BLOOD 1: She's Crimson
"TALAGA? Eh, naku papunta na ako diyan promise. Pakisabi na lang anu...sumakit tiyan ko o kaya nasira sapatos ko. Nilagyan ko ng shoe glue at pinatuyo muna. Basta gano'n. Ikaw na magpalusot ha. Oh, sige na"
Nagmamadaling lumabas ng bahay ang babae matapos makatanggap ng tawag. Nakasuot siya ng chekered long sleeves, nakabukas ito at kitang-kita ang panloob na sandong puti. Pinarisan din ito ng ragged wash jeans at lace up brogue (boots).
Tumama din ang sikat ng araw sa medyo kulot niyang buhok at katulad ng kanyang apelyido ito ay Crimson. Sabit-sabit ang kanyang sling bag at DSLR na camera sa leeg.
Tinungo niya ang garahian ng kanyang bahay. Doon nakaparada ang kulay asul niyang Austin Mini. Agad niya itong pinasok at naupo sa loob. Isinaksak ang susi saka nagsimulang magpaandar ng makina.
Umandar naman ito subalit namatay din pagkasandali. Kumunot ang kanyang noo at nagtaka sa nangyari.
"Come on! Not this time" Nag ngingit-ngit na pakiusap niya sa kotse. Hindi pwede mangyari ang kanyang iniisip.
Sinubukan niya muli paandarin ngunit wala siyang narinig na tunog ng makina. Makailang ulit niya pa itong pinilit subalit ayaw na talaga. Mas lalong luminya ang kanyang noo at nahampas ang manibela matapos mapatingin sa dashboard ng kotse. Kulay pula na ang fuel gauge nito.
Kung minamalas ka nga naman.
Napamura siya sa kanyang isip. Naalala niya kasi na noong isang buwan pa pala ito walang petrolyo. Lumabas siyang nauuyam at pabalibag niyang isinara ang pinto.
Hindi pa yata humuhupa ang kanyang inis at pinalo pa ang likod ng kanyang kotse. Bumuga naman ito ng usok at tyempong sa mukha niya tumama at pumasok sa ilong niya. Napamura na naman siya habang uubo-ubo.
At bilang ganti, sinipa niya ang gulong ngunit tila iniinis yata siya nito nang biglang nawalan ng hangin ang goma.
"Darn it!" Utal niya na diretsong napasambunot sa kanyang buhok. Wala na siyang nagawa kundi ang maglakad palabas.
Hindi niya talaga maasahan sa ganitong emergency ang bulok niyang kotse. Late na kasi siya sa kanyang trabaho. Madaling araw na siyang nakatulog dahil sa pagbabasa ng isang istoryang rinisearch niya. Isa kasi siyang writer sa Royalty Crown Publishing House at paniguradong sigaw at galit na naman ang matatanggap niya sa araw na ito.
Ngayon pa lang nga umaalingawngaw na ang boses ni Mr. Buenaventura sa utak niya---ang boss niyang terror-nasaur. 'Yon ang tawag niya dito dahil sobrang istrikto nito.
Napahilamos siya sa kanyang mga palad habang iniisip niya ang maaaring mangyari sa kanya pagdating niya sa opisina. Nayayamot siya, isabay pa itong araw na tumatama sa katawan niya habang naglalakad.
Ang init!
Wala na yatang mas hihigit pa dito.
Ki uma-umaga problema na naman ang bumungad sa kanya. At sa ganitong sitwasyon, naiisip niya ang ama. Kung bakit kasi hindi na lang ito umuwi at asikasuhin ang pagiging tatay sa kanya. Ang magkumpuni ng sira nilang gripo at pati ang bulok nilang kotse.
Kung bakit kasi parating nasa ibang bansa ito at kung anu-anong adbentura ang ginagawa. Kung sana andito ang tatay niya, marahil mababawasan ang kamalasan niya.
Isa kasing historian at treasure hunter ang kanyang ama at kasalukuyang nasa Greece ito. Tanging pagtawag, video call at post cards lang ang nagiging komunikasyon nila. Minsan kapag naaalala niya ang pigura ng ama ay nakadarama siya ng halong inis at panlulumbay.
At sa kabila ng mga iniisip niya, meron ding alaalang kumukontra sa tatay niya; na mas mabuti na sigurong magkahiwalay muna sila. No'ng nakakasama niya pa kasi ang kanyang ama, magugulat na lang siya na wasak-wasak at puno na ng malalaking butas ang hindi kalakihan nilang bakuran. Kung anu-ano kasi ang hinuhukay ng kanyang ama.
