Chapter 2

2723 Words
“Ate bakit basang-basa ka?” nag-aalalang tanong ni Triton, ang bunso kong kapatid. “Kumain ka na ba?” tanong ko sa kaniya habang pinupunasan ang aking damit gamit ang panyo. Kung sinuswerte nga naman talaga. Kung kailan wala akong dalang payong saka naman bumuhos bigla ang ulan. “Hindi pa pero pinainit ko na ‘yong natira nating ulam kagabi,” sagot niya matapos pumasok sa banyo katabi ng kusina namin. Kinuha niya ang spare towel na nasa banyo at inabot sa akin. “Ganon ba? Umorder ka na lang ng pagkain natin,” sabi ko matapos kunin ang towel bago ako dumiretso sa aking kuwarto. “Okay,” sagot niya. At mabilis pa sa kidlat niyang inilabas ang kaniyang cellphone para umorder at magpa-deliver ng pagkain. Matapos namin maghapunan at magligpit ng pinagkainan ay dumiretso na akong muli sa kuwarto para mag-aral habang si Triton ay busy sa kaniyang online game. Kung anong hilig kong magbasa at mag-aral ay siya namang kinatamad niya, pero kahit na hindi siya masyado na nag-aaral ay matataas pa rin ang mga grades niya.   . . .   Bagsak ang balikat at tamad akong naglalakad sa gilid ng hallway dahil pakiramdam ko ay hindi lamang ang tenga at mata ko ang napagod sa lectures at discussions para sa araw na ito. Pati utak ko ay pagod na pagod na sa dami at haba ng bawat discussions at practicals sa bawat units namin tulad ng Physical Chemistry Laboratory at Molecular and Cell Biology, idagdag pa ang researches. “Cyllene!” sigaw ni Clyde habang tumatakbo papalapit sa akin. Hindi ko na kailangang lingunin siya kaagad dahil natatandaan ko ang boses niya at mukhang kakatapos lang din ng klase nito. “Pauwi ka na ba?” tanong nito bago niya ako tapikin sa aking balikat. “Oo,” tipid kong sagot. “Wanna have a cup of coffee?” nakangiti niyang alok. “Next time na lang,” pagtanggi ko. “Libre ko naman ang coffee, at saka pauwi ka na rin naman ‘di ba? Kaya sige na,” pagpupumilit niya. “Pero-” “Tara na!” putol niya sa sasabihin ko. Mabilis niyang inabot ang aking kamay upang hihalin para sumamasa kaniya. Hobby ba ng magpinsan na ito ang manghila na lang basta? “Good afternoon, Sir,” bati ng cashier kay Clyde pagdating namin sa cafe matapos ang ilang minutong pagkaladkad niya sa akin. Hindi naman kasi kalayuan ang cafe nila sa university, lima o sampung minuto lamang ay mararating mo na ito. “Clyde uuwi na ako” pilit kong pagtanggi habang patuloy ko pa ring hinihila ang kamay ko. Simula ng hilahin niya ako at kaladkarin ay makailang ulit kong pilit na hinihila ang aking braso, pero sadyang mas malakas siya sa akin kaya hindi ko mabawi ang aking braso. “Sige na, Cyllene. I don’t bite naman, at saka it’s my treat,” pagkontra niya sa akin habang patuloy akong hinihila patungo sa bakanteng upuan. “Pero kasi—” “Sige na please,” again he cut me off. “This will be my treat dahil kaibigan ka ng pinsan ko.” “We’re not friends,” mabilis kong sabi at saka akmang lalabas ng cafe. “Then, as my friend,” pigil niya sa akin. “Neither it, excuse me,” I said without even taking a glance at him. Mabilis akong lumabas sa cafe ng hindi man lamang hinintay ang sunod niyang sasabihin. Friend? I don’t need it. Just one friend is enough for me. I have my brother with me anyway. “Nakakainis! ano bang problema ni Eros ngayon?” Kale exclaimed ng makasalubong ko sila sa labas ng cafe nila Eros. “Humihindi na siya ngayon sa akin. Hindi na rin niya tayo binibigyan ng pera. At hindi na rin siya sumasama sa atin tuwing niyayaya ko siyang gumimik,” I heard him continued. I didn’t mean to eavesdrop, pero nang marinig ko ang sinabi niya ay kusa na lang huminto ang aking mga paa sa paglalakad. “So what? It doesn’t matter anyway, right? You’re not that broke or somewhat isn’t it? And what’s with the training camp that you said to him the other day,” komento at tanong ni Nix. “That? Wala lang ‘yon. Imbento ko lang ang tungkol sa camp para makakuha ng pera sa kaniya,” saad nito na sinundaan ng nakakainis na ngisi. