Chapter 11 Habang naglalakad ako sa mall at tumitingin ng mga botiques para bumili ng damit ni Winter ay biglang may humablot sa bewang ko at kinaladkad ako para pumasok kami sa isang dressing room na ilang hakbang lang mula sa kinatatayuan ko. Huli ko nang mapansin na ang taong nagkaladkad papunta sa dressing room ay sobrang pamilyar. Kahit siya rin ay nagulat nang makita niya ako at agad na napalayo pero may mga tao pa rin na nag-uusap kung saan nila nakita ang taong kaharap ko. Otomatikong napataas ang kilay ko at agad siyang binigyan ng masamang tingin. Akmang aalis na sana ako ng bigla niyang hinablot ang braso ko at dahan dahang umiling. His eyes are pleading at makikita ang pagka-alarma sa mukha nito. “Just this once, Melody.” “Nakita ko talaga na dito siya pumasok!” “Oh a