Kung minsan naman, makakarinig na lang siya ng putok sa kusina nila at makikita ang ama niyang nakasuot ng puting laboratory gown, naka gloves at naka surgical mask din ito at goggles. Magpapaliwanag ito sa kanya na nag i-ekspereminto itong gumawa ng mas masarap daw na strawberry jam para sa kanya.
Nakita din niya ito minsan na hawak-hawak ang isang uri ng pang wielding at sabi niya mas madali raw maluluto ang dressed chicken kapag 'yon daw ang gamit. Mababaliw na yata siya sa mga araw na 'yon dahil hindi talaga mapagsabihan ang tatay niya. Nagmumukhang mas matanda na nga siya kesa dito.
Pero 'yong mga araw na nasilip niya ang kanyang ama sa sarili nitong kwarto ang nag palungkot ng kanyang itsura. Palagi niya kasing naabutan ang amang nakatulog na sa study table nito habang nakaipit sa mga braso ang isang maliit ngunit makapal na notebook. At alam niyang puno iyon ng sekretong tinatago patungkol sa kanyang ina.
Napabuga na lang siya ng hangin matapos ang pagbabalik tanaw niya; habang nakatayo at naghihintay ng taxi.
Narinig niyang tumutunog ang kanyang telepono kaya't kinuha niya ito sa bag. Rumihestro ang pangalan ni Jett-----ang katrabaho at co-writer niya na kanina lang ay katawagan niya.
Pumuporma na ang kanyang bibig para sumagot nang agad namang nagsalita si Jett.
"Hello? Shana? 'Asan ka na ba?" Turan nitong parang bumubulong. Marahil ay nagnakaw lang ito ng oras para tawagan siya. Na alarma tuloy siya.
"A-anu...heto nakasakay na ako ng taxi. Pasensya na nasiraan ako ng kotse" Agad niyang pagreresponde ng sagot.
Mabuti na lang at sakto ding may pumarada na taxi at agad naman siyang pumasok.
"Ngayon pa lang?," Pag-aalala tanong ng lalaki na nasa kabilang linya.
"Please you have to hurry or else baka kung sino na naman ang mapagbuntungan ng galit ni Sir. He keep on asking everyone kung nasaan ka na daw especially me. Kung anu-ano nang palusot ang sinabi ko ang I don't think I can hold on this any longer kapag kumulit pa siya" Matamang pagbibigay niya ng eksplinasyon.
Nag-aalala lang siya sa kaibigan, sa sarili niya pati sa mga katrabaho nila. Damay-damay kasi kung magalit itong terror-nasaur nilang boss.
Hinihintay niya pa na sumagot ang kausap na babae pero wala naman siyang narinig. "H-hello? Shana? Hey, are you still there?"
Wala siyang ibang marinig kundi ang tunog lamang ng makina at mahinang musika na alam niyang nanggagaling sa radyo ng taxi. Maya maya'y nagkasalubong ang mga kilay niya nang nakarinig siya ng nagpipigil na tawa.
"The heck Shana. Tinatawanan mo ba ako?" Lumulukot na ang kanyang noo.
"H-ha? Pfft...H-hindi ah," Baling na sagot naman ni Shana sa kabilang linya na halatadong nagpipigil ng tawa.
"Shana naman. I'm being serious here. You're dead meat pag dating mo dito"
"Oo na. Oo na. It's just that...I didn't know you could be sound gay sometimes ha ha ha," Natatawa niyang sagot. Pinipilit na nga kasi niya magseryuso pero hindi niya mapigilang tumawa sa inaakto ng kaibigang lalaki.
"Tch. Just please hurry up kung gusto mo pa ng co-writer," Matigas na sagot din ng lalaki. Tumawa lang si Shana pag karinig niya dito dahil alam niya at sanay na siya sa ganitong paraan ng pakikipagsalita sa kanya ng kaibigan.
"S-saka may sa-sabihin din pala ako kaya bilisan muna talaga. Umuusok na ang ilong ni Sir Buenaventura" Pagkatapos nito'y ibinaba na ng lalaki ang kanyang telepono.
Wala namang pakialam si Shana sa pagbaba sa kanya ng tawag kahit hindi na siya hinintay na makapagsagot. Napatigil lang siya sa unang parte ng sinabi ni Jett.
Ba't bigla yata itong nabulol do'n?
May problema kaya?
Magpapa-advice na naman ba ito sa kanya patungkol do'n sa babaeng nagugustuhan niya?
Napangiti siya sa ideyang ito. Dati kasi iniisip niyang confirmed itong si Jett. Nanghinayang pa nga siya dahil gwapong lalaki naman ito, may kalakihan ang katawan at ramdam naman niya ang masculine aura nito. Hindi nga lang ito sa kanya epektibo.
Hindi naman kasi ito nag kukwento tungkol sa babae kahit matagal na rin silang magktrabaho. Hindi rin niya nakita o narinig man lang na nakikipag date ito sa mga katrabaho nilang babae. Kaya't laking tuwa niya na mali pala iniisip niya.
Nitong nakaraang linggo kasi madalas na itong magkwento at magtanong tungkol sa tingin niya'y nagugustuhan na ni Jett. Masaya siya para sa kaibigan. Kaya't ginanahan at nanabik tuloy siyang pumunta agad sa opisina kesa sa pag-aalala sa nag-aalburuto nilang boss.
NAKARATING siya sa opisina ng mag-iisang oras ng late. Pagkabukas niya ng pinto ay balangibog na kaagad ang kaniyang pangalan. Naririnig niya ang sigaw at pagbabanta ng kaniyang boss sa sarili nitong opisina---sa 'di kalayuan.
"Tawagin niyo si Shana! Dahil kung hindi, walang mag-lu-lunchbreak ngayon!" Matapos nito'y pabalibag na isinara ang pinto. Nakita naman niyang nasindak ang mga katrabaho. 'Yong iba nga'y nakabusangot na. Nakaramdam tuloy siya ng hiya.
"He's like that for like two hours or so" Nilingon niya ang pinanggagalingan ng pamilyar na boses. Lalaking nakasuot ng tiniklop na puting long sleeves.
"Here" Iniabot sa kaniya ang kapeng nasa plastic cup.
Kinuha naman niya ito ng may makahulugang ngiti. "It should be mocha"
"Oo, mocha 'yan. Alam ko naman eh. Kaya pumunta ka na do'n at kanina pa 'yon ungol ng ungol. Nawawala 'yong concentration ng iba dito oh. Saka sa'yo nakasalalay ang lunch break natin"
Hindi lingid sa kaalaman ng iba ang sekretong tinatago ng kanilang boss; ang pagkahilig sa kapeng mocha. Tanging silang dalawa lang ang nakakaalam nito. Sa tinagal-tagal ba naman nila dito at sa pangsesermon ni Mr.Buenaventura ay nakakabisado na ni Shana kahit papanu.
Siya kasi ang hilig nitong pagalitan ngunit siya naman ang mahilig bigyan ng paminsang kabaitan. Dalawang magkaibang bagay subalit pareho namang ibinubuntong sa kaniya.
"Right. Ipagdasal mo ako Otis" Tumalikod na siya at iniwang naka-kunot noo ang kaniyang kausap. Umangat naman ang mag kabilaang gilid ng labi niya.
Alam niya kasi kung bakit gano'n ang naging reaksyon ni Jett. Ayaw nitong magpatawag ng Otis. Ang pangalan kasing 'yon ay inimbento niya lang at nakasanayan na niya itawag sa kaibigan.
Pumasok na siya ng pinto at bumulaga sa kaniya ang boss niyang may iilang hibla na lang ng buhok na pahiga; magkabilaan ang hawak na telepono at panay itong sagot. Hindi niya tuloy alam kung matatawa ba siya o mangangamba.
Una kasi niyang makita ang pagmumukha nitong nangingiusap.
At dahil abala pa ito, naisip niyang maupo muna sa black leather couch at hihintayin na lang na matapos ang kaniyang boss. Nailapag na niya ang kapeng mocha sa wooden center table at lalapat na dapat sana ang pwet niya sa upuan nang bigla siyang napatayo muli sa gulat dahil sa pabagsak na ibinaba ni Mr.Buenaventura ang telepono.
Hinay-hinay siyang napalingon sa direksyon ng kaniyang boss at napalunok ng laway dahil magkasalubong na ang mga kilay nito habang nakatitig sa kaniya.
She was spitting prayers through her head as if she's in front of a demon.
O, kape magging good luck charm ka sana.
Nawa'y 'wag mo akong pabayaan.