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong magkaroon ng kaibigan. They will only be your friend when they need you and when they can get something they want from you. And then after that, you will be nothing for them. You will never be a friend for them. You’ll be just a stranger or worst, you’ll be like an air to them. “There’s no use in hanging out with him anymore. Mukhang wala na rin naman akong mahihita pa sa kaniya,” dagdag pa ni Kale. Halos kumulo ang dugo ko sa narinig, pero inignora ko na lamang ito. Wala namang kinalaman sa akin ang relasyon nilang tatlo, labas ako sa kung ano man ang meron sila. I was about to leave and walk away when I saw Eros. Nasa ‘di kalayuan lang siya at alam kong narinig niya ang pinag-usapan ng dalawa. But, he was just standing there and staring at nothing. “Sinabi ko na sa ‘yo ‘di ba?” usal ko sa aking utak habang nakatitig sa kaniya. Pero habang pinagmamasdan ko siya ay may napansin akong kakaiba sa kaniya. Ang mga mata niya. Tila wala itong buhay. His face doesn’t show any expression or emotion unlike his eyes that holds a lot of emotions a person could tell. I don’t know if I could see it right, but I can see sadness and pain. Ngunit sino ba naman ang hindi magiging ganoon ang reaksyon matapos marinig ang sinabi ng itinuturing mong kaibigan, hindi ba? I don’t know why but as I keep on staring at him, unti-unti ay kumuyom ang aking kamao. At tila may sariling buhay ang aking mga paa na pumihit pabalik sa kinaroroonan ni Kale at Nix. Wala sa huwisyo akong naglakad palapit sa kanila hanggang sa isang malakas na tunog umalingawngaw sa buong paligid. “Anong ginawa ko?” gulat kong tanong sa sarili matapos kong sampalin si Kale. At tulad ng aking kamay at paa, ang mga bibig ko ay tila may sariling buhay din na kusang bumukas. “You don’t have any right to be Eros’s so-called friend. Itinuturing niya kayong kaibigan pero sinasamantala niyo lang ang kabaitan niya sa inyo,” may diin ngunit garalgal kong sambit. “What a piece of trash.” Ano ba itong ginagawa ko? Bakit ba kahit na anong pigil ko sa aking utak na huwag makialam sa buhay ni Eros ay wala pa rin itong epekto. Tila may sariling buhay ang aking katawan. “You! How dare you slap me, b***h!” galit na singhal ni Kale sa akin kasabay ng pag-angat sa ere ng kaniyang palad. Kaya naman dahan-dahan akong napaatras nang ambang sasampalin niya ako. “Subukan mo lang!” madiing sambit ni Eros na ngayon ay mariin ang hawak sa palapulsuhan ni Kale. Kahit na nanginginig na ang tuhod ko ay pinilit ko pa rin na tumayo ng maayos at umarte na parang balewala lamang ang mga nangyayari. Kahit na nakakatakot ang mga tingin na ipinupukol niya sa akin. Inis na umismid si Kale ng bitawan ni Eros ang kaniyang kamay. Samantalang si Nix naman ay tahimik lang na nanonood sa nangyayari. “Umalis na kayo,” malamig ang tono na sambit ni Eros ng kahit paano ay kumalma na siya. “Tara na, Kale,” walang emosyon din na sambit ni Nix nang tumayo na ito mula sa kinauupuan niya upang hilahin palayo ang kaibigan. “Fine,.” labag sa kaloobang sambit ni Kale. “You better be careful miss, dahil hindi ito ang magiging huling pagkikita natin,” mariin at may pagbabantang sabi pa nito. Kasabay ng pag-alis nila ay ang siya ring pag-alis ko. Alam ko na dapat akong mag-ingat, dahil siguradong hindi biro ang kaniyang sinabi. Pero pilit ko na lamang na inignora ito. Sa halip, nag-umpisa na lamang akong maglakad pauwi. What I did earlier was a mistake. Prying on someone else life was way out of my character, but I just did it a minute ago. Something was really wrong in me. Simula nang nakausap ko si Eros at binisita sa kanilang coffee shop ay nag-umpisa rin ang pagbabagong ito sa akin. Maybe it would be better kung lalayuan ko siya. Pero paano ko siya lalayuan kung sinusundan niya ako? He was walking behind me without saying any single word. “You dupe! Bakit mo ba ako sinusundan?” singhal ko matapos akong pumihit paharap sa kaniya. “Teka! B-bakit ka umiiyak?” gulat at utal kong tanong nang makita ko ang unti-unting pagpatak ng kaniyang luha. “Dahil masaya ako,” tipid ang ngiti sa labing sagot niya habang pinupunasan ang pisnging nabasa dahil sa luhang patuloy na pumapatak. “Ha?” I don’t get and I don’t understand what he was saying. Para akong tinubuan ng isang malaking question mark sa ulo sa sinabi niya. Dahil masaya siya? Pero bakit? Ang weird niya. Masaya ba siya kasi narinig niya ang tunay na pakay ng dalawang ‘yon? Pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit parang may sumaksak sa dibdib ko nang makita ko ang luha niyang unti-unting pumapatak. It was like someone was stabbing me as I saw those tears falls down from his midnight black eyes. Just like a while ago, when I saw him looking so lifeless while listening to Nix and Kale’s conversation. “It was the first time that someone did that for me. Simula pagkabata kasi ang pera lang naman na meron ako at ang talino ko ang habol ng mga nagiging kaibigan ko,” sambit niya ng huminto siya sa paglalakad upang maupo sa bakanteng upuan ng waiting shed. “At kanina ang unang pagkakataon na may nagsabi at nagtanggol sa akin nang ganoon,” dagdag niya. I don’t know why, but my feet and arms suddenly move on its own. My feet slowly move forward towards him and my arms pulled him closer for a hug. My mouth also moves on it’s own. “You don’t need to cry. For sure you will find a true friend who will be with you not because you have money, but because he wants to be your friend. Hindi naman natin kailangan ng maraming kaibigan, isa lang sapat na,” mahina kong sambit habang nakayakap sa kaniya at marahang hinahagod ang kaniyang likod. Nanatili kaming magkayakap sa loob ng ilang segundo hanggang sa siya na ang kumalas sa yakap. He lowered down his head para maging pantay ang paningin namin. He look straight into my eyes intently as a small smile formed into his lips, and then sadness in his eyes slowly fades away. “Then, babalik na ako sa school. Papasok na ulit ako,” nakangiti niyang sabi. “Babalik ako kasi nandoon ka. I will come back to school because there is you in there,” he continued. “Because Eris Cyllene was there, so there should be Eros Zen too.” “Masaya ako na papasok ka na ulit at a-attend ka na sa mga klase mo,” wala sa hinuha kong sambit habang nakatitig din sa kaniyang mga mata. Mga mata na kanina lamang ay puno ng lungkot. Ngunit nang mapagtanto ko kung ano ang ginawa ko ay kaagad akong tumalikod ng maramdaman ko ang unti-unting pag-init ng aking pisngi. Mabilis akong naglakad palayo sa kaniya. Ano ba naman kasi ang sumapi sa akin para gawin at sabihin ko iyo? Hindi naman ako ganito. Pero bakit pagdating sa kaniya ay nagiging ganito ako. Ano ba ang nangyayari sa akin? May sakit ba ako o magkakasakit ba ako kaya ang weird ko. “Eris! Eris Cyllene!” sigaw niya habang lakad-takbong humahabol sa akin. “Ang puso ko,” hinihingal niyang sabi ng maabutan ako upang pigilan ako sa paglalakad. Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat at saka ihinarap sa kaniya. “Ano may sasabihin ka pa ba? Kasi kung wala, uuwi na ako.” “Ang bilis, ang bilis ng t***k ng puso ko,” sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Ang isang kamay niya naman ay nakahawak sa balikat ko habang ang isa ay nakahawak sa dibdib niya. “Ha?” Ano naman kung mabilis ang t***k ng puso niya. Normal lang naman na tumibok ng mabilis ang puso matapos tumakbo. Marahan siyang bumuga ng hangin bago muling humarap sa akin at pinakatitigan ako sa aking mga mata. Seryoso ang kaniyang itsura maging ang kaiyang mga mata. Tila ba isang seryoso at importanteng bagay ang kaniyang sasabihin. Kaya naman wala sa sarili akong napalunok ng sariling laway habang pilit na iniignora ang kakaibang tensyon na nararamdaman. “Eris, gusto kita,” seryosong sabi ni Eros. “Ha? Anong ibig mong sabihin?” nagugulohan kong tanong. “Gusto kita,” namumula ang kaniyang mga pisngi na sambit. “Bilang kaibigan ‘di ba?” nauutal kong tanong habang iniiwas ko ang aking mga mata sa kaniyang titig. Ano ba naman kasi ang ibig niyang sabihin? Ako gusto niya? Imposible. “Hindi! Hindi ganoon. Ang ibig kong sabihin ay gusto kita not as a friend but in a romantic way,” umiiling na sambit niya. Inilapit niya pa nang husto ang kaniyang mukha sa aking mukha. “Eris gusto kita matagal na. Gustong-gusto kita,” he added. “What? Wait, wait a second,” I said as I push him away and pulled myself away from him. In a romantic way? Lutang ba siya o bangag lang siya? “Baka naman nagkakamali ka lang,” I said trying to calm down myself from the shock because of what he just said. “What I mean is. . .” I paused for a second. “Hindi ba wala ka pa naman masyadong nagiging kaibigan?” I continued. Muli ko siyang tinitigan, mata sa mata. “Baka nami-misunderstood mo lang ang nararamdaman mo. Baka naguguluhan ka lang?” Kung makapag salita ako parang may alam ko sa mga ganitong bagay, e wala naman. “I don’t think so,” he contradicts me. “Dahil simula nang nakita kita noong entrance exam ay nagustuhan na kita. At mas lalo kitang nagustuhan last year nang mapanood kita sa debate. Matagal na kitang gusto Eris.” Wala akong nagawa kung ‘di ang tumango at mariing ipikit ang aking mga mata. I’m lost, wala akong mahanap o maisip na tamang salita.Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat na maging reaksyon ko sa kaniyang sinabi. “If I gained friends, a true friend. Would you believe in me?” tanong niya ng ikinulong niya ang aking pisngi sa kaniyang mga palad upang matitigan niya ako sa aking mga mata. “Maniniwala ka ba na sa akin na gusto talaga kita?” “I don’t know,” I shrugged while I’m trying to dismiss the weird feeling I suddenly felt while he was holding me. “I’m serious, Eris. I’m sure about my feelings. Sigurado ako sa nararamdaman ko. Eris, gusto talaga kita simula pa lamang freshman tayo,” pag-amin niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Diresto siyang nakatingin sa mga mata ko. Kaya pakiramdam ko umiinit na ang aking pisngi dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko rin maintindihan pero parang may kung anong kumurot sa puso ko nang marinig ang mga sinabi niya habang nakatingin sa mapupungay niyang mata. Today was a very beautiful afternoon. We’re under the sun that was about to set. The sunlight in between the day and night shines on his face. In this busy street where people are passing by. Near that big tree, which I don’t know the name. A few meters away from his coffee shop, in this public park where kids are playing, and couples are sitting next to each other, holding each others hand as they watch the flowers in full bloom. On this day, in this place I received the first love confession in my twenty one years of existence.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD