dad ang allowance ko, and we need to pay for the upcoming training camp ng volleyball team,” may bahid ng pangungumbinsi sa tonong pagsasalita nito. “Come on we’re friends, right?” dagdag pa nito ng tapikin nito nang bahagya ang balikat ni Eros. “Okay,” tanging sagot ni Eros kasunod ng paglabas niya ng kanyang wallet. “Salamat!” nakangising sambit ng kasama nung mukhang foreigner matapos niyang unahan si Eros sa pagkuha ng perang papel sa sariling wallet. Matapos ‘yon ay mabilis na umalis ang dalawa na para bang walang nangyari. “Bobo ba siya? O, sadyang madali lang siyang maloko at mauto?” tanong ko sa sarili matapos makita ang nangyari. “So how was it?” tanong ni Eros matapos ang ilang segundong katahimikan. “Ha?” naguguluhan kong sambit. “I said, how was the class?” ulit niya. “Pumasok ka sa klase para malaman mo,” pranka kong sagot. If he wants to know how the class was, he should go and attend all of his unit subjects. “I’m scared. . .” mahinang sambit niya na siyang pumukaw sa atensyon ko. “Everyone has their own circle of friends now. At sila lang ang naging kaibigan ko simula first year,” he continued, referring to Kale and Nix. “I don’t think so,” salungat ko sa kaniya. “Dahil sa nakita ko mukhang one-sided lang ang friendship n’yo,” dagdag ko. “A real friend won’t use his or her friend for money. I don’t have a big number of friends except for one. And, I’m not an expert in having friends but, I’d rather have that one and only friend than having friends like them,” pranka at walang pag-aalinlangan kong sabi. “Para sa akin hindi sila matatawag na kaibigan.” His expression immediately turn dark upon hearing my opinion. “Are you really that kind of person? No filter. Sharp tongue and negative,” malamig ang tono niyang sabi at saka siya mabilis na naglakad palayo. What? Matapos niya akong hilahin nang walang dahilan kanina ay iiwan niya ako dito kasi badtrip na siya. Dahil sa inis na naramdaman ko ay hinabol ko siya at ibinato ko sa kanya ang mamon na hindi ko pa nakakain bago ako naglakad ng mabilis palayo. “Who is he to judge me? Ano bang problema niya? Nagasasabi lang naman ako ng totoo at malinaw naman na pera lang ang kailangan sa kaniya ng dalawang ‘yon. Ako na nga ang nagsabi ng totoo siya pa ang galit!” inis kong sabi habang naglalakad.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook