Chapter 6
“I want you to memorize the patterns of documents here and there. Our boss is very kind but he has OCD which is a very no-no sa mga unorganized things, Ms. Mendoza. You have been trained by me almost one month already and I can see you are a very good employee. Our boss might like you as well.”
Tinanguan ko lang ang Head Manager ng Headquarters. Ms. Maya trained me for almost a month she’s been particular to the assistance to our boss and how I should act with him.
“Bukas ka na magrereport ng headquarters and I hope you like your work there, Anna.” She whispered. Nasa Maunlad pa rin ako at kagaya ng sabi ni Ms. Maya ay luluwas na ako ng siyudad para sa totoong trabaho ko.
“I think that’ll be all, Anna.” She dismissed me already at tuluyan na silang nagpaalam sa akin. Nagkita kami ni Claire sa lobby and she wishes me good luck at nagpasalamat ako sa tulong niya.
Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin ng banyo. Makikita sa repleksyon ng ID ko ang pangalang ANNA MENDOZA. Hanggang walang nakakakilala sa akin ay okay lang magpanggap diba? I will be Anna not Melody.
Malaki naman siguro ang siyudad para magkita kami ng mga taong tinatakbuhan ko diba?
Turns out it is a lie.
Nanginginig ang tuhod ko ng makaharap ko ang boss ko na ipinakilala sa akin ni Ms. Maya.
Ang taong tinatakbuhan ko.
“Miss Mendoza he is Mr. Nicollo Luke Chavez the progidy of business world and our boss.
And Mr. Chavez she is Anna Mendoza your secretary from now on.”
I guess my reaction reflect to his as well. Nanlaki ang mata niya na tinitigan ako. Namayani ang katahimikan sa amin sa loob ng opisina at nakita ko na parang naguguluhan si Miss Maya.
Pero mas na una akong nagising sa katotohanan at binigyan ko siya ng isang mapalad na ngiti. Inilahad ko ang palad ko para sa isang pakikipag-kamay pero nakatingin pa rin siya sa akin.
“Good Day, Mr. Mendoza.” I said with a smile.
How can this man fool me? well— I am just foolish enough not to see those obvious things?
His eyeglasses are still there but his braces are gone. He’s wearing a tailored and neat suit unlike to his persona eight months ago.
“Mr. Chavez?” Miss Maya said at nakita ko kung paano umiling si Nicollo at tinitigan ako sa huling pagkakataon bago siya tuluyang tumalikod at bumalik sa kinauupuan niya ng walang pasabi.
“He likes you, Anna.” Ms. Maya whispered at alanganing nginitian ko lang siya.
Napatingin ako sa lalakeng naglalakad papunta sa swivel chair na kinauupuan niya.
Why do I have this feeling to take revenge?
Those eyes with eyeglasses.
Why do I have this courage to make him cry and in pain?
Ginabayan na ako ni Miss Maya sa pwesto ko.
Why do I have this urge to play him and make him suffer like what he did to me?
Tuluyan na akong naupo sa upuan ko na malapit lang sa mesa ni Nicollo. Isang angat lang ng tingin ay makikita siya kaagad at magtatagpo ang mga mata namin.
Hindi naman kasalanan mag-revenge sa taong sinaktan ka at pinahiya ang buong pagkatao mo diba?
My whole life is a lie at gusto ko lang maghiganti sa taong nag bigay ng walang katumbas na sakit sa buhay ko. Yung akala mo okay na ang lahat iyon pala ay pinaniwala ka lang sa kasinungalingan.
--
Pumatak na ang alas-sais ng gabi at tumunog ang grandfathers clock sa loob ng opisina ni Nicollo. Napasulyap ako rito at makikita na nakaharap pa rin siya sa laptop niya at walang kibo na nagtatype rito.
Napatayo na ako at kinuha ang gamit ko at lumapit sa direksyon niya.
“Sir Nico—Mr. Chavez.” Nilayo niya ang paningin niya sa direksyon ng laptop at nakita ko ang panlalaki ng mata nito ulit at para bang nagpanic.
“Y-Y-Ye-Yes?” the guts.
Where’s the man that f****d that girl against the wall? While looking to my eyes as if I am watching a live p**n?
“I think I am going home… unless…” nakita ko ang panlalaki ng mata niya at napakunot ang noo niya.
“Unless?” ulit niya.
“Unless may ipapagawa pa po kayo sa akin?” nakita ko ang pag hinga niya ng maluwag at napailing.
Did he expect something?
“Y-You can g-go now, M-Ms. Mendoza.” He whispered with a gentle shake on his head.
I smile and gave him a slight bow at tuluyan na akong tumalikod at naglakad na palayo. Ngunit nang bubuksan ko na ang pinto ng opisina niya ay bigla siyang nagsalita.
“You are too familiar, Ms. Mendoza.”
Nilingon ko siya and I smirk. “So do you, Mr. Chavez. Have we met before?” I ask at nakita ko ang panlalaki ulit ng mga mata niya at inilingan ako.
“No.” he answered sternly. “I think not. You may go now.” He dismissed me at bumalik sa pagtatype sa keyboard niya.
I want to play with him.
I want to make him suffer.
And maybe it’s the destiny choice to let me work on his company. I want to crumple his empire, for hurting me so bad and for deceiving me.
I will make him regret for what he did.
--
Sa hospital ako dumiretso at nakita ko ang anak ko na parang bumubuti na ang kalagayan. Nagiging pinkish na rin ang balat niya sa loob ng mahigit na isang buwan sa hospital dito sa siyudad at habang tumatagal ay bumubuti lalo ang resulta ng mga laboratory exams niya.
“Kumusta ang trabaho?” napaangat ako ng tingin at nakita ko si Jonas na nakasuot ng suit at naka neck tie pa. makikita sa mukha niya ang pagod pero napatingin din siya kay Winter at napangiti.
“Sa lahat ng iniisip ko na mangyari sa unang araw ng trabaho ko ay hinding-hindi eto ang inaasahan ko.” I said.
Nakita ko na tumango lang siya. “Eh ako nga ay biglang naging HR, eh taxi driver lang naman ako noon.” Aniya at tinawanan lang ako.
Napatingin ako sa kanya dahil para sa akin ang hindi nakakatawa. Para bang may laman ang sinabi niya.
“Jonas…” I whisper at nakita ko na lumungkot ang mga mata niya.
“Hanggan kailan tayo magtatago sa pekeng pagkakilanlan, Anna?” tanong niya at natahimik ang buong pagkatao ko.
Anna.
Anna Mendoza.
I’m not even her.
Bakit nga ba naging Anna Mendoza ako?
Walang masyadong tao sa pwesto ng gotohan na eto. May iilang tao na kumakain pero sa dulo sila at malayo sa pwesto ng mismong gotohan.
“Oh hija? Goto?” tanong ng isang babae na lumabas mula sa isang kwarto na natatabunan ng kurtina.Medyo matanda na eto—malamang mga early 50’s na rin.
“Ching Ching Tabachingching.” Bulong ko at nakita ko na nagulat ang babae sa sinabi ko.
“Anong sabi mo hija?”
“Ching Ching Tabachingching.” Ulit ko at nakita ko na sumilip ang babae sa kaliwa at kanan.
“Ano ang ipagagawa mo?” bulong niya at napahinga ako ng maluwag.
“Lahat na dokumento. Passport. PhilHealth.Birth Certificate… diploma.” Napahawak ako sa tiyan ko.
I just can’t give up this life. I may be a f****d up person.
My life might surround a full of lies but I won’t let my baby suffer.
“Medyo mahal iyan, Ma’am.”
“Okay lang po. Pero pakidalian lang ko.” Kinindatan niya ako at inabutan ng isang papael at ballpen. “Ilagay mo ang bago mong pangalan, kaarawan at gusto mong kurso para sa diploma mo.”
Napahawak nga ko sa papel at napatitig dito.
Sana tama ang desisyon ko.
Napatingin ako sa dingding ng gotohan at nakita ko ang sexy star sa kalendaryo nito. Si Anne Curtis.
Para bang otomatiko na isinulat ko ang bago kong pangalan sa papek. Mas mabuti na common ang pangalan ko at gusto ko ring imaintain ang Mendoza,
Anna Mendoza.
“Oo. Malaki nga ang sweldo ko ngayon, hindi rin mahirap ang trabaho pero hindi naman totoo ang diploma ko—pati na rin sa iyo. Minsanan ay nakokonsensya na rin ako, Anna.” Bulong ni Jonas at nasaktan ako sa sinabi niya. Pero totoo naman lahat niyang sinabi. “Pero ang importante masaya ka ba? Kaya mo pa ba?”
Hindi ako nakasagot sa tanong niya at sa halip ay napatingin lang ako sa anak ko.
“Hanggang sa kaya ko mag sakripisyo para kay Winter. Hanggang sa makakapaghiganti ako. kakayanin ko ang lahat.”
“Sana wala tayong pagsisisihan sa huli, Anna.” At tuluyan na niyang iniabot ang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon. “At sasamahan kita. Sasamahan ko kayo ni Winter.”
Revenge.
Revenge is a dangerous word.
Author’s note: what do you think kay Jonas? :D